Chapter 3: Who's Who?

2.7K 74 86
                                    

(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)

"Go Mercy, ang galing mo!" Todo-cheer ako habang kalaban ni Mercy ang kabilang klase sa amin. Pinunasan ko muna ang noo ko habang ngiting-ngiti akong nanonood sa kanila.

Nakasandal lang ako sa tahimik na building nang may maramdaman ako na umupo sa gilid ko. Tiningnan nito ang rubber shoes niya, at itinali niya agad 'yon. Patayo na sana ito pero napalingon siya sa akin kaya nanatili siyang nakaupo.

"Bermudez, kanina pa ang uwian. Si Castro lang naman ang kasali sa intramurals, hindi ba? Ano pa ba ang ginagawa mo rito?" Tiningnan ni Ma'am Chelsea ang bag sa gilid ko at medyo lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Kailangan ba talaga na lagi kayong dikit ni Castro?"

"K-Kasi po ma'am, kapitbahay ko si Mercy. Okay lang naman po na mauna ako, pero mas maganda kung bantay-sarado ko siya—gaya ngayon, at pakiramdam ko nananalo rin ako sa bawat panalo niya."

"Sabagay, Bermudez. Ako rin naman gusto ko na nasa labas lang lagi. Parehas tayo, ano? Negative lang kasi lagi sa bahay namin. Iyong tipo na pagpasok mo pa lang, wala ka nang gana agad. Mahirap mag-focus sa isang lugar na akala mo safe haven mo, tapos doon pala ang lugar na pakiramdam mo nasa impyerno ka."

"Siguro nga po, ma'am. Malalagpasan niyo rin 'yan."

"Alam mo Bermudez, wala nang aayusin pa. The damage is already done. Ang dapat na lang, acceptance. Matutong lunukin kung ano ang totoong nangyayari."

"Alam mo po, iba ka po sa mga kakilala ko na nasa bente nila. May kaunting ano ka ma'am.... 'yong ano.... masungit po? Pero alam ko naman po na mabuti kang tao."

"Saan mo ba ibinabase ang pagiging mabuti ng isang tao? Sa pagigiging friendly? Alam mo kasi, dapat pinipili mo ang magiging kaibigan mo. Kapag marami kang pinapapasok na tao sa buhay mo, mas marami ang puwedeng magtaksil sa'yo. Mag-ingat ka rin sa pagbibigay ng sikreto sa iba."

"Umm.... puwede po ba kitang maging kaibigan?" nahihiyang tanong ko sa kaniya. Napalingon ito sa akin at sumeryoso ulit ang mukha niya. "K-Kasi po ma'am, nababaitan ako sa'yo at type ko po kayo—I mean type na maging kaibigan, matalino ka po kasi."

"Sure. Kapag naman nasa labas na tayo, hindi niyo na ako guro. Awkward din madalas na matawag ko kayo na mga anak ko, e parang ate niyo lang ako."

Ngumiti ako sa kaniya kaya tumango ito sa akin. Tumayo na agad siya at naglakad palayo sa akin, kaya dinampot ko agad ang bag ko para masundan siya. Napansin ko na papunta ito sa kotse niya kaya sumabay na ako sa paglalakad.

"Bermudez, may kotse ka rin? Bakit dito ka patungo?"

"Hindi po ba't friends na tayong dalawa?" nakangiti kong tanong sa kaniya. "Gusto ko po na mas makilala ka pa, since magkaibigan na tayo. Wala naman po akong gagawin at marami akong oras para kausapin ka."

"Ang kulit mong bata ka. Bumalik ka na nga!" natatawang tinuran niya sa akin. Lalo pa akong lumapit sa kaniya pero dumampi agad ang palad niya sa noo ko. "Sige na, bumalik ka na sa kaibigan mo. Listen to me, Bermudez."

"Call me Shan na lang po, ma'am. Boring naman ang apilyedo ko, walang ganap at mahaba. Ano po kaya ang puwede kong itawag sa'yo?"

"Your surname is special, may touch of Spanish ang Bermudez. Also, pleasing to the ear ang pangalan mo. Ikaw ba, hindi mo ba gusto ang apilyedo mo? It goes well with your name. Since you want me to call you Shan, e 'di sige. You can call me Ate Chelsea or anything you would like."

"Umm.... can I call you 'mine' po?" nakangiting banat ko sa kaniya.

Tumawa agad ito at sumandal siya sa kotse niya. "Why would you call me that? Ikaw Bermudez, you're witty. You know, 'Ate Chel' is a bit awkward. Try calling me using my name."

How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon