(𝘚𝘩𝘢𝘯𝘯𝘢𝘳𝘢)
"Since tapos na ang pasukan anak, dapat mag-celebrate tayo. Isama mo si Mercy, 'yong ibang mga kaibigan mo sa kolehiyo at 'yong mapapangasawa mo. Dapat na malaman niyang napakatalino ng babaeng gusto niyang pakasalan at 'di siya nagkamali sa'yo." Nakahiga ako sa kama ng kuwarto ko habang nakatingin kay Nanay Rowena na nagsusuot ng pang-alis. Tulala naman ako at kanina pa ako pahid nang pahid ng gilid ng mga mata para 'di niya ako mahalata. Isang linggo ko na ring 'di nakikita si Chelsea kaya sigurado akong pinanindigan na niya si Nami. Ayos na 'yon sa akin, basta't masaya ang magiging anak nila kahit na masaktan man ako. "Shan! Kanina ka pa nakatulala, sabi ko tawagin mo na sina Marco at ang mga kaibigan mo. Dapat marami tayo, ang dami ko kayang balak ngayon. Hayaan mo na sa pera, wala 'yon. Basta para sa'yo."
"Nanay, puwede ba kitang tanungin? Gusto ko lang na malaman ang opinyon mo." Lumapit na ito sa akin at umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya agad ang kamay ko at diretso siyang tumingin sa akin. "Nanay, paano kapag ang isang bata produkto ng rape? Tapos ang nangyari, nagpakasal ang magulang niya na walang pagmamahal sa isa't isa. Magiging buo kaya ang pamilya nila?"
"Bakit mo naman ipipilit ang hindi puwede, Shannara? Sensitibong bagay ang rape, madaling sabihin na pakasalan si ganito ganiyan dahil wala ka sa sitwasyon nila. Ang best na gawin doon, maayos na usapan. Kung ayaw man ng nagahasa ang bata, it's because nandidiri at nanlulumo siya sa ginawa sa kaniya."
"Ayaw ko naman pong sabihin 'to nanay, pero may hinanakit ako sa tatay ko. Ayaw kong makakita ng bata na naghihirap na walang tatay nang dahil sa akin. Dahil sa ganoon, iisipin ko na home wrecker ako at mapanira."
"Shan, may mga bagay na hindi pinipilit. Kahit na sabihin mo pang 'di gusto ng bata na siya ang ipinanganak, wala tayong magagawa kung magagalit man ang nanay niya."
"Siguro nga."
"Bakit? May kakilala ka ba? Si Mercy ba, or kahit na sino?"
"Hindi po 'nay. Sige po, magbibihis na ako. Dadalawin ko na rin si Mercy nang makita ko ulit siya. Hindi na kami nagkikita, e. Matagal-tagal na rin 'nay."
Dumiretso na ako sa kuwarto para magpalit ng suot. Biglang nanghina ang mga tuhod ko, at napasalampak ako sa sahig. Tinitingnan ko lang ang bintana habang sumisikip ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil binitawan ko na agad si Chelsea. Bilang tao na nakakikilala sa kaniya, alam kong mamahalin nito ang bata na anak niya kay Nami. 'Yon lang ang gusto ko, isa ring dahilan ang nag-aaral pa ako kaya mas maganda na bumuo na agad siya ng pamilya at ayaw ko nang hintayin niya pa ako. Gusto ko nang maging masaya siya, at gusto ko na tanggapin niya ang walang kamuwang-muwang na batang mamahalin siya bilang nanay. At kay Nami, dama kong nagsisisi ito at sana magawa niyang humingi ng tawad kay Chelsea para mapatawad siya nito. Pakiramdam ko higit pa ang pagmamahal ni Nami kay Chelsea kaysa sa akin na laging wala sa tabi niya at subsob sa pag-aaral. Magkalapit pa ang mga edad nila at dama kong may kabaitan kay Nami, minsan nga lang may nadarama akong takot na baka 'di niya alagaan ang anak nila.
Nang matapos ako sa pagbibihis, pinuntahan ko na agad si Mercy sa bahay nila. Nakita ko na kumakain ito kaya umupo agad ako sa hapag at pinanood ko siya.
"Mercy, iniimbitahan ka kasi ni Nanay Rowena na samahan kami. Alam mo na, shopping at celebration dahil Dean's Lister ako."
"Sige ba!" Ibinaba muna nito ang kutsara niya at ngumiti siya nang matamis sa akin. "Sure! Gusto ko nga na samahan kayo ng nanay mo, e. Sasama ba ang mga kaibigan mo sa kolehiyo? Baka madama kong out of place ako roon."
"Hindi, ah! Tayong tatlo lang. Saka alam mo, break na kami ni Chelsea," malungkot na tinuran ko sa kaniya. Sumeryoso ang mukha nito at mas lumapit pa siya sa akin. "Nalaman ko na may nabuntis siyang iba, pero para sa kanila rin ang ginawa ko."
BINABASA MO ANG
How Destiny Unravels [GxG] [INTERSEX] [TEACHER × STUDENT]
Roman d'amourSinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panah...