Chapter 4 (SPG)

8 0 0
                                    

Ella's POV

Haaay naku.  Bakit ngayon pa umulan ng malakas kung kelan wala akong dalang payong? Malas naman o.

Nasa waiting shed lang ako sa school namin, naghihintay ng taxi pero lahat na lang may sakay na pasahero. Kainis.

Di kasi ako masusundo ni Ian e. Sobrang busy nya. Nagkarun daw kasi ng problema sa company nila kaya halos araw araw nandun sya. Ang ending wala na sya masyadong time sakin. Pero okay lang. Naiintindihan ko naman.

Ang kelangan nya ngayong girlfriend ay yung understanding. Ayoko naman na kulitin sya lage kasi pagod lage yung tao. Kaya heto. Nag aabang parin ako ng taxi.

Haaay.

After 10 minutes sa wakas may huminto narin. Dali dali akong tumakbo sa taxi para di ako mabasa.

"Manong sa *****subdivision nga po. Sa *****street"

"Ok po ma'am"

-------------

"Manong mata tagalan pa po ba yan?"

"Naku mam. Parang di ko to kayang ayusin agad. May naputol pong wiring e kailangan pa palitan"

"O sige po manong. Bababa na lang po ako. Nakapasok narin naman po tayo sa street namin. Tatakbuhin ko na lang mula dito yung bahay ko"

"Sigurado po kayo mam?"

"Oo naman po. Sige po. Salamat po."

Bumaba na agad ako at agad na nilusong ang ulan. Bad trip. Hindi pa pala to yung street namin. Kala ko kasi ito na yun kasi malabo yung glasses sa taxi manong sa sobrang lakas ng ulan.

Oh well. Wala naman na akong choice.

Pagdating ko sa apartment basang basa naku at nagulat ako kung sino ang nadatnan ko sa loob.

"Ahhh!"

Si Ian lang pala. Nakaupo sa sofa.

"Ian naman e! Bat nanggugulat ka?"

Tinignan nya lang ako. Parang malungkot sya.

"Oh bakit? Malungkot ka ata?"

Tinabihan ko sya. Umiiwas syang tignan ako kaya hinawakan ko yung mukha nya at hinarap saken.

"May problema ka ba? Pwede mo sabihin sakin"

Tinignan nya ako sa mga mata. Mababakas mo yung lungkot dun.

Bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit. Parang takot na takot sya na parang anytime mawawala ako. Niyakap ko na lang din sya.

Walang nagsasalita samin. Nanatili lang kaming magkayakap. Alam kong may problema sya at kahit ano pa yun dadamayan at tutulongan ko sya.

After 5 minutes na pagyayakapan. Bumitaw narin sya.

Nakangiti narin sya.

"Ayan tuloy. Nabasa ako. Niyakap mo kasi ako e. Hahhaa" sabi nya habang tumatawa. Pero kahit tumatawa sya mararamdaman mo parin yung lungkot nya at makikita mong pinipilit nya lang ngumiti.

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? May dumi baku sa mukha? O nakanguso na naman ba ako na parang pato? Hahaha"

Kapag ganito sya nasasaktan ako. Alam kong may problema sya pero ayaw nyang sabihin sakin dahil ayaw nya ding mahirapan ako.

Di naku nagiisip at kinabig ko na lang sya sa batok at siniil sya ng halik sa mga labi.

Para kahit man lang sa ganito, maiparamdam ko sa kanyang di sya nag-iisa.

Nung una ay parang nagulat sya. Pero naramdaman ko na din na gumagalaw yung labi nya sa labi ko.

I'll make you feel sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon