Cassy's POV"OhEmGeeeeee!!!!!!" sigaw ni Mandy
Napatawa nalang ako. Hindi parin talaga sya nagbabago. Kanina lang ang profe professional ng pananalita nya. Di ko nga agad nabosesan e. Kala ko ibang tao.
Pero ngayon, sya parin nga talaga.
Napailing na lang ako.
Tumayo ako at unti unting lumapit sa kanya.
Nakatayo lang sya dun na talagang gulat na gulat. Nakanga-nga pa nga e.
"O? Bakit nakatayo ka lang jan? Di mo man lang ba ako namiss?" sabi ko with matching pout
"Ahhhhh!!! Bessy!!!!" sigaw nya ulit sabay yakap sakin ng napakahigpit halos di naku makahinga. Ano ba tong babaeng to? Parang bata talaga. Kala ko tapos na sya sa stage na yan, hindi parin pala.
"A-aray Mands. Di ako makahinga"
Napabitaw naman sya saken bigla.
"Papatayin mo ba ko? Halos di naku makahinga sa yakap mo a" sabi ko ng may kunting tawa
Pagtingin ko sa kanya para syang bata na unti unting naiiyak. Yung parang nakapout tas namumula yung mga mata at unti unti nag sosob.
Ganun.
Loka loka talaga to.
"Oh? Bakit ka naiiyak? Di ka ba masaya na nakita mo ko?"
Bigla naman nya akong hinampas sa braso.
"Aray ko! Bakit kaba nanghahampas?"
"Ikaw kasi ehhhhhh!!!"
At ayun ngat tuluyan ng umiyak ang kawawang bata.
Iyak lang sya ng iyak sa harap ko.
"Bakit-*hik* bakit ngayon ka -*hik* lang? Antagal- *hik **hik* mong na-*hik* wal-la?"
Haaayy naku.
"Halika nga dito!"
At niyakap ko sya.
Kung may isang bagay man akong kinalungkot sa pag alis ko yun ay ang pag-iwan sa bestfriend ko.
Namiss ko sya sobra. Parang kapatid ko na rin to e. Only child lang kasi ako pero ok lang kasi nanjan naman si Mandy buong buhay ko. Sya na ang naging sis, mommy, teacher at clown ko. Kaya sobra ko syang namiss nung umalis ako.
Iyak parin sya ng iyak.
"Sorry Mands ha? Kung ngayon lang ako. Sorry rin kung di kita sinubukang icontact. I have my reasons kung ba't ako umalis and of all people ikaw lang ang nakaka alam kung bakit"
Bumitiw sya sa yakap ko.
"Ok lang Ells. Naiintindihan ko. Di naman ako nagalit sayo- ok maybe meju nagtampo lang ng kunti-konti. Kaya dapat ipaliwanag mo sakin lahat-lahat! And when I say lahat-"
"I know I know. When you say lahat dapat bawat detalye sasabihin ko"
"Yepppp. Haha beshhhyy namiss kita sobra!!"
"Tss. Ikaw talaga. Ako rin naman eh. Life without you, my sister, my bestfriend, my twin soul, is empty and miserable"
"Awwweeee. Ikaw naman besshhyy nawala ka lang ng matagal naging sweet ka na nilalanggam tuloy tayo-aray!"
Binatukan ko nga.
"Kasasabi ko lang ng sweet tas naging harsh ka na naman?! Balik na naman sa dati? Nambatok ka pa! Tss."
I just grinned.
"Pero teka nga- di naman ikaw si Ms. Dela Vega ah? Oh my gassss!!! Kinidnap mo si Ms. Dela Vega besshhyy?! Wag besshhhyyy!! Ilabas mo na sya! Wala syang kasalanan sayo! Wag kang ganyan! Bad yan! Ilabas mo na sya! Ito na pala trabaho mo ngayon besshhyy?! Ang mangidnap ng big time? Wag yan beshhhhyyy masama yan! May chance ka pa para magbagong buhay! Mapapatawad ka pa ni Lord-arraayyyyy!!"
BINABASA MO ANG
I'll make you feel sorry
RomanceAriella is once so happy. Kontento na sya sa buhay niya. Pagkatapos ng pagkamatay ng magulang niya di nya inakala na magiging masaya parin pala sya. And it is all because of Ian Veneroso, her boyfriend. 4 years na sila at umaasa syang mas tatagal pa...