Chapter 6

5 0 0
                                    


2 years later

Ella's POV

"Haaaayy! Kalokang thesis to. Sakit sa ulo. Pasalamat tong mga papel na to at kailangan ko sila para makagraduate ako kundi nakkkuuuu" -galit na galit na saad ni Mandy.

Natawa na lang ako. Loka talaga tong babaeng to. Mula noon hanggang ngayon.

4th year na kasi kami kaya heto. Busy gumawa ng requirements for graduation.

2 years na din pala. 2 years na simula ng iwan nya ako. Ngayon babalik na sya at di ko malaman ang gagawin. Panu ko ba sya pakikitunguhan? Kunwari ba nagtatampo ako or tatanggapin ko ulit sya with matching power hug?

Ewan ko. Pero sana maging mabuti yung mangyayari. Miss ko na sya sobra. For this past 2 years ni ha ni ho wala talaga. Sinubukan ko naman syang icontact pero sa malamang dahilan hindi talaga nangyayari.

Minsan pumupunta ako sa mansyon nila para makibalita mula kay tita Sylvia. Mabait naman si tita, so tito Gary lang ang hindi. Pero minsan napapansin ko na pag nagtatanong ako kay tita tungkol kay Ian parang may tinatago siya. Di ko alam pero ramdam ko e. Alam mo yun. Lage syang nauutal na parang nagsisinungaling sya.

Haaay. Di bale na. Babalik na din naman sya e. Maliliwanagan na din ang lahat.

"Girl!! Sana ma accept yung thesis natin no para graduate na tayo sa March, diba?" tanong ni Mandy

"Sana nga"

"Oh? Bat ang tamlay mo? Di kaba excited?"

"Haaay. Di naman sa ganun."

"Mmm! Alam ko na yan. Iisa lang naman yung rason kung bakit nakabusangot ka e. Si papa Ian na naman ba?"

Di ako nakasagot.

"Sabi na e. Tsk tsk"

Hinawakan niya magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kanya.

"Alam mo Ella, libre lang naman umasa e. Kasi gaya ng sabi mo, hindi naman sya nakipaghiwalay sayo. Pero ang saken lang, wag ka masyadong umasa. Kasi malabo ang lalaking yun e kaya walang kasiguraduhan na pagbalik nya balik ulit kayo sa dati. Wag mo lang masyadong ipush ang self mo sa hope na yan kasi baka di ka na makabangon. Ok?"

Tumango na lang ako at pilit nagsmile.

-----------------------------------

Did you forget

That I was even alive

Did you forget

Everything we ever had

Did you forget

Did you forget

About me

"Hello?" sino ba tong tumatawag ng 5 sa morning.

"Iha? Si tita Sylvia mo to"

Bigla akong napabangon

"P-po? Napatawag po kayo"

Rinig nya yung pagkabigla ko kaya tumawa sya ng mahina.

"Well, sorry for disturbing your sleep iha"

"Ah ehhh ok lang po yun. So napatawag po kayo?"

"I just wanna inform you that my son is here already"

Nanlaki na lang ang mata ko. Pakiramdam ko di na tumutibok yung puso ko sa sinabe ni tita.

"P-p-po?"

"Iha, Ian is back"

I'll make you feel sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon