Chapter 15

0 0 1
                                    

Cassy's POV

Pagkatapos naming magusap ni Mandy, umalis nadin sya. Tumawag daw kasi yung isa pa nyang kliyente at may problema daw sa event na inihahanda ni Mandy.

Akalain mo nga naman. Di ko talaga sukat akalain na magiging event organizer sya. Baliw kasi. Kala ko sa mental ang future nun e. Haha

Alam kong di sya sang ayon sa mga plano ko pero nangako syang tutulungan nya ako kung yun daw ang makakapagpasaya sakin.

Totoong kaibigan kasi yun.

Kung tinatanong nyo kung nasan ako, well I'm trying to make my first move.

Pinahanap ko kung nasan si Ian at napag-alaman kong nasa isang Thai Restau pala sya ngayon. Kameeting nya si Mr. Legaspi, a new investor sa company nila.

Pinag-aralan ko ng mabuti ang mga gagawin ko at sisiguraduhin kung babagsak ang kompanya nila.

Kaya eto ako ngayon, wearing my black fitted backless dress na criss cross sa bandang neckline and my maroon stilletos. Talagang agaw pansin ang suot ko ngayon. Papunta naku sa Thai restau na yun to make my first move.

After 20 minutes nakarating narin ko.

Hmmmm. Natatanaw ko sila mula dito sa sasakyan ko.

Kitang kita ko kung ganu kaseryoso ang mukha ni Ian. Talagang desidido syang maconvince ang investor na ito. Pero sad to say hindi na matutuloy pa yun.

I smirked.

Bumaba naku ng sasakyan at wearing my shades. Kakababa ko palang pero pinagtitinginan naku ng mga tao.

Lumakad naku papasok sa restau na yun with my head held up high.

Kitang-kita ko kung pano napatigil sa pagkain ang mga tao doon.

Tsss.

Pero mas lalo kung napansin kung panu nagulat si Ian sa pagdating? Didn't see that coming babe?

Nakatingin lang sya saken and recognition is evident on his face. Sige Ian. Yan nga. Sakin mo lang ibalin yang attention mo.

Naghanap naku ng vacant table. Sa may malapit sa glass ako umupo para meju malapit kina Ian.

Nakatingin pa din sya sakin.

Tinggal ko na yung shades ko kaya mas lalo syang nagulat.

Di ko naman sya tinitignan pero syempre kita parin kahit papano sa peripheral vision ko na gulat na gulat syang nakatingin sakin.

Kunwari di ko sya nakita.

Tumingin lang ako sa menu pero kitang kita ko ang pagmamadali nyang pumunta sa rest room.

Ha! Apektadong apektado a. Ganyan nga Ian. Everything is falling on it's place.

Napangiti ko sa naisip ko.

25 minutes na bago pa lumabas si Ian at inip na inip na si Mr. Legaspi.
Kitang kita ko kung pano magalit si Mr. Legaspi. Pinagtitinginan na sila ng lahat.

At dun naku tumayo dala ang freshly squeezed orange juice ko.

It's showtime!

Kinuha na ni Mr. Legaspi ang mga gamit nya at pilit naman syang pinipigilan ni Ian. Busy silang magtalo kaya di nila namalayan ang paglapit ko sa likod ni Mr. Legaspi. Bigla naman itong humarap kaya natapon saming dalawa yung juice.

"Oh shit!" sigaw ni Mr. Legaspi

Ako naman kunwari ring nagulat ako.

"Oh my God!"

Nakatayo lang si Ian sa pagitan namin habang nakahawak ng panyo. Pupunasan na sana nya ang suit ni Mr. Legaspi ng mapansin nya ako.

Nabigla sya. Nakita nyang basa din yung dress ko.

Nagpalipat lipat naman ang tingin nya saming dalawa na parang nalilito sya kung sino ang pupunasan nya.

"Urrgghhhh!! I will pull out all of my investments in your company and that's final!" iritadong sigaw ni Mr. Legaspi at agad na umalis.

Napabuntong hininga na lang si Ian.

Ha! Buti nga sayo.

"S-sorry Ian kung- kung nagalit yung investor mo. Kasalanan ko din kasi. Sorry. Sige alis naku"
Sabi ko sabay talikod.

Best actress na talaga ako.

"Ella wait!" hinawakan naman nya bigla ang braso ko.

I secretly smirked.

"Hindi mo kasalanan yun. Sorry din kung nadamay pa kita sa galit nya"

I just smiled and he smiled back.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll make you feel sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon