Chapter 5

17 0 0
                                    


Ella's POV

"Ian? Ian? Baby?! San ka na?"

Nagpapanic kung tanong. Nagising na lang akong wala na sya sa tabi ko. Kala ko panaginip lang lahat ng nangyari, pero hindi. Wala akong saplot at sumasakit ang katawan ko lalo na sa... alam nyo na.

Kala ko bumaba lang sya pero may napansin akong sulat sa ibabaw ng table sa left side ng kama ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

                     Sorry

                               - Ian

Yan lang ang nakasulat sa letter.

Agad akong bumaba at hinanap sya. Pero wala akong Ian na nakita.

Naguguluhan ako. Bakit sya agad umalis? Bakit sya nag so-sorry?

Napaupo na lang ako sa sofa. Iyak lang ako ng iyak. Pakiramdam ko ginamit nya lang ako. Pero hindi. Hindi magagawa sakin ni Ian yun. Mahal nya ako.

Napagdesisyunan kong pumunta sa condo nya. Pero pagdating ko dun, vacant daw yung unit na yun.

Pinuntahan ko sya sa mansyon nila. Pinapasok naman ako kasi alam nila kung sino ako.

Nadatnan ako dun ni Tita Sylvia, ang mama ni Ian.

"Oh? Ariella? Napapunta ka?"

"Good morning po tita. Mmmm. Si Ian po? Nanjan po ba sya?"

Nangunot naman ang noo niya.

"Si Ian? Bakit mo sya hinahanap dito?"

"Kasi po pag gising ko wala na sya sa bahay e"

"Hindi nya ba nasabi sayo iha?"

"H-ha? A-ang alin po?"

Napabuntong hininga ito

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Iha, kanina pang 7 am ang flight ni Ian papuntang Sweden"

"P-po?"

Para namang napagting ang tenga ko sa narinig ko.

Tumango lang ito.

"B-bakit daw po?"

"Ang alam ko mag eexpand na yung company namin sa Sweden so since sya ang president-"

"W-wait po. President? Kelan pa po? Bakit wala naman po syang nabanggit saken?"

Pakiramdam ko wala akong kwentang girlfriend. Wala man lang akong kaalam alam sa nangyayari sa boyfriend ko. Pero ang tanong. Bakit wala din syang nasasabi tungkol dito?

"Oo iha. Last week pa nung inappoint sya bilang bagong presidente ng kompanya"

Nag-init yung sulok ng mata ko.

"Kailan daw po sya babalik?"

"2 years sya dun iha"

Sa nalaman ko napabitaw ako sa kamay ni Tita Sylvia.

Puno ng katanungan ang isip ko. Panu nya nagawa sakin to? Panu nya ako nagawang iwan ng walang paalam? Panu?

Iyak lang ako ng iyak dun. Pinatahan naman ako ni tita.

Nung nakauwi ako, mas lalo ko syang namiss. Bawat sulok ng bahay ko parang may memories kami dun.

Hindi pa naman siguro kami hiwalay. Wala syang sinabi e. Kaya hihintayin ko sya hanggang sa bumalik ulit sya sa piling ko.

Ganun ko sya kamahal. Handa akong magpakatanga para sa kanya.

I'll make you feel sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon