Ella's POV"Doc? Kumusta na po ang lagay niya?"
"For now stable na sya. Hihintayin lang nating madissolve ang mga gamot na ininum nya sa katawan nya. Masyadong malalakas na gamot ang ininum nya at buti nakita nyo agad sya at dinala dito"
"Ok doc. Thank you po"
"Maiwan ko muna kayo"
Nakarinig ako ng nag-uusap pero di ko masyadong marinig ang pinaguusapan nila e. Hinang hina ako. Para akong namatay na nabuhay ulit.
Binuksan ko unti-unti ang mga mata ko.
"Ella?"
"Ian. . ."
"Dave!!! Pakitawag ang doctor dalii! Gising na si Ella!"
----------------------------
Matapos akong macheck ng doctor nilapitan agad ako nina Mandy at ang kapatid nyang si Dave.
Kung nalilito kayo ba't ako nandito ngayon, well tinangka ko lang naman magpakamatay. Nagpaka overdose ako. Bakit ko yun ginawa? Dahil di ko na kaya ang sakit.
"Ella? Ok ka na ba? May nararamdaman ka ba? May masakit pa ba? Ano?"
Ok? Obviously hindi. May nararamdaman? Wala ata. Pakiramdam ko namanhid na buong katawan ko. Masakit? Oo! Dito sa puso ko.
At sa isiping yun bigla na lang akong humikbi at napaiyak.
Niyakap naman ako ni Mandy.
"Sssshhh! Tahan na Ella. Please. Tahan na."
Tiningala ko sya.
"Si Ian? Asan si Ian? Nandito na ba sya? O lumabas lang? Pakitawag naman o please. Gusto ko lang syang makita."
Tinignan naman ako ni Mandy ng may awa sa kanyang mga mata
"Ella. . . w-wala dito si-si Ian"
"Ano? Tinawagan mo na ba sya? Pina alam mo ba kung anong nangyari saken?"
Yumuko sya at pasimpleng tumango.
"Hindi. Nagsisinungaling ka. Kung alam nya siguradong susugod sa hospital yun. Alam ko e. Tawagan mo ulit please. Baka di lang sya nainform ng maayos. Please!"
Napabuntong hininga na lang ito at kinuha ang kanyang phone.
Dialing Ian...
Kriiing... Kriiing..
"He-"
"Ano ba Mandy!!!! Sinabi ko ng wala akong paki alam jan sa kaibigan mo! Kung gusto nyang magpakamatay wala akong pakialam! Wala na kami! Tapos na kami! Kaya kung ano mang mangyari sa kanya di ko na responsibilidad yun!"
Bigla ako nakaramdam ng galit.
"Ian. . ." napahikbi na lang ako.
Toot.
Binabaan nya ako.
Nabitawan ko na lang yung phone.
Anong nangyayari sayo Ian?
Bakit ganyan ka? Bakit ka nagbago? Ba't di mo na ako mahal?
Baka naman simula pa lang di ka naman talaga nya minahal?
Sabi ng isang parte ng utak ko.
Nakaramdam ako ng galit. Lahat binigay ko sa kanya. Pero ito lang ang ibabalik nya saken? Kinamumuhian ko sya. Ang dating pagmamahal na palitan na ng puot at galit.
Pinapangako ko sayo Ian! Lahat ng pinaramdam mo saking sakit ibabalik ko sayo ng doble!
"I'll make you feel sorry"
BINABASA MO ANG
I'll make you feel sorry
RomanceAriella is once so happy. Kontento na sya sa buhay niya. Pagkatapos ng pagkamatay ng magulang niya di nya inakala na magiging masaya parin pala sya. And it is all because of Ian Veneroso, her boyfriend. 4 years na sila at umaasa syang mas tatagal pa...