Chapter 8

4 0 1
                                    


Ella's POV

Kanina paku lakad ng lakad dito sa sala.

Kinakabahan ako sobra. Mamaya na kami magkikita. Di ko alam kung anong magiging reaction ko. Kung yayakapin ko agad sya o magagalit ako sa kanya o ano? Haaay. Panu ba to?

Ah bahala na. Act normal Ella. Be yourself na lang. Yun naman ang nagustuha sayo ni Ian diba?

God ikaw na po bahala saken mamaya.

------------------------------------

Nandito naku sa restaurant na napagkasunduan namin ni tita na pagmemeetan namin ni Ian.

Rinig na rinig ko yung tibok ng puso ko. Parang anytime lalabas na to sa bibig ko.

Haaay. 10 minutes naku dito pero wala parin sya.

Darating pa kaya yun? Parang hindi na e.

All of a sudden narinig ko yung pag singhap nung mga babae sa restaurant na yun.

Nakanganga pa sila habang nakatigin sa harap ko. Sinundan ko naman ito ng tingin at dun, nakita ko si Ian. Ang baby ko. Naglalakad papunta saken. Bakit ganun? Mas lalo syang gumwapo.

Nagtitigan lang kami hanggang nasa harapan ko na talaga sya.

Parang may nagbago sa kanya. Parang ang cold nyang tumingin.

"Ariella..."

Bakit ganun? Ariella? Dati naman baby tawag nya saken a.

"I-Ian"

"May I take a seat?"

"O-oo naman"

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya at ganun din sya. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan samin. No one dare to talk. Ang awkward lang kaya ako na ang unang nagsalita.

"Ahemm. Umm kumusta ka na?"

"I'm okay"

"Long time no see a"

"Yeah"

Ang tipid nya naman sumagot. Bakig ganito sya?

Again. Silence.

"I'm sorry"

Yun lang ang sinabi nya. After 2 years, bumalik na din sya. At ito yung first time na mag usap kami sa pagbabalik nya.

"S-sorry? Para saan? Dahil ba umalis ka ng walang pasabi? O-okey lang yun. Atleast ngayon nandito na kana ulit." sabi ko nalang.

Hinawakan ko yung kamay nyang nakapatong sa table. Tinignan nya ako kaya nginitian ko sya.

"Ngayon pwede na natin ituloy yung mga plano at pangarap natin. Na pagkatapos ko gumraduate magpapakasal agad tayo. Bubuo tayo ng sarili nating pamilya at-"

Bigla nyang binawi yung kamay nya mula sa pagkakahawak ko na para bang na napaso sya.

Tinignan ko sya pero umiwas lang syang tignan ako sa mata.

"Ella, I'm sorry" yun lang at agad syang tumayo at lumabas sa restaurant na pinagmeetan namin.

Litong-lito ako. Bakit sya umalis? Bakit sya nagsosorry? Ang totoo may kutob naku kung bakit. Pero ayoko ko lang tanggapin. Kaya hinabol ko sya bago pa man sya makalabas sa exit.

Hinawakan ko sya braso.

"Ian teka lang! San ka pupunta? Di pa tayo tapos mag usap diba? Halika na bumalik na tayo sa table natin".

Pero iwinaksi lang nya yung kamay ko na nakahawak sa braso nya.

"Pwede ba Ella! Pagod na ko! Pagod na pagod na! Kaya leave me alone!"

Nagmamadali syang lumabas. Pero sadyang matigas lang talaga ang ulo ko kaya sinundan ko parin sya hanggang sa parking lot.

"Ian naman e! Di naman kita kinukulit e! Gusto lang naman kita makausap e. Bakit ba ayaw mo ko kausapin-"

"DAHIL AYO.KO.NA.SA.YO!!"

Bigla nya yang sinigaw dahilan para mapatigil ako sa kakahahabol.

Ang sakit lang.

"H-h-ha?"

Sinabunutan nya ang buhok nya na parang hirap na hirap na sya. Ako naman nagiinit yung sulok ng mata ko palatandaan na naiiyak naku.

Hinarap nya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Makinig ka Ella."

Humugot sya ng malalim na hininga. Parang gusto kong takpan ang tenga ko. Ayokong marinig yung sasabihin nya.

"We're over. Tapos na tayo. Gusto ko ng makipagbreak sayo."

Tatlong linya lang yung sinabi nya pero sapat na yun para magunaw ang mundo ko.

Nag unahang pumatak yung mga luha ko.

"B-bakit-b-bakit Ian?" umiiyak kong tanung.

Tinignan ko sya sa mata. Dati pag nag aaway kami at nakikita nyang umiiyak ako yayakapin nya agad ako at paulit ulit na magsosorry at sasabihing mahal nya ako. Binibilhan din agad ko ng mga horror movies dahil alam nyang hilig ko yun. Peace offering kumbaga. Mag aabsent pa yan sa trabaho nya para samahan akong manuod buong araw nung pinamili nyang films. Pagsinisita ko naman sya ang isasagot nya lang, 'baby, I'm the boss there. So kung magaabsent ako para samahan manood ang girlfriend ko wala silang karapatang pigilan ako kundi tanggal na sila sa trabaho'.

Pero ngayon, parang di ko na kilala ang nasa harap ko. Parang di na sya si Ian ko. Tinignan nya lang ako sa mata ng walang ni katiting na emotion sa mukha at mata nito. Parang ang cold nito. Napayuko na lang ako.

Binitiwan nya ako kaya tinignan ko sya.

"Di ko na kelangan magpaliwanag pa sayo dahil wala na tayo. Good bye Ella"

Pagkatapos nyang sabihin yun tinalikuran nya na ako at naglakad papunta sa sasakyan nya at agad na umalis.

Napa upo na lang ako dun.

Iniwan na nya ako. Mag-isa na lang ako.

I'll make you feel sorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon