Simula

1.5K 29 4
                                    

"Maligayang pagdating sa pinaka-aabangan na patimpalak ng SNHS, Tagisan ng Talino: Senior High School Level!"


Tumayo kaming lahat kasabay ng malakas na palakpakan at hiyawan. Todo ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga kapwa ko estudyante na nakasilip sa labas ng auditorium.


"Naks, ang supportive naman ng section mo, Desiree..." Kinalabit ako ni Janna at tinuro ang grupo ng mga kaklase ko na may hawak pang cartolina kung saan naka-lettering ang buo kong pangalan at ang buong section namin.


Napailing na lang ako at saka muling ibinaling ang atensyon sa harapan.


"Maya't-maya pa ay magsisimula na ang pinaka-aabangang patimpalak ng taon. Handa na ba kayo?"


Mas lalong lumakas ang hiyawan sa labas. Kinakabahan kong inilibot ang tingin sa paligid. Bakit kasi ang tagal magsimula? Kanina okay pa ako, ngayon para na naman akong aatakehin sa kaba dahil sobrang tagal magsimula, ang dami pang introduction.


"Bakit hindi na tayo magsimula? Halos isang oras na tayo dito 'oh," Bulong ko kay Janna.


"May hinihintay pa yata na grupo," Bulong rin niya pabalik.


Napakunot ang noo ko saka muling inilibot ang tingin sa paligid. May hinihintay pang grupo?! Eh, halos isang oras na kami rito? Disqualified na dapat 'yun, dahil late na!


"Makalipas lamang ang sampung minuto, atin nang matutunghayan ang patimpalak sa Tagisan ng Talino! Maraming Salamat!" Nakangiting sabi ng emcee at saka marahang bumaba sa entablado.


Napanganga ako. Itinuon ko ang atensyon sa mga kasama ko sa grupo. Anim kaming lahat na magre-representa ng buong ABM strand. Ako, si Janna at si Mikaela ang nakuha mula sa magkakaibang seksyon ng Grade 11 ganoon din mula sa Grade 12.


"May kulang pa bang grupo?" Tanong ko sa mga kasama ko. Dahil halos kompleto naman na, nakita ko na ang grupo ng HUMSS, GAS at ilang TVL strand. Masyadong marami na nga kami dito sa auditorium.


"Wala pa 'yung representative ng STEM," Kyla, from Grade 12 ABM whispered while reading her reviewer.


I raised my brow and then looked around at the auditorium again. I saw the 6 vacant seats at the back. Hindi iyon masyadong halata kanina dahil naroon ang ilang mga teachers.


"Oh, ayan na pala sila..." Bulong ni Janna sa tabi ko.


A deafening silence enveloped the whole auditorium as the six students from STEM strand entered the auditorium. There were 5 boys and only one girl in their group. Mula sa pagkakaalam ko, ang tatlo ay mula rin sa Grade 11 at ang tatlo kasama na ang nag-iisang babae sa kanilang grupo ay mula naman sa Grade 12.


Napakagat ako ng kuko habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw nila. Lahat din naman kasi ng estudyante na nandito ay nakatingin rin sa kanila. Paano ba naman kasi, isang oras na silang late. Kanina pa sana nagsimula 'to, kung kanina pa sila nandito.

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now