Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng gabing iyon. Nagulat na lang ako ng makita ang sarili sa tapat mismo ng karinderya.
Sarado na ito at isang ilaw ang nagbibigay liwanag sa pintuan.
Patay na ang ilaw sa salas, nagulat ako dahil bukas pa rin ang pintuan at ang ilaw sa kusina. Alam kong tulog na sa ganitong oras si Auntie at hindi ko na kailangan pang magdalawang-isip kung alam niya na ang nangyari sa akin.
Sigurado ako na tinawagan na ito ni Ma'am Baloro upang pumunta sa faculty room bukas.
Isang tunog ng baso ang narinig ko mula sa kusina. Agad kong nakita ang nakaupo na si Ate Jona habang may hawak na isang baso ng tubig.
"Des?" Mahinang sabi niya at saka tumayo upang puntahan ako sa salas.
Marahan kong sinarado ang pintuan ng bahay at saka tipid na ngumiti kay Ate Jona. Alam kong hinihintay niya pa rin akong makauwi kahit sa ganitong oras na dapat ay nagpapahinga na siya.
"Anong nangyari sa'yo?" Hinaplos niya ang balikat ko. Bakas ang pagod at pag-aalala sa kanya. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko..."
"M-may ginawa lang po ako sa labas." Pagsisinungaling saka umiwas ng tingin. Hirap na hirap ako dahil kusang tumutulo ang luha sa mga mata ko tuwing maiisip ko ang maaaring mangyari sa akin bukas. "Na-lowbat po kasi ang cellphone ko..." Napalunok ako.
Humigpit ang hawak ko sa panyo na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin. Basang-basa na ito at tila nawala na na ang mabangong amoy nito kanina.
I bit my lower lip. Mabuti na lang at patay na ang ilaw sa salas, hindi na masyadong kita ang itsura ko ngayon.
"Pahinga na po ako, Ate. Maaga pa po tayo bukas."
Tipid na tumango sa akin si Ate Jona. Nakita ko ang pagtataka sa kanya pero hindi na ulit siya nagsalita pa. Dumiretso na ako sa kuwarto. Itinabi ko lang ang aking bag at saka hinubad ang sapatos bago tuluyang humiga sa maliit kong kama.
Walang sapat na ebidensiya, alam ko. Pero hindi ko alam kung saan nagmula ang papel na may kodigo. Nagsulat ako ng notes pero hindi ang kodigo.
Ilang minuto ang lumipas ng maalala ko ang isinulat kong notes at reviewer para sa Marketing noong nakaraang linggo.
Nasa kanyang higaan na si Ate Jona at sa tingin ko ay agad na rin itong nakatulog. Muli akong bumangon sa higaan upang tignan ang mga gamit ko.
Hinanap ko ang isinulat kong notes at reviewer sa mga gamit ko. 5 pages iyon ng bondpaper. My eyes widened when I saw one of those bondpaper is missing. Muli kong hinalukay ang mga gamit ko. Lahat ng nakaipit sa bawat notebooks at libro ko. Pero nawawala talaga ang isang papel na iyon.
Muli kong inalala ang inilahad na papel sa akin ni Mrs. Castro kanina. Gusot-gusot iyon tulad ng pagkagusot ko sa scratch paper na ginamit ko sa exam. Ang bahagi lang na may nakasulat na kodigo ang nakita ko.
YOU ARE READING
Above The Sky Limits (SHS Series #3)
Teen FictionDesiree Mendoza, a competitive student from ABM always wanted to be on top. She always aim for high grades and perfect performances along with her dreams on becoming a CPA. She is rising swiftly until she met her rival, Bryle Guevarra, a smart, righ...