"So, kailan tayo magsisimulang maglibot para sa kampanya mo?"
"Hindi ko alam baka sa Monday, next week."
Naglalakad kami sa hallway ng TVL building, nag-CR kasi kaming tatlo. Meron namang sariling CR ang building namin kaya lang, ang daming tao, madumi at mabaho pa. Well, ano pang aasahan mo sa public school CR? Kahit naman may janitor dito, hindi pa rin napapanatiling malinis ang CR araw-araw.
May dala rin kaming tumbler,nag-refill rin kasi kami ng tubig sa cafeteria. Ngayon ay pabalik na kami sa classroom.
"Basta sa kampanya mo, isama mo ako para excuse ako sa klase," Mags winked at me. Napailing na lang ako.
"Ako din, kahit taga-bigay na lang ng picture mo sa bawat estudyante." Pumagitna sa aming dalawa ni Mags si Pia.
"Ewan ko sa inyo. Wag na lang kayong mag-aral kung puro excuse lang laman ng utak niyo."
"Grabe ka naman! Gusto lang namin makatulong sa iyo!" Siniko ako ni Mags saka inirapan.
"Pero pwede naman kayong tumulong na hindi naapektuhan ang klase niyo,"
"Eh, gusto naman namin na maapektuhan ang klase, ano ka ba?! Matalino ka ba talaga?!"
"Kung ako sa inyo, makikinig na lang ako ng lesson sa room. Hindi pa ako mapapagod!" ani ko saka tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak nila sa braso ko.
"Arte mo naman! Bukal sa puso namin 'tong ginagawa, Des. Pare-pareho tayong may benepisyo dito, ikaw sa kampanya mo, kaming dalawa ni Mags, para ma-excuse sa boring na klase..." Pagpapaliwanag pa ni Pia.
"Bahala nga kayong dalawa!"
"Basta, ipapanalo ka namin!" Sigaw nilang dalawa. Nauna na kasi akong maglakad sa kanila. Nasa dulo na ako ng building, pababa ng hagdan ng matigilan ako.
My cousin, Rechiel was in front of me. Pareho kaming natigilan. Paakyat siya ng hagdan habang ako ay pababa naman. May hawak din siyang tumbler tulad ko.
"'Yung platform ni Des—" Naramdaman kong natigilan din ang dalawa sa paglalakad sa likuran ko.
"Hi, Rech!" Bati ni Pia.
Tipid na ngumiti sa kanya ang pinsan ko. "Nag-cr kayo? Puno rin ba?" She asked me.
I swallowed and smiled a little. "Walang masyadong tao," Tipid kong sabi.
Tumango siya saka niyaya ang tatlo pang kaklase na kasama niya. "Tara na, guys!"
Isang beses pa siyang hilaw na ngumiti sa akin. "Bye, Des," she said and waved her hand as she walks upstairs.
Tahimik naman kaming bumaba, bagama't may ilang estudyante na binabati ako at kilala ko. Tumatango at ngumingiti lang ako sa kanila.
YOU ARE READING
Above The Sky Limits (SHS Series #3)
Teen FictionDesiree Mendoza, a competitive student from ABM always wanted to be on top. She always aim for high grades and perfect performances along with her dreams on becoming a CPA. She is rising swiftly until she met her rival, Bryle Guevarra, a smart, righ...