Kabanata 10

451 15 3
                                    

"Sa wakas, natapos rin!"


Nag-inat ng katawan si Mags habang naglalakad kami sa hallway patungo sa cafeteria. Katatapos lang ng ng finals namin para sa first semester.


"Grades na lang problema," Asik ko.


"Grabe naman 'yan, Des! Syempre hindi ka pa rin mawawala sa With Honor!"


"Kahit nagkaroon ng cheating incident issue?" Nagkibit-balikat ako. "Baka mamaya 'pag naging mataas ang grades ko, mas lalo pa nila akong pagdudahan..."


Iyon ang naging laman ng isip ko nitong mga nakaraang araw. Alam kong hindi na dapat maging big-deal pa iyon sa akin dahil halos dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang mangyari iyon. Pumasok na rin si Claribel, tatlong araw pagkatapos nang nangyari. Bumalik siya na parang wala lang.


I hate it but I should forget it. Walang mangyayari kung mas lalo pa akong maiinis o magagalit sa kanya, lalabas lang na guilty talaga ako sa nangyari, kahit hindi naman.


I know I shouldn't think other people's opinion about my grades. I strive hard to maintain high grades. I study hard to get high scores and to excel on my studies. Wala silang alam sa pinagdaraanan ko kapag nag-aaral ako, pero hindi ko talaga maiwasang alisin sa akin ang pag-iisip na paano na lang ngayon, kung makakuha ako ng matataas na marka at grado? Ano na lang iisipin nila sa akin?


Ilang beses ko nang pinatunayan ang sarili ko. Sa ibang tao at sa lahat na kilala ako. Alam nilang lahat na hindi ko magagawa iyon, pero paano na lang ang iba?


"Sus, huwag mo na isipin 'yun, Des! Pabayaan mo 'yung ibang tao dyan! Ang mahalaga matalino ka at wala kang tinatapakan na ibang tao."


Tumango si Pia. Marahan na rin akong tumango.


Maybe, she's right. Anong pakialam ko sa iisipin ng iba? This is who I am. I know myself more than anyone else.


Nang makarating kami sa cafeteria, puno na iyon ng maraming estudyante. Alas-dos pa lang ng hapon. Tapos na ang final examination ng buong senior high school kaya marami sa mga estudyante na nasa cafeteria ay halos senior high school din.


"Break time siguro ng Grade 7 saka Grade 8 kaya ganito karami ang estudyante rito,"


Nagkatinginan kaming tatlo saka tumigil na lang sa malaking pintuan ng cafeteria. Hindi na rin naman kami makakapasok o makakapasok rin kami, todo siksikan naman sa loob. Ang init kaya!


"Nakakaloka, nagugutom na ako 'eh! Sa susunod magpaparequest talaga ako sa Principal na dagdagan 'yung canteen ng school. Hindi na kayang i-accommodate lahat ng estudyante rito." Reklamo ni Mags.


"Yaman mo naman kasi, ba't hindi ka na lang nag-private?" I fired back.


"Eh, mas gusto ko dito 'eh!" Mukha na siyang bata na nagtatantrums sa harapan namin. "Nagugutom na talaga ako seryoso."


Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now