"D-Desiree!" Naguguluhan at gulat niyang sabi.
Sinundan ko ng tingin ang mga mata niyang naguguluhan.
"O-okay ka lang?" I asked him and looked back again to their house.
Isang malakas na pagbasag ng bote ang narinig ko roon. Kumunot ang noo ko, narinig ko ang pagtahol ng aso sa kanyang gilid habang nakatingin sa bahay nila.
Napakurap ako. What is happening?
"Anong nangyayari sa loob?" Tanong ko.
Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagyuko na tila nahihiya sa akin. Umiwas siya ng tingin habang pilit tinatakpan ang tingin ko gamit ang katawan niya sa pagsilip sa loob ng bahay nila.
"They were fighting..." He murmured.
"Eh, bakit ka nasa labas? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa.
"Ayokong marinig," he shrugged. "Come on, Des. It was between my brother and my parents." He explained when I was going to ask him more.
Pakiramdam ko sobrang tagal na nung huling pagkikita namin. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari nung gabi ng coronation kaya imbes na magtanong pa ako, umiwas na lang ako ng tingin.
"Saan ka galing?" Tanong niya habang karga ang aso nila.
Ginalaw ko ang hawak kong paperbag saka nginuso ang daan kung saan ako dumaan kanina. "Dyan lang," Sagot ko.
"Nagreview ka?" He asked.
Wala na akong narinig na ingay mula sa loob ng bahay nila.
"Yeah, for competition."
"Bakit ka pa nagrereview?" Marahan siyang humalakhak. "Ang talino mo na..."
"Ano bang pake mo?" Inirapan ko siya.
"Come on, Desiree." Tumitig siya sa akin. "Magpapatalo na lang ako para sa'yo..."
Tumaas ang sulok ng labi ko. Sana pala hindi na lang ako dumaan dito. Sana hindi ko na lang siya pinansin kanina.
"Alam mo, maling desisyon talaga na lumapit pa ako sa'yo 'eh," Pag-amin ko. Maglalakad na sana ako paalis ng sumagot siya.
"Talaga ba? Baka lang kasi, na-miss mo ako?" May halong pang-aasar ang boses niya.
Nilingon ko siya, awang ang bibig. Nakita kong naglakad siya palapit sa akin.
"Miss mo, mukha mo!" Singhal ko sa kanya saka naglakad na paalis. Pero tulad ng inaasahan ko, sumunod siya sa akin, dala ang aso nila.
YOU ARE READING
Above The Sky Limits (SHS Series #3)
Novela JuvenilDesiree Mendoza, a competitive student from ABM always wanted to be on top. She always aim for high grades and perfect performances along with her dreams on becoming a CPA. She is rising swiftly until she met her rival, Bryle Guevarra, a smart, righ...