Nagtatakang lumapit sa akin si Papa.
"K-kailangan ko nang umuwi." Mabilis kong sabi saka kinuha ang bag ko.
"S-sandali, D-Des—"
"Sinugod sa ospital ang anak ko! Kailangan ko nang umuwi,"
Nanginginig ang kamay ko habang tinatawagan si Kara. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo ng lugar, kailangan ko nang bumalik sa Bataan.
"D-Desiree!" Tawag sa akin ni Papa pero hindi ko na iyon pinansin. Mas nanaig sa akin ang kalagayan ng anak ko ngayon.
Maayos pa lang siya kanina nung umalis ako at iniwan ko siya kay Ate Jona.
Lumabas ako ng bahay upang pakalmahin ang sarili. Akala ko sanay na ako sa mga ganitong bagay tuwing nagkakasakit si Baron, hindi pa rin pala.
"Desiree!"
"Sa susunod na lang po tayo mag-usap. N-nagmamadali ako ngayon..."
"A-alam ko, n-naiintindihan ko, anak. H-Hayaan mo ihatid kita—"
"Hindi na!"
Natigilan si Papa. Natigilan rin ako.
Napapikit ako habang pilit pinapakalma ang sarili. "Kaya ko nang umuwi mag-isa." Mahina kong sabi.
Umiwas ng tingin si Papa at hindi na sumagot.
I turned my back to call Kara's number.
"D-Des,"
"K-Kara, kailangan ko nang bumalik ng Bataan!" Agad kong sabi.
"W-Wait, anong nangyari?!"
"Si B-Baron kasi, s-sinugod sa ospital..."
"H-Ha? 'O sige, sandali lang, pupuntahan kita dyan."
She ended the call. Muli kong tinawagan si Ate Jona pero hindi na ito sumasagot. Mas lalo akong kinabahan.
Nasa labas lang ako ng bahay ng bagong pamilya ni Papa. Alam ko na nasa likod ko lang si Papa at pinagmamasdan ako. Hindi siya nagsasalita at sa tingin ko ay mas mabuti na lang din iyon, dahil hindi ko rin alam ang tamang salita na isasagot sa kanya ngayon.
Hindi nagtagal, nakita ko na ang sasakyan ni Kara na papalapit sa akin. Tumigil ito sa mismong harapan ko.
"Hindi sumasagot si Ate Jona!" Bungad niya sa akin.
YOU ARE READING
Above The Sky Limits (SHS Series #3)
Teen FictionDesiree Mendoza, a competitive student from ABM always wanted to be on top. She always aim for high grades and perfect performances along with her dreams on becoming a CPA. She is rising swiftly until she met her rival, Bryle Guevarra, a smart, righ...