Kabanata 2

536 23 0
                                    

"Okay class, time's up! Pass all your answer sheets in front! Hurry up, please!"


Nanginig ang kamay ko habang binibilugan ang letter D para sa last question. Agad kong itinabi ang ballpen at sandaling pinagmasdan ang papel. This is our last summative test for the whole quarter. I need to perfect this one.


"Ms. Desiree, paki-kolekta ng papel ng buong seksiyon niyo. Kindly bring it to the faculty later. I have a class now. Thank you."


"Yes, ma'am." Ngumiti at tumango ako kay Ms. Roco.


Agad na nagkagulo ang buong section ng tuluyang makalabas ng classroom si Ms. Roco. Nilibot ko ang buong classroom upang kolektahin ang mga papel ng kaklase ko.


"Sis, anong answer mo sa number 28?" Tanong sa akin ni Mags pagkatapos niyang ibigay ang answer sheet niya sa akin.


"C." Sigurado kong sabi.


"Ay, pota!" Nagulat ako ng bigla siyang pumadyak sa harapan ko. "Sabi ko na 'eh, letter C 'yun! Paano ba naman kasi, letter D daw ang answer ni Pia!"


"Ba't mo kasi ginaya?"


"Baliw, nagdududa nga ako sa sagot ko!"


Tumawa na lang ako sa kanya at saka bumalik na sa upuan ko. Wala pa ang teacher namin para sa susunod na subject kaya may panahon pa ako para ayusin ang mga answer sheets. Lumapit sa akin ang dalawa, nagtatalo sa naging answer nila sa test.


Hindi ko napigilang ikumpara ang ilang sagot ko sa mga sagot ng iba kong kaklase. I looked at my classmate Claribel, answer sheet. We almost have the same answers on the first enumeration part and to some multiple choice questions. Natigil lang ang pagkukumpara ko ng tawagin ako ni Pia.


"So, ano? G ka ba mamaya?" She asked.


"H-ha? Saan?" Agad kong tinago ang lahat ng answer sheets sa libro.


"Sa party nga ng pinsan ko. 18th birthday niya kasi."


Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Basta ako, gora ako mamaya." Rinig kong sabi ni Mags saka nila ako tinitigan.


"Hindi pa ako nakapagpaalam kay Auntie," Sinubukan kong ngumiti sa kanila.


"Hindi naman tayo aabutin ng madaling araw doon, saka walang alak. Sure 'yan!"


"KIlala niyo naman si Auntie, diba?" I lowered my voice. "Mahirap na..." Umiwas ako ng tingin sa kanila.


"Pero kapag si Rechiel, pinapayagan. Siya dapat ang nagbabantay ng karinderya niyo, diba? Hindi mo naman trabaho 'yun..." Reklamo ni Mags.


"Pero kailangan kong tumulong doon," Tipid akong ngumiti sa kanila.


Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now