Tuluyan na akong nanghina.
Nangatog ang tuhod.
Tuluyan nang tumulo ang luha na matagal ko nang pinipigilan.
Tumigil ang mundo ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng kakaibang takot.
Takot sa sarili. Takot sa mundong ginagalawan ko.
Hindi ako makagalaw. Ni-hindi ako makatingin sa sarili ko sa harapan ng salamin. Ni-hindi ko magawang sagutin ang tawag na mula kay Bryle.
Hanggang sa tuluyan ko nang nabitawan ang test kit na mayroong dalawang pulang guhit.
I cried.
In the midst of the night, on the floor of our bathroom... I cried harder.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Alam ko na posibleng mangyari 'to pagkatapos naming gawin ang bagay na iyon.
Isang gabi na nagbunga ng isang pagkakamali.
Ayoko mang aminin, pero iyon ang totoo.
Ni-hindi ko man lang naisip na ganoon kabilis nagbunga ang lahat. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, naging blangko na lang ang lahat.
Imbes na magkaroon ng direksiyon, mas lalo akong nawala. Imbes na magkaroon ng kulay, mas lalo itong naging madilim.
After what happened, I stayed in my room the whole night. Hindi ko na nahintay pa si Bryle. Hindi ko rin namalayan kung anong oras ako nakatulog habang nakatulala sa kawalan.
Nagising na lang ako kinabukasan dahil sa katok sa pinto ng kuwarto. Tinignan ko muli ang repleksiyon sa salamin, mula sa mugto kong mga mata at walang buhay kong katawan. Para akong may sakit.
Wala sa sarili akong naglakad upang pagbuksan si Bryle.
Hindi nga ako nagkamali. Nagulat siya ng makita niya ako.
"Des? A-ayos ka lang?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hinahanap ang sagot sa sahig ng kuwarto.
"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Des, kailangan mo nang magpatingin sa doktor. Tara na, sasamahan na kita ngayon—"
"Hindi!" I bit my lower lip, trying to console myself. "Huwag na, Bryle. Pagod lang ako. Daming inaaral 'eh," Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Desiree, ilang linggo na 'yan..."
"Hindi naman!" Tinulak ko na siya palabas ng kuwarto. "Pagod lang talaga ako, saka maayos naman ang pakiramdam ko. Wala namang bago dito."
YOU ARE READING
Above The Sky Limits (SHS Series #3)
Novela JuvenilDesiree Mendoza, a competitive student from ABM always wanted to be on top. She always aim for high grades and perfect performances along with her dreams on becoming a CPA. She is rising swiftly until she met her rival, Bryle Guevarra, a smart, righ...