Kabanata 33

372 19 18
                                    

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Desiree. N-naguguluhan na ako." Pagpapatuloy niya.


Hindi ako sumagot. Kahit ako, nagtatanong rin, naguguluhan at di rin alam ang gagawin sa komplikadong sitwasyon namin.


Tumingin ako sa anak ko na mahimbing pa rin ang tulog. Nakaluhod sa harapan ko si Bryle, habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.


Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gaanong sitwasyon ni Bryle. Hinayaan ko siya sa ganoong estado, hindi na rin siya nagsalita pa pagkatapos nun. At siguro dahil sa pagod at bigat ng nangyari ng araw na iyon, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Nagising na lang ako kinabukasan na maayos na nakahiga sa sofa at may nakapatong na kumot sa katawan. Inilibot ko ang paningin ko at naabutan ko si Ate Jona na pinapakain si Baron.


Wala si Bryle.


Tumikhim si Ate Jona. "Buti naman at nakatulog ka ngayon ng maayos."


Bahagya akong nagulat dahil doon pero umiwas na lang ako ng tingin.


"P-Pagod lang po siguro, k-kaya ganoon..."


"Lumabas saglit si Bryle." Tipid na sabi ni Ate Jona. Muli akong napatingin sa kanya. Umiwas ito ng tingin sa akin. "Hindi ka man lang nagsabi na narito na pala siya. Nagulat ako, h-hindi ko na siya n-nakilala."


"P-Papa will be back, Mama. D-Don't worry po."


Pareho kaming nagulat ni Ate Jona sa sinabi ni Baron. Napanganga ako sa anak ko.


Muli akong umiwas ng tingin, hindi na ulit makapagsalita. Tumikhim ako. "C-CR lang po ako." Tipid kong sabi saka nagmamadaling tumakbo sa CR sa loob ng kuwarto.


Sandali akong nag-ayos ng sarili. Alam kong maya-maya lang ay nandito na rin si Kara at paniguradong guguluhin ako ng maraming tanong nun.


Pagkatapos ng halos limang minuto, lumabas na ako na parang walang pag-aalinlangan nangyari kanina sa loob. Nakita kong tapos na kumain si Baron dahil abala na ito sa paglalaro, si Ate Jona naman ay nagliligpit ng mga pagkaing dala niya.


"Ako na po dyan, Ate Jo." Singit ko sa kanya.


"Naku! 'Wag na, magpahinga ka na lang dyan at hintayin si B-Bryle." Suway niya sa akin.


Muli na naman kaming nagkatinginan ng anak ko. Batid ko na ngayon na medyo alarm ana siya tuwing naririnig ang pangalan ni Bryle. Tipid akong ngumiti sa kanya.


"A-anong oras po ba umalis si Bryle?" Tanong ko.


"Ilang minuto pagkarating ko kaninang alas-sais, umalis na siya. Bibili raw ng pagkain kahit pa sinabi ko na may dala naman na ako. Hinayaan ko na lang."


Bigla tuloy ako natahimik at napaisip sa sinabi niya. Hindi ko namalayan kung anong oras ako nakatulog kagabi o natulog din ba siya. Inaasahan ko kasi na hindi siya magtatagal dito dahil mayroon siyang trabaho sa Maynila at isa pa, may asawa siyang naghihintay sa kanya roon.

Above The Sky Limits (SHS Series #3)Where stories live. Discover now