Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng hangin upang makahinga ng maayos.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, agad siyang tumalikod sa akin, kinuha ang kanyang gamit saka naglakad paalis sa quadrangle.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng tuluyan.
Saka lang ako natauhan ng tawagin ako ng isa sa mga babae roon. Nasa tenga ko pa rin pala ang cellphone ko kahit kanina pa naputol ang tawag ng hindi ko namamalayan.
Madaling natapos ang unang practice namin. Halos kami na lang din ang naiwan sa school dahil maagang nagsiuwian ang mga estudyante, hindi ko na rin naabutan si Mags saka si Pia dahil sigurado akong nauna na sila sa akin.
Kinailangan ko munang umupo sa bleacher upang magpahinga at makapag-isip ng maayos dahil pakiramdam ko bahagya akong nawala sa sarili dahil sa sinabi ni Bryle kanina.
Hindi ko inaasahan na 'yun ang magiging sagot niya.
Hindi rin naman ako naniniwala.
"Bobo ba siya? Ba't magkakagusto siya sa akin?" Tanong ko sa sarili saka napailing.
Gusto ko sanang magkuwento kay Mags o kay Pia kaso siguradong hindi maayos ang kalalabasan kung sakali. Baka hanggang sa Friday 'yun ang maging bukam-bibig nila.
Nakakahiya naman kung ganun. Isa pa, hindi ako naniniwala kay Bryle.
Isang malaking joke na maniwala sa pinagsasabi ng lalaking 'yun.
Pagkatapos kong tumulong sa paglilinis sa karinderya, agad na akong dumiretso sa kuwarto upang makapagpahinga.
Nasa salas pa si Ate Jona, nanonood ng sinusubaybayan niyang telenobela tuwing gabi. Ganoon din yata si Auntie Dina.
Nagkaroon ako ng time para makausap si Papa through chat. Online kasi siya at bibihira lang iyon dahil busy siya sa trabaho at sa bago na rin niyang pamilya sa Dubai.
Sandali akong nagkuwento sa kanya tungkol sa mga nangyari sa akin nitong nakaraan. As much as I want to told him everything, he just asked me if I need anything, money to be specific. At alam kong doon na matatapos ang usapan namin.
Nasanay na ako kay Papa. Sa ilang taon na hindi kami magkasama, iyon lang ang tanging paraan na ginagawa niya bilang ama sa akin.
Siguro ganoon talaga dahil wala na rin naman si Mama at ako na lang ang pamilya na iniwan niya rito kay Auntie Dina.
Napagod na ako kaya humingi na lang din ako sa kanya ng pera pandagdag sa allowance at expenses ko sa pageant.
He is proud of me. That's what he told me.
YOU ARE READING
Above The Sky Limits (SHS Series #3)
Teen FictionDesiree Mendoza, a competitive student from ABM always wanted to be on top. She always aim for high grades and perfect performances along with her dreams on becoming a CPA. She is rising swiftly until she met her rival, Bryle Guevarra, a smart, righ...