Lies and Kisses

230 5 0
                                    

-Still a Flashback-

Jennie's POV:

Next day.

"Lisa-yahhhh!!! Kagabi ka pa ah. Tumigil ka na.!!"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sigaw ni Chu mula sa kusina. Nilingon ko ang side table para abutin ang phone ko. 10:30 na pala.

Isang mahabang hikab ang binitawan ko bago ako bumaba ng kama. Hindi pa man ako nakakahakbang palayo, nang makaramdam ako nang konting hilo.

Pakiramdam ko mabubuwal ako.

"Jennie-unnie gising ka na ba--wui!!"

Nawalan na nga ako ng panimbang. Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig. Sa sobrang pagkalula hindi ko na napansin na may ibang tao na pala sa kwarto.

Blurred ang paligid at pati pandinig ko ay wala na rin sa ayos.

"Unnie?! okay ka lang ba?? Unnie?? " hindi ko na nga maaninag hindi ko pa mabosesan.

"c-Chaeyoung??" hula ko lang.

"Ohh my god Unnie, may amnesia ka ?!Jisoo'nnie!! tulong si Jennie-Unnie hindi na ako makilala!!"

"Anong nangyari?!"

"Hindi ko alam Unnie basta pagpasok ko bigla nalang syang bumagsak pagkatapos nun sinubukan ko syang gisingin kaso hindi na nya ako makilala. "

"Panong hindi ka makilala?"

"Tinawag nya akong Chaeyoung, Unnie! May amnesia na sya! huhuhu"

"Pwede ba Lalisa! Tigilan mo nga ako. Buhatin mo na yan si Jennie at ibalik mo sa kama"

Andami kong nadidinig pero hindi ko talaga sila makilala. Pati mga boses nila  nakakahilong pakinggan.

Dahan dahan akong umaangat. May dalawang brasong bumuhat saakin. Hinang-hina talaga ako. All my senses are down or so I thought.

That scent. I can recognize that specific scent. It was Lisa!.

*ddum dum ddum dum

Then my heart skips a beat. Hindi pa ako handa na harapin sya pagkatapos nang nangyari kagabi.

Sinubukan kong gumalaw pero nabigo ako. Pati mga buto at kalamnan ko hindi ko na mapasunod.

Hanggang naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko.

"Unnie? parating na yung doctor. Don't worry. ." she sounds worried. Andito ba silang tatlo?

"Unnie, si Chaeyoung yung nagsalita ah baka hindi mo na din sya nakikilala." then she took my left hand and started playing with it.

"Kasalanan mo talaga to NalaLisa !! You made her cry last night!".it was Chaeyoung.

My hearing is back. Now I can recognize their voice. Hindi ko nga lang maimulat ang mga mata ko.

"Paanong naging kasalanan ko?? e wala nga akong maalala!!. "

She can't remember?? Pagkatapos nyang guluhin ang sistema ko sasabihin nyang hindi nya maalala?? The heck!

"You took Jennie-unnie's first kiss, you almost kissed me and now you're saying you can't remember?? oh come on! "  Tama yan Chaeng bilangan mo nga yang loko na yan. "It's all because of your kissing habit, you monster!!"

Kahit nakapikit ako na'iimagine ko ang pagmumukha nilang dalawa. It made me laughed inside.

"Yo! Park Chaeyoung! wag mo nga akong ginagamitan ng Aussie English mo ah, ano ngang gagawin ko wala akong maalala?! Paulit ulit ka naman e."

JenLisa : Escaping UsWhere stories live. Discover now