02

11 0 0
                                    

"S-snake bite..." mahinang saad ko. Ramdam ko ang pawis ko at maski ang paningin ko ay lumalabo kaya pinipilit kong imulat ito. Nagpapantig ang tainga ko at parang bumabaliktad ang sikmura ko sa hindi malamang dahilan. My body's not familiar with this feeling but I know that these are the symptoms of a snake bite, alam ko dahil isa akong medical personnel.


I heard him curse under his breath again. Narinig ko na siyang nagda-dial sa phone niya, ang pinaguusapan ay tungkol na sa akin, sa hinuha ko ay ambulansiya ito. "Can I, somehow, take her to a safer place?"


Pumikit akong muli dahil gusto kong kumalma pero nanginginig talaga ang kamay ko. Hinintay ko siyang matapos sa tawag dahil madami siyang tinatanong but still, his voice stayed steady and firm. Walang bakas ng takot o ng kahit ano. He remained serious as his gaze surveyed the inner me.


"Riya?" he called after the call.


"Hmm?" iyon lang tanging nasabi ko dahil nakayuko na lang ako, nakapikit at wala na masyadong maramdaman.


"You have to stay calm, okay? I cannot move you, pero kailangan ko raw balutan ng cloth ang tuklaw ng ahas para mabawasan kahit papaano ang pagkalat ng venom if that snake is venomous," he said calmly. "Anong nararamdaman mo?"


Sinimulan na niyang talian ang parteng may kagat sa akin gamit ang handkerchief. I could feel the gentleness from his touch but when I tried to look at him, only that he is a bit blurd, nakaigting ang panga niya na tila may kinokontrol, it's like he is trying to get a hold of himself about something. Galit? Inis? Hindi ko alam.


"H-hindi ko alam," iyon lang ang nasagot ko dahil bukod sa hindi ko kayang magsalita pa ay hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko dahil maski ako ay hindi mapagtanto ang nararamdaman ko.


Nang dumating ang ambulansiya ay isa siya sa mga sumama sa hospital. Hindi ko na masyadong pinakiramdaman ang paligid ko dahil nakapikit na lang ako. Hindi raw ako pwedeng gumalaw dahil may venom nga raw ang ahas na nakakagat sa akin. Tuluyan na akong nakatulog nang may kung ano-ano na silang ginawa sa akin.


When I woke up, I'm feeling light already. I had a long time in processing what happened to me but when I noticed a tight feeling on my right and left arm because of vaccine, naalala ko na ang nangyari. Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakahiga ko, only to notice that I am with other patients with snake bites too. Iginala ko pa ang tingin ko at nakitang nasa ibang hospital ako... at walang kasama.


As far as I remember, I'm with... Architect Saavedra yesterday. Kasama siya sa nagdala sa akin dito pero bakit parang wala akong kasama? It's not that I'm looking for him pero-shit! Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang isang oras na lang ay duty ko na! Kailangan ko nang umalis dito!


Pilit kong inalala kung nasaan ang mga dala ko kahapon, ang alam ko ay nasa Muntinlupa pa rin naman ako ngayon. Most of my things are in my car! Ang tanging dala ko lang noong lumabas ako kahapon ay ang wallet, phone at susi ko. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan na lahat! Shit naman talaga!


Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Okay na ako, although, ramdam ko pa rin ang mga pinagtuturok sa akin. Nalinisan na rin ang sugat ko sa binti pero paika-ika na lang ako naglakad para hindi masyadong maapektuhan. Lumapit ako sa isang nurse habang hawak-hawak ang right arm ko.

Colliding with the GreaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon