I was watching him being greeted at the stage, kinakamayan siya ng mga tao roon. It is his high school graduation and he graduated with the highest honor among their batch. Walang pagsidlan ang tuwa ko habang pinagmamasdan siyang kinukuha ang diploma niya.
Kahit kanina pa sa entrance nilang mga graduates ay gustong-gusto ko nang magsisigaw sa tuwa, kaso ayaw ko namang makagulo sa kanila kaya kumakaway na lang ako, trying to get my support visible. Katabi ko lang si Tita Adel at nasa harapang bahagi kami ng 2nd floor ng school dome, nasa baba naman ginaganap ang suporta. Nasa taas kami upang hindi humalo sa mga estudyanteng magsisipagtapos.
Hindi lang diploma ang nakuha niya, humakot din siya ng subject awards and extracurricular awards. Feeling ko nga ay nahihirapan siyang dalhin sa leeg niya ang mga medal na nakuha niya. Tuwang-tuwa na lang kami ni Tita tuwing nababanggit ang pangalan ni Zane sa stage.
Nang matapos ang program propper ay dali-dali kaming bumaba ni Tita Adel para maharap si Zane. Huminto ako at hinayaan si Tita Adel na yakapin ang anak niya. Tita Adel kissed Zane's cheeks and she whispered something to Zane. Nakita kong kumuha ng ilang piraso si Zane ng medal niya at isinabit iyon sa leeg ni Tita Adel. Hindi niya nilahat ng medal dahil sobrang bigat na nga no'n.
Hindi ko mapigilang ngumiti. My heart just felt warm with that gesture.
My smile remained when Zane turned to me, kausap na ngayon ni Tita Adel ang isa sa mga magulang ng kaklase ni Zane.
I slowly went to him when I noticed that I already have his attention. Binigyan ko siya ng isang bungkos ng bulaklak. He looked at it.
"Congratulations, Arzane! Yay! Graduate ka na ng high school!" masaya kong bati sa kaniya.
Binalik niya ang tingin sa mga mata ko kaya ngumiti ako lalo. Nang tinaas niya ang kamay niya ay akala ko kukunin na niya ang flowers pero bigla niya akong hinila para mayakap. Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya kasabay ng pagpikit ko.
"Thank you..." he whispered emotionally, "so much, Alexandria. I won't achieve these all without you. Only you."
I chuckled and hugged him back. Mahigpit. He is just so thankful, pati tuloy ako ay nagiging emosyonal dahil sa kaniya. Naiiyak ako sa hindi malamang dahilan.
"Uy, ano ka ba. Naging support system mo lang ako, kung hindi ka nag-persevere, hindi ka mapupunta riyan," bulong ko rin pabalik. Kinalas ko ang yakap para maharap siya. I held his face softly. "Ikaw lahat 'yon. I am proud of you, Leon. You will achieve more, I am sure."
"Then..." Tinanggal niya ang mga natitirang mga medal sa kaniya at isinabit din sa leeg ko. "These are for my gorgeous support system."
My smile grew bigger as I held the medals. "Ang dami nito, grabe ka. Halimaw ka!"
Tumawa akong muli, kaya ngumiti siya. "Still, salamat, Alexa."
Tuluyan na niyang kinuha ang bulaklak nang inilahad ko iyon sa kaniya. "You're welcome."
"Zane!" narinig kong tawag ni Tita Adel kaya pumunta kami sa kinaroroonan niya. We saw her with some formal people.
"Nice to meet you, hijo. I am Mr. Abalos from Lacsamana inc." Naglahad ito ng kamay kay Zane at malugod namang tinanggap ni Zane.
"Nice to meet you po," Zane greeted back. Nasa tabi niya lang ako.
"Well, I will get straight to the point. We can see now that you are a diligent and intelligent student, one quality of a person who are deserving to get a scholarship. I am happy to tell you that we can help you with your college journey. Our company is giving that opportunity to those deserving," the man explained. "I already explained this to your mom, and don't worry, we will give you the benefits you truly deserve if you will take my offer."