It was a clear voice from behind came from the person I am so sure of.
Clear, not that loud, also not hard, but the voice was fine. That stopped me from stepping on the first stair. I turned around after a few seconds with my mouth slightly opened. Ilang seconds pa bago ko tuluyang na-realize na tinawag niya ako. Nagsalita siya! Napagsalita ko siya!
And what? Alexa? Iyon ang lumabas sa bibig niya kung tama ang pagkakarinig ko. He called me Alexa? That came from Alexandria, right? Pero walang tumatawag sa akin ng Alexa... Siya pa lang ang kauna-unahang taong narinig kong tawagin akong Alexa.
But nevermind that, he still called me!
I did not stop myself from running towards him and hugged him. Nakatingkayad ako habang yakap ko siya sa leeg. Sobrang saya lang na napagsalita ko siya! Sa halos ilang buwan kong pagsubok na pagsalitain siya, feeling ko achievement ngayon sa akin ito!
"Finally!" I blurted out happily as I withdrew my hug to him. I gave him a thumbs up. "Pagbutihin mo pa, Leon! Okay na 'yon! Magaling ka na! Very good!"
I showered him with compliments since he might need those for his progress. I am just so glad that he is trying. In those months when we were trying to figure him out, hindi namin siya nakitaan ng pagpoprotesta. He wants to help himself too, even in his own little ways. Nakakatuwa na hindi niya kami pinapahirapan at sa tingin ko ay hindi niya rin naman gusto iyon. He also wants progress for himself.
Hindi ko alam kung sino siya noon, o kung saan siya galing basta ang alam ko, gusto ko siyang tulungan. I would also want to know him more, but that is while I am helping him cope up. Siya naman ang makakapagdesisyon kung ano na ang gagawin niya pagkatapos nito. He needs to redeem himself first.
Since he is helping us, hindi na kami nahirapan pa sa tuloy-tuloy niyang paggaling. We spent days, more months, even a year for him to learn things, to have his confidence to speak up, at in fairness, magaling at matalino siya ha. Well, he wasn't really stupid or something, marunong naman na talaga siyang magsalita noon, bumabalik lang ngayon.
Even Tita Adel is so happy with Zane's progress. I believe Tita Adel is enjoying giving care to him. Hindi na ako magtataka dahil wala namang anak si Tita Adel pero gusto niyang may inaalagaan. Maganda rin naman iyon dahil bukod sa may nakakasama na siya rito sa bahay niya ay mayroon na rin siyang ibang pinagkakaabalahan bukod sa akin, o sa pamilya namin. She is not lonely here anymore- she has Zane now. Zane can be her son.
"Leon, pakuha naman no'ng bag ko, please?" I told him while I am preparing my lunch taken to school.
I am sleeping here every weekend, Lunes ng umaga ako umaaalis para pumasok sa school at kung walang gagawin after school ay dumidiretso rito. I am now a grade 9 student at si Leon naman ay nagti-take ng ALS, pinasok siya sa ALS ni Tita Adel dahil hindi naman namin alam kung anong grade siya huminto at wala kaming dokumento niya na nagpapatunay sa kung anong grade siya natapos. Tita Adel also filed to be Zane's legal guardian, para makakuha ng mga kinakailangang documents ni Zane.
Nang lumapit siya ay dala-dala na niya ang backpack ko. Nilapag niya iyon sa upuan sa tabi ko at binuksan niya iyon para maipasok ko ang lunch box ko.
"May gagawin ka pa after school?" tanong niya sa mahina pang boses, halos ako lang ang nakakarinig. Ganiyan siya palagi. Mahina kung magsalita. He is not fully recovering that is why. He is still building his confidence to talk to other people, and let them hear his voice.
Humarap ako sa kaniya at tumango. Alam niyang may extra-curricular activities ako dahil iyon ang sinasabi ko sa kaniya kapag hindi ako nakakabalik dito kaya iyon din ang itinatanong niya palagi.
"May practice ako. Hindi pa ako makakabalik, baka sa weekends na ulit," I said to him.
Tumango rin siya at tinitigan na lang ako. Arzane... Arzane Tyson, that is his name, that was he said. Zane ang tinatawag sa kaniya pero dahil nasanay akong tawagin siyang Leon ay minabuti ko nang iyon na lang ang itawag sa kaniya. Besides, siya rin naman ay Alexa ang tawag sa akin kahit hindi ko naman talaga nire-recognize at nickname iyon dati, ngayon lang dahil iyon ang tawag niya sa akin. He is older from me for like 2 years, too.