11

7 0 0
                                    

Yeah, I remember his name. Madalas siyang tinatawag sa klase kaya pamilyar siya sa sakin. Matalino kasi kaya ganoon.

'Yon lang din ang inisip ko sa buong paglalakad ko papunta kay Zane. Nang mamamataan ko sa Oval si Zane at mukhang kanina pa ako hinihintay ay inangat ko ang phone ko at nagsalamin. Kinapa ko rin ang noo ko at naramdaman ko ang bukol doon. I saw on my phone there is really a small bump, medyo violet ang kulay niya kaya halatang-halata. Lagot ako nito!

I bit my lower lip and looked at Zane. He glanced at his watch, then back to his reading.

"Mage-explain na lang ako," bulong ko sa sarili ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya habang nilulugay ang buhok ko at sinusubukang itabon ang kaunting bangs ko sa noo ko. Mabuti na lang at mayroon akong kaunting bangs, sana lang ay hindi na niya mapansin pa iyon.

As usual, may pagkain na sa lamesa. Dito na kami kumakain sa Oval at hindi na sa cafeteria dahil masyadong maraming tao roon at ayaw namin makipagsiksikan. Siya ang bumibili ng pagkain namin palagi.

Mabilis akong nahanap ng mata niya nang inangat niya ang tingin niya. I smiled widely and neared him.

"Bakit ang tagal mo?" unang tanong niya.

"Hinanap ko pa kasi 'yong Main Lab sa building namin kasi may ibibigay sana ako kay Ams kaso hindi ko makita 'yong main lab, eh," sabi ko, except sa pumunta pa ako ng clinic. Well, hindi naman ako nagsinungaling. "Kain na tayo! Gutom na ako!"

Umupo ako sa harap niya at sinimulang buksan ang mga in-order niyang pagkain sa Cafeteria. Hindi naman niya ginalaw ang kaniya kaya tinignan ko siya. He is just staring at me curiously.

"B-Bakit?" kinakabahang ani ko. Inayos kong muli ang bangs ko dahil baka napansin na niya ang bukol ko kaya ganiyan siya makatingin sa akin.

"Bakit ka nakalugay?" nagtatakang tanong niya.

Tumikhim ako. Palagi kasi akong naka-ponytail dahil mainit sa Oval at syempre, kakain kaya siguro nagtataka siya ngayon na nakababa ang buhok ko.

"Nawala kasi 'yong tali ko. Hindi ko alam kung saan ko naiwan o baka na kay Amelie," dahilan ko.

May kinuha siya sa bulsa ng bag niya, tsaka inilahad sa akin ang black na tali. Kinagat ko ang labi ko. Oo nga pala! Naglagay ako ng panali ng buhok ko sa bag niya in case na mawala 'yong akin. Bakit hindi ko naisip 'yon agad! Stupid, Riya! Very stupid!

Awkward akong tumawa. "Uh, okay lang naman na nakalugay ako."

"Pero kakain tayo," sabat niya. "Bakit ayaw mo magtali?"

"F-Feel ko lang maglugay. B-bakit? Hindi pa b-bagay?" Tumingin ako sa kaniya, hopeful sa magiging sagot niya.

Ibinaba niya ang tingin sa pagkain niya at sinuot na lang sa palapulsuhan niya ang tali ko.

"Bagay..." mahina niyang sagot, nakatingin lang sa pagkain.

My forehead slightly creased. "Okay! 'Yon naman pala, eh. Kain na tayo, Leon?"

Kaya lang, mahirap talaga kumain kapag mahaba ang buhok dahil halos makain ko na ang buhok ko. Nanggigil na lang ako at nilahad muli ang kamay ko kay Zane.

"Akin na nga!" inis kong saad. Bahala na kung makita niya! Gutom na ako!

Agad naman niya itong binigay sa akin tsaka niya ako pinagmasdan na magtali ng buhok ko. Habang nagtatali ako ay tumagal ang titig niya sa noo ko, alam kong Nakita na niya pero pinakita kong hindi naman 'yon big deal sa akin. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkain samantalang siya ay nanatili sa ganoong ayos, nakatitig sa akin gamit ang madilim niyang mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Colliding with the GreaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon