I crossed my arm, still staring away. Humihinga ako ng malalim at kinakalma ang sarili ko. The least thing I want right now is to argue with him. Hindi maganda. He looks submissive in front of me now, na parang kahit anong gusto at galit ko ay tatanggapin niya.
Huminga muli ako ng malalim at hinarap siya, nasa ganoong ayos pa rin siya, nanonood sa akin.
"I'm sorry din," sabi ko habang nakatingin sa mata niya, pero unti-unti ulit kumunot ang noo ko, tila nayayamot. "Kasi naman! Magsabi ka naman kasi kung ano nang nangyayari sa 'yo! Kung okay ka pa ba o hindi! Naiinis ako ngayon kasi parang hindi mo ako pinagkakatiwalaan! Talagang mas naniwala ka pang aawayin ko rin sila kapag nagkataon. Oo, medyo warfreak ako, pero pinipili ko naman 'yong mga kaaway ko!"
Hingal na hingal ako pagkatapos kong sabihin ang saloobin ko. Oh, 'di ba! Walang kuwenta na nag-sorry pa ako!
"Oo, pangako. Magsasabi ako." He gave an assuring smile. "At pinagkakatiwalaan kita, Alexa. Palagi."
I let my arms hang on my sides lazily, then I pouted while looking up to him, like a baby. He smiled more and pinched my cheeks. Umirap ako at sa huli ay ngumiti na lang din.
"Sorry," he whispered.
Tumango ako. "Sorry na. Pumunta ako sa room niyo kanina kasi magpapaalam nga sana ako na hindi tayo magsasabay umuwi muna kasi kakain kami ni Amelie sa labas. Mabuti na lang kasi hindi ko pa malalaman na ganoon ang nangyayari sa 'yo kung hindi ako pumunta roon."
"Okay. Nagtatampo ka pa rin ba?" marahan niyang tanong.
Umiling naman ako ngayon. "Basta nag-promise ka na hindi mo na uulitin, okay na ako. Ano nang nangyari sa mga kaklase mo?"
"Nagkaroon sila ng first offense, maglilinis din sila sa school bukas kaya kailangan nilang pumasok ng maaga," he answered.
Kumunot ang noo ko at nag-imagine ng itsura ng mga kaklase niya bukas habang naglilinis. I feel like I want to smile because I am satisfied but I don't want to. Kahit deserve nila iyon, kung hindi sila matututo in that experience, wala ring kwenta. Sana nga ay madala na sila sa parusang iyon.
"Lahat sila?"
Umiling siya. "May mga kaklase naman akong walang kinalaman."
I remained staring at him. In his blackish eyes, matapang masyado tignan kaya paano nagagawa pa siyang i-bully? Sabagay, kahit ganito ay mukha rin talaga siyang hindi lumalaban.
Nakita ko ang pagdungaw ni Mama sa pintuan. "Anong ginagawa niyo riyan? Pumasok nga kayo rito! Malamok diyan!"
Sumenyas ako kay Zane na sumunod na sa akin papasok sa bahay. Hindi na siya umuwi kila Tita Adel kaya nagpaalam na lang siya na rito siya matutulog sa amin, sa kwarto ko, sa sahig dahil may kama naman ako na extra.
Kaya naman kinabukasan ay sabay na kami pumasok. Nakita nga namin ang mga kaklase niya naglilinis, siningkitan ko agad sila ng mata ng tignan nila si Zane. Zane, on the other hand, held my hand and urged me to walk away. Bago naman kami maghiwalay ay nag-warning ulit ako tungkol sa mga kaklase niya.