04

6 0 0
                                    

Wearing my favorite green sunday dress, I am walking on the paveway going to my bestfriend's house, Amelie. Hindi naman talaga niya ako pinapapunta pero wala naman kasi akong ginagawa sa bahay ngayon. Tapos na ako sa mga assignment ko at hinihintay ko na lang sila Mama at Papa dahil masyado silang busy sa work nila.

Isasabay ko na rin ang pamamalengke pagbalik ko. Yes, at 14 years old, I started living the way I wanted to be independent.  However, I am still a minor so I still do not have the decision by myself. Magulang ko pa rin ang nasusunod.

"Oh, Alexandria! Hindi ka naman nagpasabi na dadating ka!" Amelie's mommy said when she opened their door for me after I knocked three times.

"Ah, Tita, wala po kasi sila mama. Si Ams po?" I asked to her.

She held my hand. Iginiya niya ako papasok sa bahay nila. "Nasa kwarto niya. May ka-video call nga, e. Kilala mo ba 'yon?

I bit my lower lip. Of course. I know. But I won't tell Amelie's mom about it. Alam kong mali ang maglihim sa mga magulang ni Amelie pero kasi... I am not her bestfriend for nothing.

"Ah, baka po groupmates po namin. Puntahan ko lang po siya," pagpapaalam ko. It was half-meant, ka-group naman talaga namin si Benj. Leader pa nga, e.

"Sige at magdadala na lang ako ng pagkain sa inyo sa taas."

I smiled. "Hindi na po, Tita. Saglit lang po ako. Mamalengke po kasi ako sa bayan mamaya."

She nodded. Umakyat na ako sa kwarto ni Amelie at naabutan ko nga siyang ka-video call si Benj, her crush... Or should I say, ka-M.U. They have mutual feelings towards each other. Magkakilala na sila kahit noon pa pero siguro, building feelings and emotions towards other people is part of growing up. Although, hindi naman talaga sila officially. Walang label, kumbaga. Ayaw kasi nila pareho. They have feelings, but their romantic relationship is not their first priority. It must be study.

Let us just hope that they will be together for the rest of their lives.

"Hoy," tawag ko agad pagtapos ng walang hiya-hiyang pagpasok sa kwarto niya. 

"Hoy," pagtawag niya pabalik. Nasa study table niya siya at kausap sa laptop si Benjamin.

I rolled my eyes. "Magkasama kayo kahapon, ah? Ano? Miss na miss agad ang isa't-isa?"

Amelie laughed. "Gumagawa kami ng script sa reporting next week, tangeks."

I sat beside her and faced Benj on the laptop. "Ang gara niyo, ah. Kayong dalawa lang."

"Ikaw ang reporter, Riya," Benj suddenly talked.

Nanlaki ang mata ko. "Hoy, ito naman! Parang baliw! Ako? No, please!"

Ayaw ko talagang nagsasalita sa harap, reporting pa kaya! Tsaka math kaya ito! Math! I'd die first before reporting! 

"Masaya 'to, Riya. Dali na!" pagsulsol naman nitong si Amelie.

Anong masaya ro'n?

Nagaalangan akong tumitig sa bilugang mata ni Amelie. While I have narrowed eyes, I narrowed it more. Masaya raw, hindi ko feel 'yon. Kalaunan ay wala na rin akong nagawa. I saw the script and they explained to me the process of solving. Matalino rin naman ako! Ibang usapan lang talaga kapag math na!

I left their house at the time I intended for myself. Kailangan ko pa palang pumunta sa palengke. Ayos lang naman na ma-late ako umuwi dahil pang-gabi pa lang naman itong lulutuin namin. Ewan ko lang sa tita ko kung nakapagluto na siya ng lunch.

Hindi naman kalayuan ang palengke mula sa bahay. Walking distance lang. I ran a bit para umabot ako sa pag-color green ng traffic light. Nakaabot ako pero kaunti na lang oras.

Colliding with the GreaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon