05

5 0 0
                                    

The week was not hectic as I expected it to be. Nagkaroon lang kami ng iilang mga quizzes and performance tasks na hindi naman ganoon kahirap.

I am currently a Grade 8 student, I am just the average, hindi matalino pero marunong namang gumamit ng utak pero minsan, aaminin ko namang tamad ako mag-aral, minsan lang naman, not when I am most needed.

I am also glad that my parents are not pressuring me to study harder and of course, smarter. Mahirap din ang ma-pressure. Pero syempre, normal lang naman na maisip kong mag-aral ng Mabuti lalo na't hindi naman kami mayaman, sila Mama at Papa ay nagtatrabaho ng Mabuti, na minsan ko na nga lang makasama dahil sa trabaho nila. I believe that I can give back those sacrifices soon.

I am going today to my aunt's house, my mom's sister. Magkakaroon ng maliit na selebrasyon si Tita Adel sa bahay nila bukas dahil birthday niya. My aunt is the one helping my parents in managing me because she does not have a husband nor children to take care. Ayaw niya raw mag-asawa, pero ewan ko, gusto niya raw na may inaalagaan kaya todo alaga rin siya sa akin. She is my mother as well.

Tumingin ako sa kalangitan na halos mga bituin na lang ang nakikita. It's already 7:00 pm, but here I am, still walking. Dire-diretso naman akong pumasok nang makarating ako sa bahay ni tita. Siya lang mag-isa rito dahil ayaw niya naman daw na makibukod pa sa aming pamilya, okay lang sana, though. Choice niya na naman 'yon.

"Alexandria, bakit ngayon ka lang? Anong oras na!" Iyon agad ang bungad sa akin ni Tita nang makapasok ako sa bahay nila na hindi rin naman kalayuan sa bahay namin, one street away lang.

"Sorry po, tita. Kakauwi ko lang po galing practice," pagpapa-alam ko sa kaniya. Kumuha ako ng tubig sa fridge ni Tita at uminom.

It's true, I came from our practice in the dance troupe I am in. I have talent in dancing, kaya ngayon ay ginagawa kong pampalipas oras. Nakakapagod minsan, oo, pero hindi naman ako sumusuko sa mga bagay na gusto ko talagang gawin.

Nilapag niya ang paper bag sa tabi ko sa sofa samantalang ako ay naka-focus ang mata sa television, Tita is watching a romance movie.

"'Yong susuotin mo ay handa na ba, Riya?" she asked to me.

I nodded once. "Opo." Naibigay naman niya ang susuotin ko bukas noong nakaraang linggo pa kaya ayos na ako para bukas.

"Pupunta ba si Amelie? O 'yong ibang mga kaibigan mo?"

Ngumuso ako at nilingon ang tita ko na ngayon ay nagtutupi na ng mga damit. "Hindi nga po, eh. Umalis po kasi sila ngayong gabi papuntang Rizal, sa linggo pa raw po ang balik nila kaya wala po akong maii-invite. Kung si Benj naman po ay nahihiya po akong ayain kung wala si Ams."

Tita Adel knows my whereabouts, actually, she knows more than my own mother. I am not comparing, pero sa sobrang busy rin kasi talaga ni Mama ay hindi na niya ako natatanong, si Tita Adel ang gumagawa no'n kaya sa kaniya ako mas palakwento. Wala rin kasi talagang iniisip si Tita maliban sa amin. Hindi masama ang loob ko kay Mama, sadyang mas kailangan ko lang talaga ng family time na kasama sila.

"Ganoon ba. Sayang naman," she commented. "Oh, siya. Umuwi ka na at baka lumalim na ang gabi ay nandito ka pa rin."

I sighed and got the two paper bags; one contains a long dress while the one contains a pair of sandals. I stood up and neared Tita. I hugged her lazily. "Sige po. Bye. Kitakits po tomorrow. Ingat here."

"Sige na. Magiingat ka, ha! Dumaan ka muna riyan sa street na maliwanag," huling paalala niya bago ako binitawan.

Tomorrow came and it's my aunt's birthday. Umaga pa lang ay nagbihis na ako, sinuot ko agad ang damit na binigay sa akin ni Tita. I wore a dark yellow wrap dress ending just right on my knee, my hair on half ponytail and a yellow ribbon on it. I also have a yellow strapped sandals to match it all. I looked so bright as I gazed upon our body mirror. Ako ang kauna-unahang pupunta sa bahay ni Tita, kailangang ako ang unang babati kay Tita personally.

Colliding with the GreaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon