Nag-stay ako sala habang busy si Tita sa paglilinis kay Leon. Oo, Lion. That will be his name for now. Hindi ko pa kasi alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Swak naman din kasi mukha siyang Lion, from the way he looks. Kaysa kasi kung ano-ano pang itawag ko sa kaniya, mas magandang bigyan ko muna siya ng pansamantalang nickname habang hindi pa alam kung anong pangalan niya.
Si Tita naman ay nililinisan si Leon sa taas, hindi ko nga alam kung ano nangyayari kasi ilang oras na silang nasa taas. Mahirap ba linisan si Leon?
Nagsisimula na akong maglagay ng designs dito sa living room ng tita ko para sa mga paparating na bisita. Hindi naman siguro sobrang dami "yon, simpleng pahandaan lang naman ito.
I started putting a "Happy Birthday" banner on the wall with some cute stickers, and pictures of my aunt. Hindi alam ni Tita na may pa gano'n, though.
Saktong tapos na ako sa design ko nang may tumawag sa labas. Dali-dali akong lumabas sa pagaakalang mga bisita na iyon pero hindi pa pala.
"Good afternoon po, food delivery po?" the delivery guy asked. Mukhang ito na ang mga handa ni Tita!
"Ah! Wait lang po, kuya. Tatawagin ko lang po ang tita ko," paalam ko.
Tumatakbo akong pumasok muli sa loob ng bahay at umakyat, pagkatapos ay sumilip sa kwarto ni Tita.
"Tita! Done na po kayo?" pagtawag ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob para na rin sana maki-usyoso.
My jaw dropped when I saw Leon-I mean, the guy full of grease a while ago. Ngayon...
Malinis na siya. Nakapolong itim at shorts. Wala nang kahit anong grasa o dumi sa mukha niya. Malinaw ko nang nakikita kung gaano ka-misteryoso ang mata niya. I was in dazed for some time. Wow! He transformed! He...transformed big time! Sobrang layo na siya sa anyo kanina na marumi at halos hindi makilala!
"Bakit, Riya?"
Natauhan lang ako nang tinawag at tanungin ako ng tita ko, pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Leon na nakatingin din sa akin. Kasalukuyang sinusuklayan ni Tita si Leon.
"M-may food d-delivery na po sa baba..." medyo nauutal ko pang ani kay Tita Adel.
Binaba agad ni Tita ang suklay at kinuha ang wallet niya sa drawer. Lumapit siya sa akin.
"Sige, i-receive ko muna. Tapos na 'yang batang iyan. Ikaw na bahala!" Pagkatapos ay nilampasan na niya ako at bumaba na.
I pursed my lips as I walked towards the guy. Halos hindi ko siya makilala! Siya ba 'yong kasama ko kanina?! Weh?! I cannot believe it!
"Oh my gosh," hindi ko na mapigilang maiusal. I am so amazed to the point that I surveyed his head to toe over and over, inikutan ko siya ng dalawang beses para matignan siya lalo. Sinusundan naman niya ako ng tingin.
Nang mapunta sa harap niya ay hindi ko na mapigilang tumili sa sobrang saya. Just wow! Hindi talaga akong makapaniwalang gumwapo siya ng ganito! As in! Wel, payat pa rin naman siya but that can be improved!
"Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?" tuwang-tuwa kong tanong sa kaniya. Hinila ko siya papunta sa tapat ng body mirror sa gilid. The reflection showed us both, defining our height. "Ayan, oh! Ang gwapo mo na!"
And wow again! He smells so good now! Gamit niya ang pabango ni Tita pero bakit ganoon, mas mabango kapag sa kaniya na? Hindi ko naman masyadong naaamoy kapag kay Tita! O 'di kaya ay sa akin! Bakit sa kaniya ay iba ang epekto ng amoy? It makes him attractive!
I stared at him in the mirror. The look on his face shows satisfaction, parang nagustuhan niya rin ang nakikita niya sa salamin. Then I looked at his real physical, napangiti ako nang makita ang tuwa sa mukha niya. He is so happy!