Para matapos ang pagpapakilala ay tumango na lang ako kay Benj. The architect didn't even lend his hand-Of course, he won't! Magkakilala naman na kami kaya hindi na kailangan.
A well-grown man, no vestige of being a homeless man is now in front of me, looking so damn successful. Baka nga mas successful pa 'to kaysa sa akin. Architect na siya at kung na-reach out siya ni Benjamin, malamang ay lubhang matagumpay na nga siya.
Gusto ko na lang matawa sa mga pangyayari. He left me... without words, umalis siya nang walang sabi-sabi. Totoong nawala siya na parang bula. Iniwan niya ako na parang tanga lang. I cannot decipher what is happening inside me right now. Hindi ko siya kayang tignan nang kaswal lang.
"Okay, so let's talk about the house," pambabasag ni Benj sa katahimikan. "Architect, here's the notes pero you can ask Riya for further info since mas alam naman niya and opinions ng asawa ko."
Tumalikod na lang ako at umupo sa upuan sa dining table. Hindi ko masikmura na kinakailangan ko ngang kausapin si Architect para lang dito. Kung alam ko lang na siya ang architect sana ay hindi na lang ako pumayag dito! Hindi ko naman bahay 'to! Hindi ako makikinabang!
"Let's wait for the Engineer a bit, Mr. Mariano and..." Halos maputol ang hininga ko nang maramdaman ko sa likod ko ang paglapit niya. "Alexa."
"Uh-oh, you must call her Riya, Architect Saavedra. Ayaw niyang tinatawag siyang Alexa or Alexandria," pabirong ani ni Benj na agad kong sinamaan ng tingin.
Bakit niya pa kailangan sabihin iyon?! I'm sure that the architect is now concluding something. Tsaka bakit ba ako tinatawag ng architect na 'to sa pangalang kailanman ay hindi ko naman nagustuhan? Nagpapapansin?
Lumipat ang masamang tingin ko sa architect na ngayo'y naglalakad na sa gilid ko para umupo sa katapat kong upuan. Sinusundan niya rin ako ng misteryoso niyang tingin. His rare type of deep and complex eyes are sending shivers to my spine. Hanggang ngayon ay nakakapagtaka pa rin ang natural na curl ng eyelash niya. Lalong nagpadagdag sa pagkamisteryoso niya ang itim na itim na kulay ng munting bilog sa mata niya. Iba sa akin na kahit papaano ay kita ang kaibahan, the hues of my eyes are on its darkest brown color, ang sabi pa nila ay may gold fleeks pa ang paligid ng mata ko na hindi ko rin maintindihan.
The side of his thin lips rose. "Really?"
Bahagyang tumaas ang kilay ko. He wants confirmation that I have a bitter memory of my other nickname? Bakit? Hindi ba pwedeng um-agree na lang siya na hindi niya ako pwedeng tawaging ganoon? Siya nga hindi ko tinatawag sa kung ano mang pangalan niya.
"Yup. Call her Riya and... Oh, call me Benj, less formalities. How should we call you, Architect? Zane?" Si Benj yon. Sila lang naman ang nag-uusap. Nasaan ba kasi 'yong engineer?! Ang tagal naman!
"Yeah, just Zane," confirmed by the architect.
Nah, I prefer the most formal.
Maya-maya lang ay tumabi na sa akin si Benj pagkatapos niyang makipagchikahan kay Architect. "Bored?"
Tumango ako ng isang beses. "May work pa ako one hour and 30 minutes from now tapos babalik pa ako sa CMH. Anong oras ba darating 'yong engineer?"
"What? I thought you had a leave," bulong niya sabay baling sa kaharap namin. Mariing nakatitig sa aming dalawa sa Zane, he once caught my eye, but I rolled my eyes downwardly. "Anong oras darating si Engineer?"
"I haven't received any reply yet but I'm sure he's on his way," sagot niya sa mababang boses.
"Mahihintay mo pa ba?" bulong uli sa akin ni Benj.