Chapter 1: Samantha and Her Life

97.3K 2.4K 3.3K
                                    

Samantha's PoV:


"Thank you Samantha. Kita kits na lang uli." Arshen bid her goodbye to me while smiling. I nodded my head as answer. Mabilis ko na ring pinaalis ang driver nang tuluyan ng makaalis si Arshen.


She's really a great friend that I met in France. Kahit na hindi masyadong maganda ang mga dati naming pagkikita. Oh well, she can't blame me naman. I despise her kind eh. Tsk. Medyo nabawasan na lang ngayon dahil kaibigan ko sya.


While in the road, nakatuon lang ang atensyon ko sa labas. Wala naman masyadong nagbago sa Pilipinas. Mas lalo pang naging polluted ang air. Paniguradong mainit. Geez Mas lumala rin ang traffic. Hay nako.


Napailing na lang ako sa kawalan. It's been three years since I left the Philippines. At okay na okay naman ako don. I need that dahil kailangan kong magmove-forward, for the better.


Me and Alexander Del Fierro broke up and trust me, nasaktan din ako. Lalo na't sila pa rin pala ng ex-wife nya ang magkakatuluyan. Of course I loved him. Maybe, andon lang ako para ayusin sya. I don't want to call him by his name.


I'm trying not to sound bitter. Masaya na ako para sa kanya. Ayoko nang manira pa ng pamilya. Duh sa ganda kong to magiging kontrabida lang? No freaking way!


I heaved a sigh. I really wonder kung kelan ko mararamdaman na ako naman yung pinili. The one who'll stay until the end. Yung tanggap kung sino ako. Most especially my attitude and flaws in life.


I groaned in annoyance. Dapat ko nang tigilan ang pag-iilusyon. Wala ng ganong klase ng tao ngayon. This is not a fairytale.


"Ma'am are you okay?" I heard the driver said. Napataas naman ako ng kilay. Kelan ko sya sinabihan na magsalita?


"Yes. Not until you opened your goddamn mouth. Pwede bang manahimik ka na lang?" Masungit kong turan. In an instance, nakita kong tinikom nya ang kanyang bibig.


It's a good thing na sumunod sya kaagad. Mukhang alam na nya ang mangyayari if ever na hindi sya nanahimik. I'll fire his ass. Tss.


Hindi ko maiwasang mapangisi. I really love it when I'm in command. Yung tipong mapapasunod ko talaga yung mga taong nasa paligid ko. You can say na I'm a manipulative bitch but I don't care. Pakihanap ng paki ko.


We reached my house in no such time. The driver opened the door as he should be. Nagsimula na akong maglakad papunta sa loob ng bahay.


I scanned the surroundings and memories started to flash in my mind. Nakakamiss din palang pumunta dito. Kahit na marami akong bad memories.


Hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao. Sometimes, iniisip kong hindi ko kakampi ang tadhana. Napakarami na kasing nangyaring masama sa akin. Fuck it.


I forgot to introduce myself. Samantha Laurent is my name. 33 years old. Still hot and sexy as ever. I'm really gorgeous. Yung tipong pati boyfriend ng iba ay mapapatingin at mahuhumaling sa akin. Ganon ako kaganda.


Inieenjoy ko ang aking life. I love to play with anything. Most especially with the fire. If you know what I mean.


I started to make my way towards my room. Wow. Nakakamiss talaga. I still can't believe it that I'm already here.


"Ma'am andito na po sa labas ang mga gamit nyo. Gusto rin daw po kayong kausapin ni Mr. Laurent." I heard someone said mula sa labas ng pintuan ng aking room.


I opened the door at andito na nga ang mga gamit ko. I started to put my belongings inside. Ilang minuto ang nakalipas nang matapos kong ipasok ang lahat.


Crook the HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon