Zoey's PoV:
I bit my lips while staring at Samantha. Ramdam na ramdam ko ang tensyon na nagsisimulang mamuo sa pagitan namin. Her eyes are burning in rage and fury but still, ang ganda nya pa rin.
Ugh! Bakit ko ba sya cinocomplement? Aish.
I faked a cough. "Uhm.. Samantha sya si Love."
Ako na ang sumagot dahil from my peripheral vision, nakita kong parang nasindak din sa gulat si Love. Well kung ako ang nasa kalagayan nya, paniguradong ganyan din ang magiging reaksyon ko.
Tumalima sa akin ang tingin ni Samantha. At hindi ko maiwasang mapaatras nang makita ang nanlilisik nitong mga mata. Nakakatakot.
"Bakit ikaw ang sumasagot eh hindi naman ikaw yung tinatanong ko?" She exclaimed. "At talagang may endearment na agad kayo huh?!"
Nanlaki ang aking mata nang amrealize ang sinabi nya. Nako po, mukhang namisunderstood ni Samantha. Ang gara naman kasi ng pangalan ni Love. Paniguradong marami na ang nag-away dahil don.
"Samantha it's not what you——"
"Shut up Victoria!" She interrupted. Mabilis na tinikom ko ang aking bibig. Gosh. Now, she's calling me with my second name. Napapatiklop nya talaga ako. Ibang usapan na to.
Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa. Kahit na nanginginig, inilagay ko ang aking kamay sa kanyang beywang at marahang hinila sya papalapit sa akin.
Parang nakahinga naman ako nang maluwag dahil wala akong narinig na kung ano pa mang reklamo mula sa kanya.
"What are you doing here? Anong kailangan mo?" Samantha said in a harsh tone. Mukhang hindi kayang makipagsabayan ng tingin ni Love kay Samantha. Iniwas nya ang kanyang tingin at ibinaling iyon sa akin.
"Wala naman akong masamang intensyon. I'm new here at gusto ko lang makipagkaibigan." Love said confidently. "Lalo na sayo Zoey." Dagdag pa nya at kinindatan ako.
Mas lalong lumakas ang dark aura na nagmumula dito sa katabi ko. I looked at her and I can feel myself getting plae. She's gritting her teeth. Napakadilin ng kanyang expression. Umiigting ang kanyang panga at napakatalim ng mga tinging ibinabato nito kay Love.
Nakita kong itinaas ni Samantha ang kanyang kamay at akmang sasampalin nya na ito. I came back into my senses because of that. Mabilis na pinigilan ko ang balak ni Samantha.
"Sorry not sorry but bitch, leave us alone. Nakakaabala ka ng moment time namin ng girlfriend ko eh." Madiin turan ni Samantha. I'm still holding her wrist.
"And oh, laos na yang 'friend' kuno mo. Lumevel-up ka naman. For your information, we're in a relationship at mahal ako ng girlfriend ko."
Hindi ko maiwasang mapakagat-labi. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng kabog ng puso ko. Bakit parang ang sarap pakinggan nung sinabi nya? At bakit kinikilig ako?
Nakita kong napanganga si Love at nagsimulang magpalipat-lipat ang tingin nya sa amin. Mukhang nagulat sya.
"Zoey let's go." Maawtoridad na saad ni Samantha at nauna nang maglakad papasok sa loob. Mabibigat ang mga hakbang nya at mahahalata talagang galit sya.
I looked at Love. "Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Samantha." I said and gave her an apologetic smile.
"It's okay. Nagulat ako pero I understand her side. Mukhang selosa pala ang girlfriend mo Zoey." Natatawang saad nito.
BINABASA MO ANG
Crook the Homophobic
RomanceSamantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A gorgeous woman and a body to fantisize for. It's been a while since nakipaghiwalay si Alexander Del...