Chapter 13: First Date

53.4K 2K 1.1K
                                    

Zoey's PoV:


"So let's go Samantha."


Nakita kong napakunot ang kanyang noo. Halatang nagtataka sa aking tinuran. "Where are we going at para saan?"


"Magdedate tayo remember? Nakaayos na ako noh." I said in a duh tone. Ang ganda-ganda kaya ng outfit ko. Syempre marunong ako ng mga style.


"Argh. Ngayon na agad?" I can feel the frustration on her voice. I nodded my head. Oops. Hindi nya ata expected na ngayon na agad.


"Tsk. Wait me here, I'll just fix myself." She groaned at tumayo na mula sa pagkakaupo ng couch.


"Wag mo nang masyadong bonggahan. You're already beautiful baby." I said and winked at her. Nakita ko kung paano sya natigilan bigla. And gosh, pulang-pula ang kanyang pisngi. Parang kamatis sa pula. Is she perhaps blushing?


I chuckled with that thought. Pero hindi pa ako tapos magsalita. "Baka mapagmamalan ka nilang anghel. Pero sa totoo lang ay may pagka-demonyita ka talaga."


Nakita ko kung paano nagbago bigla ang kanyang expression. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. Uh-oh. She's glaring at me. Napakasama ng tinging ipinupukol nya sa akin.


But I just give her a mischievous smirk.


Oh well, medyo nagiging immune na ako sa ganyan. At kailangan ko talagang sanayin ang sarili ko sa gantong scenario. Aba, mukhang ilang araw at buwan pa kaming magsasama eh. It's a great experience though.


Padabog syang naglakad papunta ng kanyang room. Napailing na lang ako sa kawalan. Asar-talo. Pikunin pala ang isang yun hahaha. I'm gonna love teasing her.


Sinimulan kong igala ang aking paningin sa loob ng kanyang unit. More on, modern furniture na ang narito. Sinimulan kong maghanap ng picture ni Samantha. Meron naman akong nakita pero puro seryoso ang mukha nya.


Hayst. Wala ata sa bokubolaryo mg babaeng yun ang ngumiti eh. Speaking of, wala rin akong nakikitang family picture nila. I want to know kung kanino ba nagmana ang itsura at attitude nya.


After that, I used my phone at nagsimulang magscroll na lang sa Facebook. Pampalipas ng oras habang inaantay ko si Samantha.


Suddenly, isang post ang nakaagaw ng aking pansin.



Francine Mendez


I miss you V. Hope you're mine again.


Automatic na napaarko ang isa kong kilay. I frowned. Ano na naman kayang trip ng babaeng to? Pasakit lang sya sa ulo ko.


Francine Mendez is one the girls that greatly affected me. She's from my past. My first girlfriend. My first in everything. Pero sadly, nagfailed ang relationship namin.


Hindi naman sa pagiging assuming pero she used to call me Victoria. Kaya hindi ko tuloy alam kung para saan ba ang post nya yun.


Oh well kahit naman bumalik sya, I already have my eyes on someone and that is Samantha. Speaking of her, ano na na kayang nangyari sa kanya?


"Zoey can you come here?" She shouted.


"Yeah sure." I wonder why. Oh well, tsaka ko lang malalaman kung susundin ko sya. Mabilis na tumayo ako at naglakad papunta sa kanyang kinaroroonan.


Nakita kong nakaangat ng kaunti ang pintuan. But still, I decided na kumatok muna.


"Go on, pumasok ka na." And that's my cue. Dahan-dahan kkong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob.


Crook the HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon