Zoey's PoV:
"Okay class, I hope na nakapagreview ako. Don't worry, madali lang naman ang exam natin." Masiglang turan ko sa aking students.
I can see that they're somehow relieved. Nako, hindi naman sila maiistress kung hindi nagreview talaga sila. Since ayaw ko namam silang pahirapan, nilagyan ko na rin ng pagpipilian ang test.
"Thank you Ma'am Ganda. Ang bait-bait mo talaga." Saad ng isa kong students. Napailing-iling na lang ako sa kawalan. Sus. Sawa na ako sa pambobola nila hahaha.
"You may now turn back your paper, Timer starts now." After that ay nakita kong nagsimula na sila. Cinonnect ko rin sa TV ang cellphone ko para aware sila sa time.
While they're taking the test, taimtim na pinagmamasdan ko sila. "Remember guys, Cheating is a choice. Si Lord na ang bahala sa inyo."
I trust them. Panaka-naka ko lang silang sinusulyapan. Well, may ginagawa pa kasi ako. I'm recording those test papers from my other section na hawak ko.
Ilang minuto ang nakalipas at narinig ko na rin na tumunog ang aking timer. That means tapos na.
"Ballpens up guys! Times up." I said to them. I guess, lahat naman na sila ay tapos.
Pinagcounter-clockwise ko na muna sila. Ito ang gusto ko sa mga students ko. Madaling makasunod. After that ay pinacheck ko na sa kanila ang mga test papers.
"You may now go home. Class dismissed. Have a good day everyone." I said to them nang makulekta ko na ang lahat ng kanilang mga papel.
I gathered my things at nagsimula nang naglakad papunta sa aking office. Whoo! Buti na lang talaga at last class ko na yun. Ang sarap talaga sa feeling. Yung tipong makakauwi ka na sa bahay.
But still, that doesn't mean na tapos na ang trabaho ko. For the mean time, I do need a treat to myself. Isang Samant—— este isang food ang kailangan ko ngayon.
I quickly made my way towards the parking lot at pumasok sa aking sasakyan. Mabilis akong nagmaneho papunta sa isang Cafe shop.
Minutes later, I'm already here. Sa labas pa lang ay amoy na amoy ko na ang mabangong aroma ng mga product nila. Gosh. Nakakatakam.
Pumasok ako sa loob and I internally screamed nang mapagtantong kakaunti lang ang tao. Ayos. Mukhang may bago na akong tatambayan ah.
"Isang Large Macchiato at Glazed Doughnut."
"Coming up Miss Beautiful." Saad ng lalaki sa counter. Isang mapaglarong ngisi ang nakita kong nakapaskil sa kanyang labi. He even winked at me.
I just stared at him and smiled awkwardly. Is he hitting on me? O talagang friendly lang sya? Oh well, hindi naman kami talo since baka mag-espadahan lang kami.
Humanap ako ng table sa medyo tagong spot. Kitang-kita ko rin naman ang labas which is good.
Inilabas ko ang aking laptop at nagsimulang irecord ang mga papel na hindi ko natapos kanina.
Maya-maya pa ay may naramdaman akong isang presensya na papalapit sa akin. "Here's your order Miss. Enjoy your stay here." Still, yung lalaki pa rin sa counter ang mismong nagbigay sa akin ng order ko.
I just nodded my head as an answer to him. Mabuti na lang at umalis na rin sya agad.
I scanned my foods at isang note ang napansin ko.
BINABASA MO ANG
Crook the Homophobic
RomanceSamantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A gorgeous woman and a body to fantisize for. It's been a while since nakipaghiwalay si Alexander Del...