THE CLASH BETWEEN ME AND THE STRANGE GUY
sa bahay nila Hansel...
"wow! daming foods" sabi ko while opening the refrigerator.
hindi naman kasi ganun kadami ang pagkain sa bahay. kaya minsan gusto kong dito tumambay kila Hansel kasi lubus lubos sa biyayang pagkain. hahaha parang PG (patay gutom) lang eh no. well kaya nga kami magkakaibigan eh. maliban kay itally na masyadong conscious sa body figure niya.
"oooooy! tae ka ikaw na naman ang nandyan sa harap ng rep" sigaw ni Hansel na busy sa kakahanap ng movie.
"kunin mo yung flashdrive ko sa bag. may bago akong movie na nadownload"-ako
"fine pero lubayan mo yang rep namin, kalalagay lang ni mama yang mga yan" pahabol niya saka na niya hinalungkat yung bag ko.
syempre di ako makikinig sa kanya. pagkain kaya to. hanap hanap ng makakain. dami talaga. iba iba pa kulay. sa itaas banda ay may nakita akong isang ballot ng chocolate. danda ng ballot. dahil nga sa nagandahan ako eh kinuha ko at pagsara ko ng pinto....
"Ay puta ka!" sigaw na gulat ko.
"makaputa ka naman" saka niya pinunasan yung mukha niya. "tangek ibalik mo yan" saka tinuro niya yung hawak kong chocolate.
"damot naman neto" nginusuan ko siya. "guys oh! si Hansel may chocolate pala ayaw mamigay!" hingin tulong ko sa mga busy kong kasama na nanonood na pala.
"Hansel pagbigyan mo na yang bata total naman irereto mo siya sa kapatid mo" sigaw na sagot ni Camilla.
"tanga! expired na yan" masungit na singit ni Hansel.
ay putik muntik na kong mafood poison dun. eh teka bakit nandun pa yun kung expired na? tiningnan ko siya. pusa ang bilis nahablot na niya yung chocolate sa kamay ko.
alam ko na may alaala dun kaya ayaw pang itapon.
"yieeeeeh" sabay sundot sa tagiliran niya "sinong nagbigay nyan?"
ang gaga di ako pinansin. tapos may kinuha siya sa rep. toblerone.
"yan lamunin mo!" saka niya inihagis yung chocolate.
Problema nun. basta nalang niya kong iniwan dun. syempre dahil may mangangalngal na ko eh lumapit na rin ako sa kanila.
sa bahay....
gulay ang sakit ng katawan ko. mga bwiset ako daw ba ang pagtripan sa pillow fighting. di ba sila naawa sa katawan kong to. payat na nga ako eh ay di pala sexy. tapos ikot ikot ako sa salamin na malaki na nasa kwarto naming ni Nyang.
oo nga pala bakit wala pa yung batang yun.
"La!" lumingon si lola na nakaupo sa sofa at nanonood. "asan po si Nyang?"
"may practice daw sabi ni Yeye" tapos tinalikuran ulit ako.
sana pala di muna ako nauwi. ang boring dito sa bahay. mag-e-fb na nga lang ako ng may magawa. wala din naman kasi akong makukulit dahil wala dito si Carl. yung bunso kong kapatid. nasa school pa.
sa school ni Carl.....
"ate! ate!" sigaw niya nung paglabas niya.
ang hyper. siguro chuckie na naman ang ipinabaon dito. sinalubong ko siya ng hug with matching kisses. amoy baby pa din siya.
"ate! sabi ni Ma'am gaying gaying ko daw tapos tapos" sabay pakita ng kamay niya may star.
"galing naman ng baby ko" papuri ko naman sa kanya.
"ate unta tayo sa park" medyo bulol na sabi niya.
sa park...
narinig kong umiyak si Carl. puta sino kayang nagpaiyak dun. pagkatapos ay dali dali kong tiningnan siya. may lalaking nakatayo sa harap niya tapos sa tabi niya may batang babae. abat makakatikim talaga tong hinayupak na to sakin. ang ayaw ko pa naman sa lahat eh yung inaaway yung kapatid ko.
"why baby?" alo ko sa kapatid ko na hindi pa natigil sa pag iyak.
"huhuhu ate siya po" sabay turo sa lalaking nasa likod ko.
pagharap ko.... "anak naman ng patis kuya pati bata pinapatulan mo!" galit kong sabi.
"anong alam nyan" saka ko pinupunasan yung luha ni Carl na hindi maubus ubos "atsaka kung may away man sa pagitan nila malamang natural yun" nakakayamot talaga "pwede mo namang kausapin yung bata ng maayos eh bakit pa kailangan mo siyang paiyakin!"
tinitingnan niya lang ako "ano magsalita ka! anong ginawa mo sa kapatid ko?"
putsa nginitian lang ako. abat masasapak ko na to.
"chillax lang miss" awat niya "wala akong ginawa sa kapatid mo"
"oh eh anong pinupunto mo? na sinungaling tong kapatid ko"-ako
"lumapit lang ako kasi nadapa tong pamangkin ko" saka niya pinakita yung batang babae na tahimik lang na umiiyak. yung hikbi lang hindi atungal.
wew! ayun lang dinaig niya pa si Carl.
"natakot ata sakin yang kapatid mo eh" dagdag niya.
"ice cream! ice cream kayo jan!" sigaw nung mamang sorbetero.
"tara ice cream tayo" yaya niya.
"tao ako" masungit kong sabi.
i just heard na nagchuckled siya. totoo naman ah na tao ako. siguro di siya tao.
"here oh!" sabay abot niya sakin ng ice cream "para sa kapatid mo yan"
okay pahiya ulit ako. nyeta to ah nakakailan na. masasapak ko na siya.
magpigil bella!magpigil. magiging BI (bad influence) ka sa mata ng mga bata pati sa hinayupak na yan. nginitian ko siya yung ngiting aso.
"baby oh!" abot ko nung ice cream sa kapatid ko na kanina lang eh umaatungal sa ngawa.
after ng matagal tagal na pagtambay sa park eh napagdesisyunan na naming umuwi ni Carl. mukhang inaantok na din tong bulilit na to eh. niyaya rin kami ni Kuya na sumabay sakanila. syempre umayaw ako. eh mapilit pumayag din ako. hehehehe pahard to get eh.
"sige dyan nalang sabi ko ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin"
"baby! lika na andito na tayo oh!" sabi ko sa kapatid ko "ay pusa tulog"
"kaya mo ba?" nag aalalang tanong ni kuya sakin
grabe kuya porke payat ako di ko na kaya ngalingali kong sabihin pero syempre dahil sa nakisakay kami eh magbabait baitan muna ako "yup kaya naman"
nung makababa na kami sa kotse nila ay nagbabye sakin yung pamangkin niya. bait na bata. tapos ng paalis na sila binaba ni kuya yun side ng salamin ng kotse niya "drake" tapos saka siya kumindat. kapal kala mo naman natanong ko kung sino siya. saka na kami pumasok sa loob ng bahay.

BINABASA MO ANG
THE BITCHES BABY'S FIRST LOVE
Fanfictionisang bitch nainlove? pinakababy ng grupo, walang alam sa pag-ibig. pano naman kaya yun?