KILIG OVERLOAD
simula ng maganap yung aksidente na yun na kamuntikan kong ikamatay ay todo na ang pagbabantay sakin ni drake. sabi nila Hansel di daw yun magkamayaw sa kung anu ang gagawin niya sakin nung iahon daw ako ni jules sa tubig. nung time nga daw na yun ay para siyang hindi matae kasi hindi siya mapakali sa isang lugar.
buti nalang at magaling yung tour guide namin kasi alam daw nito yung pinaggagawa kaya heto ako at nabubuhay pa. ganun pala no kapag akala mo mamamatay kana. well sa susunod ayaw ko ng malunod, feeling ko kasi nabusog ako nun e. madami daw kasi akong nainom.
"kaibigan niyo rin ba yung tour guide?" tanong ko kay drake na busy sa pag aayos ng gamit niya.
"hindi" maikli niyang sabi
ang sungit naman ng taong to.
"ang sungit mo naman" sabi ko sa kanya
"hindi mo ba alam kung gano ako nag alala sayo" pagalit na sabi niya sakin
"gusto ko lang namang iligtas nun si Camilla kaso-"
"stop reasoning" singit niya. bastusan to ah, di pa nga ako tapos magsalita sinisingitan agad ako.
fine tatahimik na ko. kasalanan ko bay un. alam ko namang kayak o kaso ayun nga nagkacramps ako. sa layu ba naman ng nilakad namin.
napag isipan kong iwan nalang muna siya dun kasi baka mag away lang kami. alam ko namang concern siya pero shet, sana marunong siyang makinig. bahala nga siya. ugali niya asal e. di naman ako namatay atsaka hindi ako yung taong walang gagawin para iligtas yung kaibigan niya kahit alam namang niyang kaya niyang gawin yung bagay na yun.
natayo na ko para iwan siya kaso...
"sorry" sabi niya nung yakapin niya ko patalikod. para akong bato nun. di ako makagalaw.
"I just worried about you, hindi ko intension na saktan ka" saka siya bumuntong hininga. yung totoo lagi siyang ganyan. pinaglihi ata to sa buntong hininga e. pero wag ka, ngayon wew! kenekeleg ang lola niyo hahaha.
"nagagalit ako kasi wala akong nagawa para tulungan ka" dagdag pa niya.
waaaaaaaaaaah sweetness overload talaga tong pag ibig ko. kapag palagi siyang ganyan baka makasanayan ko.
"please! don't do that again, okay?" paninigurado niya. aba siguratista ang lolo niyo.
tumango lang ako bilang pagsang ayon sa sinabi niya. tapos iniharap na niya ko sa kanya at hayun kiniss niya ko sa forehead. waaaaaaaaaaaah! kinikilig na naman ako. tindi talaga nito kahit kalian. sa mga ganyan niya nagagawa na niya akong pakiligin lalo na kapag hinalikan na naman niya ko.
napapapikit ako sa ganung ideya e. kasi nga di ba yung pangalawa dapat e nung ayun nga nagtapat siya kaso ayun may epal... kiss ba yun? pagmulat ko nakita ko yung mukha niya.
O//////////////O
pusa yung dugo sa katawan ko napunta na lahat sa mukha ko lalo na nung minulat na niya yung mata niya. bigla tuloy akong nahiya att syempre pikit mata kong pinigil ang kilig ko baka kasi maihi ako, dim as kahiya hiya yun.
kinagabihan.....
"last day na natin bukas" sabi ni Hansel na parang ayaw pang umuwi
"oo nga e" sang ayon naman ni eiko
sus! mga ganyanan ng babaitang yan e alam ko na. pano di na niya makakasama si jules.
"e ikaw ba, may balak ka pa bang umuwi?" sabi ni Camilla sakin.
"o.. oo naman" nauutal nna sagot ko
"pano nag eenjoy kasi" dinig kong sabi n Itally
inggit kasi siya. wala si Macco dito kaya lakas makabitter e. si Hansel namn ayun mukhang masaya naman. di ba nga ayaw pa atang umuwi.
"may hahabol daw!" singit naman ni drake na nasa tabi ko lang. guys kinikilig ako kasi heto po magkahawak kamay kami.
"gwapo ba yan?" singit ni torri
isa pa tong bruhildang to e. makatanong naman kung gwapo akala mo lalaki na agad. teka lalaki ba?
"naman" confident na sabi ni drake sa kanya "sila may ari nito e"
aba yayamanin nga. panigurad gwapo yun. kaibigan ni hambog e.
"o ano na palang meron sa inyo?" tanong samin ni ate shine.
(A/N: sorry nowko lang pinagsalita yan si shine. busykasi sa jowa niya e. may kwento din sila. abangan!!!!)
"secret" sagot ni drake.
ang naging usapan namin kanina ay tungkol sa kung pano namin tatapusin ang araw bukas para daaw maging memorable. ewan ko nga kung bakit may hahabol pa e malapit na ang araw ng bakasyon namin dito
BEEEEEEEP! BEEEEEEEEP! BEEEEEEEEEEEP!
ano ba yan, magkakaibigan nga sila.ganyan din yung ginawa samin ni hambog nung sinundo niya ko sa school e. aawayin ko na nga sana kaso biglang may lumabas...
"ang laway" saway ni drake sakin atleast hindi na si Camilla. pano kakawawain niya yung mukha ko kapag kunwaring pinupunasan niya yun.
"yieeeeeeeh! selos" sabi ko naman. lakas ng loob ko e no. san ko nga ba nakuha yun?
"hi! sorry ha nalate ako" sabi nung bagong dating
tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa. aba gwapo nga pero mas gwapo naman tong nasa tabi ko..
"ayos lang pare!" sabi ni drake sa kanya "pare si bella, bella si brix nga pala"
"nice meeting you bella" tapos nakipagkamay siya sakin " baka may kaibigan ka pang kasing ganda mo din" saka niya ko kinindatan.
"pare, future girlfriend ko na yan" may warning na pagkakasabi ni drake dun sa lalaki na may pangalang brix
"fine pare, asan ang iba?" pagkatanong niya saka siya nagpalinga linga. hanggang sa mapako yung tingin niya kay..... sinundan ko yung tingin niya at nakita kong kay Camilla siya nakatingin.
exciting to.
"sakin ka lang tumingin" biglang singit ni drake sakin
napakaseloso naman ng hambog na to. di ba siya tiwala na siya lang. teka kami ba?
"I'll ask for a pemission and be my girlfriend" bulong niya. shit wag kang ganyan drake kinikilig na naman ako. sabagay palagi pala. asan na ba ang cr dito kasi kilig much ako. nasosobrahan na ko sa mga pakilig niya. waaaaaaaaaaaah! i lab it.
![](https://img.wattpad.com/cover/34022310-288-k246705.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BITCHES BABY'S FIRST LOVE
Fanficisang bitch nainlove? pinakababy ng grupo, walang alam sa pag-ibig. pano naman kaya yun?