SI MOMMY ANG SUMAGOT

106 2 0
                                    

SI MOMMY ANG SUMAGOT

grabe napakamemorable ng bakasyon na yun kahit ang dami naming namimis na mga lessons. sana talaga magtuluy tuloy na tong ganda ng kwento ko, ng love life ko. may mga bagong kaibigan din akong nakilala tulad nila brix at jules. buti nga pinakilala ni eiko yung jules na yun samin kasi ang tagal naming nakasama sa camp site di man lang namin alam kung bakit sila magksama ni eiko e. tapos si brix na may ari pala nung camp site.

"ano kayo na ba?" sabi ni Hansel na hindi mapuknat ang mukha sa ngiti.

"nino?"-ako

"asus! gusto talagang minemention yung pangalan" pang aasar niya.

"nino nga?" tanong ko ulit

hindi ko talaga alam kung sino yung tinutukoy niya.

"painosente pa" dagdag niya

syempre napaisip ako.

1

2

"ay adik, hindi pa no" sagot ko ng magets ko yung tinutukoy niya.

"hahaha, hindi pa no talaga ha!" saka siya tumayo at umalis.

pano andito kasi siya sa bahay. idinaan niya lang yung naiwan kong bag ng mga libagin kong damit. sabi niya kasi na ayaw niyang maglaba ng damit ko at baka daw makita niya yung panty kong ginaamit. o di ba ang dami niyang sinabi sakin.

"uwi na ko!" paalam niya "update mo lang kami kung kayo na"

"gaga" sabi ko ng paalis na siya.

wala kasi si carl dito kaya maaga siyang uuwi. umalis kasi sila mommy papunta kila tita. bibisita lang daw. sabagay wala namang pasok sila mommy dahil linggo ngayon. 

nang makaalis na si Hansel saka naman nagvibrate yung phone ko. nang tingnan ko si drake.

drake: hi! andyan na ba si tita?

me: wala bakit?

drake: punta ko dyan mamaya, pwede ba?

me: hahaha ipapaalam mo pa ba yan?

drake: baka kasi ayaw mo... kahit di ko siya nakikita feeling ko nagpapacute tong hambog na to.

me: arte ha!

ilang sandali lang din nung tumawag si drake sakin saka naman dumating sila mommy. buhat buhat niya ang tulog na si carl. halatang nagpakasaya na naman yun sa kakalaro.

"halatang di napagod mie ah!" bungad ko kay mommy

"naku! yang batang yan talaga, napakahyper" sabi ni mommy saka niya inilapag si carl sa may sofa.

"mie bibisita daw po si drake" paalam ko

"manliligaw mo na ba yun, nak?" tanong ni mommy ng mailapag niya si carls a sofa.

"mommy naman eh!" saka ko siya nginusuan. mommy talaga kahit kalian issue.

totoo naman kasing hindi siya nanliligaw sakin pero yung sinabi niya? hays! sigurado ineetchos lang ako nun. pano kaya kung... okay joke lang yun. assuming na nga di ba? i admit na nga po. pero oo nga pala bakit pala pupunta yun dito.

"e bakit ba pupunta yun dito?" tanong ulit ni mommy

"malay kop o, kayo nga hanap e" sabi ko "baka kayo po yung liligawan-AWWWW!"

"naku nak! kapag ako niligawan nung batang yun, baka mainggit ka" proud na sabi pa ni mommy

wew! kader kader naman yun. si mommy tapos si drake, shaks! di ko matake

"uyyyyyyyy! selos" sundot ni mommy sa tagiliran ko

TOK! TOK! TOK!

hala ayan na ata siya. kinakabahan ako e. ganyan lagi yung pakiramdam ko kapag malapit yung hambog a yun sakin. kung hindi ako kinikilig para naman akong kinakabahan. di ba adik lang, pero sabi ng iba natural lang daw yun.

"siya ako ng magbubukas"-mommy

pagbukas ng pinto... "good eve po"

"o hijo!" mommy tapos tiningnan ako saka niya ko nginitian.

ge lang mie mang asar ka pa. nahawana rin siya kay Camilla , lakas talaga ng topak nitong si mommy.

"here tita" sabay may iniabot si drake kay mommy.

isang teady bear tapos may dala pa siyang foods i think cake ata yun e. wow! para ata lahat sakin yun ah sabi ko sa loob loob ko.

"sorry nak, sakin daw to" bulong ni mommy sakin ng dumaan siya sa harapan ko.

"sige hijo pasok ka, alam ko namang si bella ang pakay mo e" sabi ni mommy ng lingunin niya si drake na nakatayo lang sa may pintuan namin.

parang nahihiya na lumapit sakin si drake. aba ang kapal ng mukha sakin talaga tumabi e pwede naman dun sa isnag sofa na kaharap ko.

"hi!" bati niya

"who you?" masungit kong sabi. paasa kasi, akala ko sakin yung teady bear kaso kay mama pala. nakakapansin na ko sa kanya e. nung una si nyang ang may teady bear tapos ngayun si mommy na.

"outch! sungit"-sya

ang manhid naman nito.

"ahmmm tita" tawag niya kay mama na busy sa pag aayos nung pagkaing dala niya

"bakit hijo!" mommy tapos tiningnan niya si drake.

"can I ask your permission mam?"-sya

"o biglang napamam ka?" tanong ni mommy

"pwede ko po bang maging" tapos tumigil siya.

heto na po kami. ano kayang ihihingi niya ng permiso. peste patense naman tong unggoy na to.

"anong maging bay un hijo?" mommy na nag aantay din ng sasabihin ni drake

saka naman tumayo si drake "maging girlfriend po"

OMG! OMG! OMG! eto na nga bang sinasabi ko e. this is it, heto na. narinig ko na waaaaaaaah! feeling ko lulubog na ko sa kinauupuan ko sa kilig. asaaaaaaan yung cr, kailangan ko na talagang magcr naiihi na ko. napatakbo tuloy ako sac r. totoo naiihi na ko.

"oo naman" dinig kong sabi ni mommy

anak naman ng patis pati ba naman sarili kong ina ibinenta ako. feeling ko wala na kong palag. pero hahaha gusto ko din naman e. syempre pakipot ang lola niyo. ganun ganun ba agad.

"naku! gusto ka din nun" sabi ulit ni mommy

taragis. binuko pa ko e hindi ko pa naman sinasabi sa kanya. totoo bang mother knows best ganun pero pusa. mommy naman sana hindi ngayon.

"mommy naman" saka ko siya niyakap.

"o bakit?"taka niyang tanong "dyan na nga kayo"

pusa nahiya ako dun ah. mommy talaga pahamak kahit kalian e. ayan di tuloy ako makatingin.

"ang bait talaga ni mama" si drake na feeling ko nakatingin sakin

tama ba yung dinig ko na tinawag niyang mama si mommy.

"mama?" ako na puno ng pagtataka

"pumayag ang mama mo na maging tayo na" pang iiba niya ng topic

"huwaaaaaaaat!"-ako

tapos nginitian lang ako ng hambog na to. ayan na nga bang sinasabi ko nagcr lang ako heto na, magiging mag..mag...magboyfriend girlfriend na kami. mommy naman mas excited pa sakin. nasuhulan lang ng pagkain at teady bear ako na anak niya pinamigay niya agad. di kaya ako naging ready. magpapakipot pa dapat ako e kaso ayan na.

THE BITCHES BABY'S FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon