MAGLAWAY KA SA GANDA KO
3 days na din simula nung mangyari yun. Di ko na siya tinext, tinawagan, at pinansin. Sabi nila Hansel hinahanap niya daw ako sa school. Kung dati sinusundo niya ko ngayon di na ko nagpapasundo kasi maaga na kong pumapasok. Lagi nga akong maagang pumasok at maaga na din akong umuuwi o kaya tatambay nalang ako kila Hansel kasi paniguradong pupunta siya sa bahay. Tulad nalang nung minsan.
FLASHBACK...
"nak andyan si drake, lalabasin mo ba?" mommy tapos nilapitan niya ko
"pakisabi po pagod ako, madami kasing ginawa sa school e" sabi ko pero palusot ko lang naman yun
"ikaw bahala" tapos iniwan na ko ni mommy.
"naku hijo, ayun pagod e kaya maagang nakatulog" sabi ni mommy sa labas. Naiiyak na ko kasi namimis ko na siya e pero ayun nga ang masaklap na katotohanan ng buhay ng tao. May mahal nap ala e bakit naghanap pa?
END OF FLASHBACK....
Ayaw ko ng closesure bahala siya. Atsaka di naman niya kailangan nun total naman e sinabi naman niyang nag antay siya dun sa babae. Siguro yun yung babaing nasa album. Anyway lilipas naman siguro to.
Kakamoment ko di ko napansing nagvivibrate yung phone ko. Pagtingin ko naka 20 miscalls na. nang tingnan ko galling karamihan kay drake. Tapos kay Camilla at Hansel. Nagring ulit. Si Hansel.
Me: hi! Bakit? Importatnteng mahalaga bay an?
Bungad ko agad sa kanya. Nasa bahay lang ako nun kaya walang magulo kasi gumala sila mommy at nagpaiwan ako. Magsesenti kasi ako. Minsan lang to kaya pagbigyan niyo na.
Hansel: sunduin kita, urgent
Magsasalita na dapat ako kaso binabaan na ko ng bruhilda.
After ng mga mahigit 20 minutes e dumating na sya... pagod na pagod at hingal na hingal pa. pinagpawisan e.
"hays! Bihis *hinga* ka na *hinga* daliiiii" putol putol na sabi niya.
Grabeng urgent naman nun kaya ayun nagbihis na ko.
Pagpasok sa sasakyan niya e agad niyang pinaharurot. Bongga karerista ata to ah. Pero ayaw ko pa ring madeds no kaya kuntodo kapit ako sa seatbelt ko. Gusto ko pang mabuhay no. kahit broken hearted ako, hindi pa naman ako nawawalan ng pag asa e.
Sa venue na pinagdalhan sakin ni Hansel ang daming tao. Anong meron dito at dito niya ko dinala.
"good at may nakuha ka hija" bungad sa kanya ng isang babae
"opo, bahala na kayo sa kanya" sabi ni Hansel na hinihingal pa rin
Okay ano ba tong pinuntahan naming. Wala akong alam. Nagsesenti lang naman ako sa bahay tapos ngayun dadalhin niya ko dito. Ano bang gagawin ko dito.
"uyy! Bakit tayo andito?" tanong ko tapos nagpalinga linga ako
"magmomodel ka, sub lang naman" sabi niya
"seryoso?"-ako
"hindi joke lang kasi sinundo kita tapos andito na tayo sa venue kaya joke lang" pamimilosopo niya
"hindi ako marunong" sabi ko nalang sa sinabi niya
"silang bahala sayo" confident na sabi niya
"baka naman napakadaring ng gagawin namin" nag aalalakong sabi.
Gosh! First time ko to tapos ipapakita agad yung katawan ko sa madla. Alam kong masyado akong maganda pero di naman kailangang ipagngalandakan sa publiko.
"aarte pa ba?" tanong niya "opportunity to"
Sabagay may point siya.
"para mabayaran mo yung binili nating damit" dagdag niya
Saka ko naalala yung binili namin nung nakinig kami sa usapan nila drake.
"AWWWW!"
Binatukan ko nga. Pinaalala pa kasi e.
"tara nap o, mag-i-start na kasi e" sabi nung staff. At nung papunta kami, putanes naman. Speaking of the devil talaga. Siguro napansin niyang may nakatingin sa kanya kaya paglingon niya nakita niya ko. Inirapan ko nga. Its time na siguro.
Maglaway siya.
"nice shot" sabi nung photographer sakin "okay show me you're the best post"
Ginawa ko naman. Inspired ako e, may nanonood kasi, maglaway kang hinayupak ka.
"okay, break muna tayo, yung susunod naman" sabi niya
Pag upo ko inayusan ulit ako. Pusa ako ba to? Tapos tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga. Pagtingin ko sa kinukunan, pusa sila pala. Punyeta talaga.
"di ba sila yun?" sabi ni Hansel sakin tapos inginunguso niya sila drake na nagpipictorial na.
"so yun yung babae?" walang emosyon kong sabi.
Tumango lang siya.
"may shoot pa di ba?"-ako
Tumango ulit siya.
"may kasama nab a ko mamaya?" tanong ko ulit.
Tinanguhan na naman niya ko.
"bakit ka ba tangu ng tango dyan?"
"kasi... kasi.. ayun oh" tapos inginuso niya yung kinaroroonan nila drake.
Ang sweet nila. Sila na ang bagay. Sila na talaga. Naku gusto ko na talagang manapak.
Bella magpigil mamaya kung anong isipin nila sayo, dapat behave pagpakalma ko sa sarili ko.
After an hour kami ulit ang tinawag. Nakita ko yung makakasama ko sa shoot. Di na masama, may itsura naman so pwede na. akala mo ikaw lang magkakapartner. Mainggit ka dyan.
Tapos ang daming post na pinagawa samin. To the point na dapat magkalapit na kami ng mukha nung kapartner ko. Syempre kabado ang lola niyo. First time tong mga pinaggagawa ko.
"relax" sabi nung kapartner ko "focus"
Ginawa ko naman yung sinabi niya. So ayun maganda naman ang kinalabasan. Natapos namin yung photoshoot ng maayos. Nag offer pa nga sila sakin na kung gusto ko daw bang magmodel e open arms daw nila akong tatanggapin kasi mabilis daw akong matuto.
"taray! Kung kasing payat mo lang ako, din a ikaw ang kukunin ko" sabi ni Hansel na parang nanghihinayang "ayos lang din na ikaw kasi hahaha tulo laway niya e"
At paglingon ko. Nakita ko si drake na papunta samin.
"speaking of the devil na makapal ang mukha" sabi ni Hansel saka ako tiningnan.
"can we talk" sabi niya sakin
Di ko pinansin kasi busy ako sa pag aayos nung damit ko. Binigyan kasi nila ako ng isang pares na damit. Di nga urgent so yung damit na nasuot ko e parang pambahay.
"busy ako" sabi ko ng hindi ako tinitingnan.
"bakit mo ba ako iniiwasan" sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/34022310-288-k246705.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BITCHES BABY'S FIRST LOVE
Fanfictionisang bitch nainlove? pinakababy ng grupo, walang alam sa pag-ibig. pano naman kaya yun?