DREAMING ABOUT MY DREAM GUY
"hays! buti pa si Nyang haba ng hair" sabi ko habang nanonood ako ng empress ki.
buti pa siya may Togon na may Wang Yu pa. eh ako nga nga. ako nalang ata ang walang jowa saming magkakaibigan eh. ay hindi pala si Camilla single ngayun pati rin pala si Hansel.
ano bang feeling ng magkaboyfriend? sabi nila may spark daw. ang corny naman nun try nilang dumikit sa post eng meralco yung may transformer ewan ko lang kundi bonggang bonggang spark ang mararamdaman nila dun.
naalala ko tuloy yung nirereto ni mommy sakin...
FLASHBACK..
"nak kung magkakaboyfriend ka nalang din naman eh si Eugene nalang" sabi ni mama habang nagluluto.
"Mommy naman" saka ako ngumuso "malayong kamag anak natin kaya yun no! atsaka hindi siya ang gusto ko kasi yung gusto ko may magandang mata, maputi tulad ko medyo malaman para masarap yakapin tapos tapos...-AWWW!" sabay kapa sa ulo kong tinuktukan ni mommy.
"mag aral ka muna total ayaw mo naman kay Eugene" saka niya pinagpatuloy yung pagluluto.
END OF FLASHBACK
kakaloka yung nanay ko e. ireto daw ba ako sa kamag anak namin. di na siya naawa sakin. ang gusto ko lang naman eh yung taong gusto ko din. malamang alangan gustuhin ko yung taong ayaw sakin.
nagugutom ako. pagtayo ko ... "woawww!" tapos may kumapit sa binti ko
"ay pusang inamoy!" saka ako nagtatalon talon.
"hahahaha ang panget mo ate hahahaha itsura eh no hahahaha" saka siya napapahawak sa tyan niya sa kakatawa.
aba masaya kang bata ka. teka nga at masampulan kita "AWWWW! HU SAKIT NUN ATE AH!"
"sino bang nauna?" nakapamewang kong sabi.
"ikaw!" -sya
"anong ako eh nanonood lang naman ako kanina?" paliwanag ko.
hanggang sa nagharutan na kaming magkapatid. himala nga at maaga siyang umuwi ngayun. dati dinaig niya pa ako sa oras ng uwi ko. saming magkakapatid ata ay siya ang pinakacompetitive sa lahat ng aspeto na tungkol sa school compared sakin na easy easy lang para iwas hassle.
"oh! tama na yan" tawag ni lola samin "kakain na"
dali dali kaming umupo at maganang nagsalu salo sa tanghalian. mamayang mga 3 ng hapon ko pa susunduin si Carl. kapag maaga akong umuuwi at walang gala ang tropa I mean ang mga kaibigan ko ay ako ang natotoka sa pagsundo kay Carl.
naalala ko tuloy nung minsang sinundo ko siya at dinala sa park. pusa muntik pa kong mapaaway. buti yung... ano nga ulit yung pangalan ng hambog na yun. recall. recall. recall. ay peste di ko matandaan.
kung tatanungin niyo ko kung pogi ba siya o hindi, di ko din alam. wala akong time nung mga panahon na yun na titigan siya dahil nag iinit ang ulo ko.
pasama kaya ako kay Hansel tutal wala naman siyang ginagawa ngayun.
Hansel tara samahan mo ko. sunduin natin si Carl mamaya- send
alam ko namang hindi niya yun mahihindian.
tutut! tutut! tutut!
oh walang pakilamananan yan ang ringtone ng notif ko.
sorry bella nasa principal's office ako ngayon eh. gusto ko mang sumama kaso eto nga. next time nalang -message niya
ayun lang. panigurado sa kambal niyang kapatid na naman yun. mga dakilang pasaway din kasi, sabagay mana mana lang sila.
sige ayos lang- send
so ako nalang talaga ang susundo kay Carl. sabagay ngayon ko na naman ulit yun masusundo eh. sana naman walang eepal na naman eh.
after an hour...
"ate what time mo susunduin si Carl?"- Nyang while eating her finger joke kumakain siya ng fries.
"teka! san ka nakakuha ng fries?"
"luto ni lola" sabay subo ng daliri niya na hinimud himud niya.
"pengeeeeeeeeeeeee!" tapos hinablot ko sa kanya yung bowl ng fries. pagtingin ko... tae wala na.
"hahaha sorry ate late kana" tapos lumabas na siya.
lumabas ako para tingnan kung meron pa. kaso sabi ni lola wala na daw. nanlumo ako kasi nagkacrave ako sa fries. binuksan ko yung rep kaso wala akong nakitang makakain na sasapat sa taste ko. well choosy talaga ako. naalala ko tuloy yung rep nila Hansel. daming foods di tulad dito daming foods nga di ko naman gusto.
sa school ni Carl....
"peste akala ko hindi na mainit" reklamo ko habang inaantay ko si Carl sa gate ng school nila.
"ateeeeeeeeeeee!" tuwang tuwang sabi niya habang papunta sakin.
pinaghahalikan niya ko sa pisngi, sa ilong, sa noo, sa baba, at kung saan saan pa na ikinatuwa ko. syempre hinalik halikan ko din sya. ang cute cute kaya ng kapatid ko. lahat kami may kanya kanyang kulay ng mata. ako kulay brown tapos sin yang may pagkapink daw sabi ni Eiko at si Carl naman na may kulay gray. siguro namana naming yun sa mga kanununuan naming. basta yun nay un.
naramdaman ko nalang na may nabangga ako. naghaharutan kasi kami ni Carl.
"sorry po" hinging paumanhin ko. syempre nakakahiya naman kung di ko gagawin yun. nabalahura ko na nga tapos di pa ko magsosorry e di ang labas ko nun ang sama ng ugali ko. ganers.
pag angat ko ng ulo ko. shocks!
"ikaw na naman!" gulat kong sabi. pusa kakadaydream ko lang kanina sa taong gusto ko siya pang nakita ko. hays whatta small world.
ngumiti siya. "long time no see" infairness ang cute niya. pantay din ang tubo ng ngipin. galing naman nun. pano kaya ginagawa yun. at teka! ang pogiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! nya pala. ooooops! sorry medyo makire.
tpos..."o ang bibig isara, alam ko namang nastar struck ka sakin eh" confident na sabi niya.
"AWWWWWWWW!"
*BLEH*
tinapakan ko nga sa paa. ang yabang eh. "tara na nga baby, uwi na tayo ang hangin masyado dito" saka ko hinatak pauwi si Carl. wala na kong paki kung tirik ang araw punyemas naman kasi sa panahon ngayon ang kakapal na ng mukha ng tao.
pero ang pogi ha! anu ba tong iniisip ko. erase. erase. panget na idea yun bad thoughts erase erase talaga. makauwi na nga lang tapos ikakain at itutulog ko nalang to. nanakakaabno eh.
BINABASA MO ANG
THE BITCHES BABY'S FIRST LOVE
Fiksi Penggemarisang bitch nainlove? pinakababy ng grupo, walang alam sa pag-ibig. pano naman kaya yun?