NASAKTAN AKO, WAG MUNA NGAYON

74 1 0
                                    

NASAKTAN AKO, WAG MUNA NGAYON

simula nung kunin akong model ng kakilala ng tita ni Hansel ay palagi na kmaing nagkikita ni drake. maglaway siya sa ganda ko. di man ako masyadong biniyayaan ng hinaharap, bawing bawi naman sa taglay kong ganda't alindog. ansabi ng alindog ko dun.

"musta ang love life?" nakikibalitang sabi ni ate shine.

"ayun nganga" totoo ko namang sabi

"yan na nga ba tayo e, yung ganung mukha di yun pinagkakatiwalaan" dagdag niya.

minsan lang makiusyoso yan sa lab layp ko tapos eto pang mababalitaan niya. nakakalungkot kasi nga di ba una kong boypren yun tapos hayan na naloko na ko. ayos na din na hindi kami nagtagal.

"sinong nakipagbreak?" tanong niya

"walang break na naganap" sabi ko

hindi na yun kailangan kasi narinig ko na. malinaw pa sa sinag ng araw yung nadinig ka kaya wala ng closesure closesure ek ek. atleast may maganda namang dulot yung nangyari na yun samin. nagkatrabaho yuloy ako.

"ayus lang yun ate shine, atleast ngayun may trabaho na ko" nakangiti kong sabi.

"totoo ba yan?" tapos sinipat sipat niya yung mukha ko "okay sabi mo e"

tapos nun e iniwan na niya ko. so ako na naman ang naiwang mag isa dun sa upuan ko. wala pa sila Hansel, Camilla at Itally. may ginagawa ata sila torri at eiko kasi di ko sila masyadong nakikita at nakakausap. sabagay hindi naman to parang frat na kailanagan updated yung mga kamiyembo.

"nag iisa ka ata, bitch?" bungad ni irish sakin

naku may hilaw na labanos na naman sa harap ko. makalabanos naman ako parang ako hindi din maputi. pero mas maputi kasi tong hitad na nasa harap ko e. di ko nalang pinansin kasi nga ayaw ko na naman ng suspension.

"himala ang tahimik mo, ano dahil ba wala kang back up?" dagdag niya sabay tingin sakin ng nakakamatay.

sige lang magsalita ka lang ng magsalita. hindi naman ako yung mapapagod. sayang lang energy ko kapag nakipagsagutan pa ko sa taong to.

"hey! are you listening?" tapos hinatak niya yung buhok ko.

masakit yun ah. isa pang hatak ingungudngod ko na siya sa sahig. antay antayin niya lang.

"hey! bitch"

aba pota sumusobra na to ah. yamot na ko sa babaing punyeta na to. plastic na nga nagpapakabossy pa. teka at masampolan.

PAK!  

"para yan sa pananahimik ko" 

PAK 

"yan naman ay para sa panghahatk mo sa buhok ko" 

PAK 

"para naman tumahimik ka na"

saka naman dumating yung prof namin na kasabay nila Camilla. mukha kasing may pinag uusapan sila. si irish ayun parang aso na napalo kasi bumalik siya sa upuan niya na sapo sapo ang mukha niyang binigyan ko ng mag asawang sampal na may kasama pang anak. namula tuloy yung kutis niya na dapat talaga kasi punyeta siya.

nanahimik ako tapos hayan ang gagawin niya sakin. bitch is a bitch tandaan niya yun. nakita ko ngang naluha ang loka. sa lapad ba naman ng mga daliri ko ewan ko lang.

class dismissal na so pwede na ulit akong umuwi.

"uwi kana?"-camilla

tinanguan ko lang siya.

"baka bawiin mo yan kapag nakita mo yun" sabay turo kay drake na mukhang kadarating lang.

shit! ayaw ko ngang makipag usap sa kanya e. hirap ba yung intindihin? di na nga ako nanggugulo tapos hayaan siya at idadamay na naman ako.

"ampota! itago niyo ko" sabi ko kila Hansel.

di ko na inantay yung sasabihin nila kasi nagtago na ko sa likod nila. hindi naman ako ganun kalakihan kaya nakapagtago naman ako sa likuran nila.

heto na naman po yung pakiramdam ko na kinakabahan. tapos nagpapalpitate na naman ang puso ko. punyetang puso to ayaw pang madala. kung pwedeng dukutin ang puso, ginawa ko na.

"hi girls, si bella?" dinig kong tanong niya sa dalawa

"tanong mo sa sarili mo" sagot ni Hansel. pilosopo talaga tong babaing to

"ahmmmm asa... ahmmmm asa, di ko alam e" sagot naman ni Camilla

"please! sabihin niyo naman na oh" pakiusap niya "hindi ko alam kung bakit siya biglang umiwas sakin ng walang dahilan"

"sus! walang dahilan. di mo na kailanagan pang pumunta dito at ipamukha sakin yung taong matagal mo ng hinihintay kasi dumating na siya. nakausap mo pa nga e. best actor talaga tong hambog na to. manigas ka di kita kakausapin" bubulung bulong kong sabi.

"please girls I really need to talk to her" nagmamakaawa na niyang sabi.

parang napaka unfair naman tong ginagawa ko sa kanya pero... di nga nya nabanggit sakin yung tungkol dun e. tapos andito siya para ano? gawin akong tanga.

"wala nga siya atsaka pumunta ka na dun sa girl of your life baka inaantay ka na" taboy ni Hansel sa kanya

go Hansel! please paalisin niyo na siya. ayaw ko muna siyang makausap.

"alam kong asa likod ka lang nila" dinig kong sabi niya. "please talk to me, miss na kita"

feeling ko bibigay na ko. pero ayaw kong marinig sa kanya na ayun nga. bumalik na talaga yung taong mahal niya talaga. wag muna ngayon. kung closesure wag muna ngayun. maawa siya. ihahanda ko lang yung sarili ko dun kung yun talagayung gusto niya.

so nagdecide na kong umalis sa likuran nila Camilla. nakakangawit din kasi ang yumuko. parang sa love kahit anong pagtitiis mo at pagpapasensya mo tandaan na laging may hangganan. wew! ano daw?

"wag muna ngayun" lakas loob kong sabi sa kanya "tara na girls, may lakad pa ko"

"please yats, I really miss you. ayusin natin to" dagdag niya.

naramdaman ko nalang na hinawakan niya ko sa braso ko at inikot paharap sa kanya. sabay isang mahigpit na yakapa ang tinangggap ko mula sa kanya. namiss ko to pero sa twing iisipin kong hindi naman ako yung mahal niya na hinintay niya ng matagal mas pipiliin ko nalang na masaktan na ngayon kesa naman sa patagalin ko pa.

"please, pag usapan natin kung ano man yung problema na yun, hindi yung ganito na maiiwan lang ako sa ere ng hindi nalalaman kung anu yung dahilan" pakiusap niya sakin.

"wag muna ngayun, please I need space" saka ako kumalas sa yakap niya.

THE BITCHES BABY'S FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon