SHARING WHAT HAPPENED TO ME
sa school nadatnan kong nagdadaldalan sila Eiko at Ate Shine. malamang sa mga lab layp na naman nila. edi sila na may lab layp ako ng wala.
pagkaupo ko nakita kong may ginagawa si Hansel. mukhang busy kaya di ko na inabala. si Camilla naman e wala pa. siguro late na naman siya. well don't dare to mention si Itally. paano palaging late. napakalayo kasi ng bahay niya sa school. nag offer na nga kaming isa saming mga bahay bahay siya makitulog. kaso ayun nga ayaw kasi baka daw itakwil siya ng tatay niya.
magdadaydreaming nalang ba ako palagi? habbit ko na ata to eh. ang matulala tapos mag-i-imagine ng kung anu ano. hindi naman siguro masamang mangarap ano? hanggang sa..
Nyang calling...
pinidot ko ang answer button. "hello!"-ako
"ate! may gwapong nilalang dito sa bahay dinaig pa ang intsik sa panliligaw" tapos narinig ko yung impit na tawa ni Nyang.
pesteng bata to ang aga aga makakire naman wagas.. "sino bang hinahanap?"
"ikaw daw"
nagtaka ako. panong ako eh wala naman akong kilalang gwapo.
"eh bakit ako?"
"malay!.. teka tatanong ko" tapos parang nilayo ni Nyang yung bibig niya sa phone "KUYA SINO KA DAW SABI NI ATE"
ay adik lang to makasigaw wagas tapos ang malupit hindi naman kilala pero pinapasok nila sa bahay. aba talagang may diskriminasyong nagaganap sa bahay. pinakinggan ko lang ulit.
"hello ate!"-sya
"oh!"
"Drake daw pangalan"-sya
napatango ako. kala nakikita ako ni Nyang eh no. yung hambog sa park pala. e teka pano niya nalaman kung san ako nakatira. saka ko naalalang inihatid niya pala kami ni Carl sa bahay nung una naming pagkikita.
"ate! ate! ate!" tawag ni nyang sa kabilang linya
"ANO!" masungit kong sabi
"sunduin ka daw niya" saka tumawa si nyang.
"abat! sabihin mo sa kanya sasapakin ko siya" saka ko narinig ang TUT! TUT! TUT! TUT! anak ng kalabaw binabaan daw ba ako ng telepono. yari talaga sakin si Nyang.
"itsurang yan" sabi ni Camilla na mukhang kararating lang
"pano si Nyang binabaan ako" with matching nguso yan habang nagsusubong sa kanya.
"nguso mo" sabi niya "oh anong meron dun?"
"pano sinabi daw ni Drake na susun-" di ko na natuloy kasi hindi pa pala nila alam.
tapos napatingin ako sa kanya may-di-ka-sinabi-look ang nakita ko sa itsura niya. ayan na nga ba sinasabi ko eh. ako mismo naglalaglag sa sarili ko e.
"waaaaaaaaaaaaah! Camilla" tapos yumukyok ako sa desk ko.
"wala pa nga akong ginagawa umiiwas ka na?" sabi niya sa seryoso niyang tono.
peste talaga. makokotongan ko talaga si Nyang mamaya.
"may dapat ba akong malaman?" tapos tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. ayan na nga ba sinasabi ko eh maha-hot seat na naman ako. nakakailan na nga ba akong nagaganun yung mahot seat. kayo ah naiisip niyo readers.
"ah...eh...kasi" tapos napapakamot ako sa ulo ko na hindi naman makati
"ano nga?"-sya
mommy asan ka na sabi ko sa loob loob ko. sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayun pa. aru juice ko day! may bangs. pinagpapawisan ako ng malamig daig niya pa ang terror teacher.
"kasi ganito.."
"ano nga?" singit niya
"patapusin mo muna kasi ako" sabi ko
"sorry naman, naeexcite lang" sagot niya "the floor is yours"
"kasi ganito yun...."
"sa park"... pagsisimula ko nung kwento "kasama ko si Carl nun para dun maglaro total tapos na ang klase niya eh may free time pa naman kami so ayun nagdecide nga akong dun siya dalhin. nang marinig ko nalang na umiyak si Carl. syempre dahil ate ako pinuntahan ko siya para tingnan kung bakit siya umiiyak at ng pagpunta ko may nakita akong lalaking nakatayo sa harap niya. may kasamang batang babae. sinugod ko. potik kapatid ko yung inagribyado so kailangan ng resbak. medyo may pagkawar freak pa naman ako lalo na kapag tungkol sa mga kapatid ko. inaway ko yung lalaki na nandun. ang dami kong dinakdak kasi nga ang tanda tanda na pumapatol pa sa bata. tinanong ko kasi si Carl kung bakit siya umiiyak kaso tinuro niya lang yung lalaki tapos ayun umiral ang pagiging bungangera ko. inaway ko ng inaway yung lalaki hanggang sa sabihin niyang yung pamangkin niya talaga yung pakay niya na nakita niyang nadapa kaya dali niyang kinuha yung batang babae na nasa gilid niya at tahimik na umiiyak. syempre napahiya ako kaya ayun tumahimik ang lola niyo kadadada. tapos ayun medyo naging close siya sakin. siya lang hindi ako kasi sinusungitan ko siya. hinatid pa nga niya kami ni Carl samin tapos ayun nga sabi ni Nyang asa bahay daw siya at balak akong sunduin ngayon" pagkukwento ko.
nakita kong natango lang si Camilla. tapos saka naman dumating si Hansel na may dalang pagkain. madame.
"oyyyy! penge" sabi ko.
"tae mo na! gutom ako" sagot naman niya saka inilayo yung pagkain sakin.
"kaya ka tumataba eh"-ako
inirapan niya lang ako.
"di ka pa ba nasanay dyan?" singit ni Camilla
hays basta nga pagkain talaga sa taong yun kedamot damot.
"gutom eh"- Camilla
tumango tango lang ako saka ulit ako nag isip. papasundo ba ako? hays para naman akong nililigawan oh e kaso hindi naman.
"oh! iniisip mo yung suitor mo?" Camilla na may nang uusig na mata. wew! usig talaga.
"hindi naman ah"-ako
"labas sa ilong ah!"-parang nang aasar na sabi niya
ay naku ayaw ko talagang nakakaharap tong si Camilla eh. yung tipong aware ka na nag uusap kayo tapos magugulat ka nalang na ayun na nahuli ka na ng hindi mo namamalayan. ewan ko ba kung pano magsisinungaling sa taong to. (sabay iling unconsciously)
"nung iniiling iling mo dyan?" - Camilla
"wala"-ako
BINABASA MO ANG
THE BITCHES BABY'S FIRST LOVE
Fanfictionisang bitch nainlove? pinakababy ng grupo, walang alam sa pag-ibig. pano naman kaya yun?