T33

22.6K 529 29
                                    


Heres the update. Hope you enjoy reading this guys.. Thank you!!

**************

Darkus Kingdom

"Yuri, I want that girl named dev to be in our side. Take her to me or make my son to take her to us."

"Yes, Queen Iranea." yumukod muna ang lalaki bago umalis sa harap ng reyna.

Reyna Iranea ang babaeng namumuno sa Darkus Kingdom. Ang Darkus Kingdom ang isang bahagi ng magical realm kung saan nababalutan ito ng kadiliman. Poot, galit, lungkot, pagkabigo at inggit ang nararamdam ng mga nilalang sa Darkus.

Lahat sila ay may kanya kanyang paninibugho sa ibang mga nilalang sa magical realm na hindi nila sakop.

Parang isang lason na mabilis kumalat ang ganung pakiramdam kapag ikaw ay nakatira sa Darkus.

Hindi naman pweding wasakin ang Darkus dahil magiging imbalance ang magical realm. Ang kailangan lang nila ay isang tao na kayang hawakan ang Darkus na walang gyera ang nagaganap sa magical realm. Simula sa una ang Darkus ang siyang pangunahing kalaban ng ibang nilalang. Gustong sakupin ng taga Darkus ang lahat sa magical realm. Kaya ang labanan ay hindi parin matapos tapos hanggang ngayon.

********************

Est's POV

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung maganap ang aksidente. Dalawang araw na ding nagkukulong sa kwarto niya si dev at dalawang araw na din namin siyang kinukulit na lumabas.

Sa dalawang araw na yun ay pinagsabihan kami ni headmaster na bantayan ng maiigi si dev at ang paligid. Sinabihan niya din kaming maghanda oras oras dahil baka daw lusubin kami ng Darkus at kunin si dev. At yun ang hindi namin hahayaan.

"Est.. Pasukin mu na si dev. Di pa yun kumakain mula pa kagabi eh." sabi ni april sakin. Nandito kami sa commonroom namin.

"Nag.alala na ako kay dev. Di naman siya ganyan eh. " mangiyak ngiyak na sambit ni sky.

"Sshhh.. Wag ka nang umiyak sky. May rason naman siguro si dev." grey habang inaalo si sky.

Napabuntong hininga nalng ako. Tumayo ako at pumunta sa silid ni dev.

Nakatayo lang ako sa harap ng pinto. Nag aanlinlangan akong kumatok. Baka di na niya naman bubuksan. Sa huli kinatok ko na siya.

"Dev?" pinihit ko yung doorknob nang walang sumagot sa katok ko. "Dev, si Est to at papasok ako sa loob."

Binuksan ko na ang pinto. Isang madilim na silid ang bumungad sa akin. Parang lahat ng kulay sa loob ng silid ay nawala. Nilibot ko ang paningin ko at isang babaeng nakahalumbaba sa bintana ng silid ang nakita ko. Maliliit na liwanag lang ang lumalabas sa bintana na tinatabingan ng makapal na kurtina.

"Dev labas kana. Hinihintay ka na doon ng mga kaibigan natin. Hinihintay na nila ang masayang si dev." lumakad ako papunta sa kanya. Nasa likod na niya ako at parang di niya ako naririnig.

"Galit sila sakin, ako ang may kasalanan. Di ko nacontrol ang emosyon ko. Mahina ako, di ako nararapat sa kapangyarihang ito." basag na boses na sabi nito sakin. Agad ko siyang hinigit papunta sa akin at yinakap ng mahigpit.


Niyakap niya din ako pabalik at sumubsob siya sa aking dibdib. Naramdaman ko ang kanyang mga luha. Nasasaktan akong makita siyang lumuluha. Hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"Sshhh...tahan na dev, di sila galit sayo okay. Di kami galit, naiintindihan ka namin. Maging matatag ka dev. Narito lang kami, narito ako handang umalalay sa iyo. Sshhh.."


"Wag mu kong iwan. Please, wag niyo akong iiwan. " sambit nito habang lumuluha parin at humihikbi. "Di kita iiwan, di ka namin iiwan. Lumabas ka na hinihintay ka na nila sa baba. Hinihintay kana ni sky."


"Okay lang ba si sky? Ako ang bestfriend niya. Nangako ako noong proprotektahan ko siya kahit anung mangyari pero ako pa ang nanakit sa kanya." maluha luhang sambit nito. Pinahid ko lang yung luhang lumalabas sa mga mata niya. Niyakap ko siya at hinagod ang kanyang likod.


"Sshhh...kalimutan mu na yun. Di mo yun sinasadya. Wala ka sa sarili mo." mahinang sambit ko.

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Di ako sanay na makitang ganito ang sitwasyon niya. Nasasaktan ako. Ilang sandali pa at naramdaman ko nalang na bumibigat siya.

Nakatulog na pala siya sa pag.iyak. binuhat ko siya at hiniga sa kama niya. Tinabing ko muna ang kanyang buhok na tumatabon sa kanyang mukha. Pinunasan ko din ang kanyang mga luha.

Kay.amo ng mukha niya. Para siyang isang babasaging crystal na dapat ingatan.

Tatayo na sana ako ng biglang hawakan niya ang isang kamay ko. "Wag mo kong iwan please!" mahinang sabi nito kahit nakapikit siya. May tumulong isang patak ng luha sa kanyang mata.

"Di kita iiwan, pangako yan." hinalikan ko siya sa noo niya at pinahid ng ko ang luha niya. Umupo nalang ako sa gilid ng kama niya at masuyong hinahaplos ang kanyang buhok.

Pangako.. Iingatan kita at proprotectahan. Kahit kadugo ko pa ang magiging kalaban ko.

*******************

Grey's POV

ang sakit. Ang sakit makitang lumuluha at nasasaktan ang taong mahal mo.

Pero mas masakit makitang imbis na ikaw ang umalo sa kanya eh ibang tao pa.

Nasasaktan ang taong mahal ko at wala ako sa tabi niya para pawiin ang nararamdaman niya.

Masakit makita at marinig ang lahat ng nangyayari sa dalawa. May tumulong luha sa aking mga mata.

Nakayuko ako at tahimik na umiiyak habang pinapanood sina dev at Est.

Sinira ko na ng dahan dahan ang pinto. Di ko kayang makita pa, nabibiyak ang puso ko. Masyadong masakit. Pumihit na ako pabalik.

"Grey?"yinakap ko ang babaeng nagsalita sa harap ko. Binaon ko ang ulo ko sa balikat niya at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

"Ssshhh.. Iiyak mu lang yan grey. Kaya mu yan,." hinahagod niya din ang aking likod. Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng unti unting maubos ang luha ko.

"Salamat sky!" mahinang bulong ko. Ngumiti ito sa akin. "Welcome!"

"Ang ganda talaga ng bessy ko. Hehehe.. Dalawang papable ang na inlove!" pangiti ngiti pa ito. Napangiti nalang ako.

"Halika na sa baba, di na siguro makababa si dev. Natutulog na eh tsaka binabantayan na siya ni Est doon." malungkot na sabi ko at lumakad na kami pababa.

Napapangiti ako paminsan minsan dahil sa mga pinagsasabi ni sky saakin. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.


***************

Thanks for reading.. Keep supporting guys, thanks..

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon