T29

21.9K 538 8
                                    

Thank you for reading and supporting my story... Sorry for the typos and grammars. Hope you enjoy guys...

******************

Est's POV

Natutuwa akong makitang nakabalik na siya samin at parang tulad ng dati bumalik ang sigla at saya ng paligid.

Tinitingnan ko ang paligid ng academy habang sinisinagan ito ng buwan. Lumabas ako sandali at nagpahangin lang.

Naglalakad lakad ako ng marating ko ang isang malaking puno malayo layo sa dormhouse namin.

Umupo ako sa lilim at sumandal sa punong ito. Habang tinatanaw ko ang magandang bituin sa langit at ang buwan.

*crack..

Napatingin ako sa itaas ng puno ng marinig ko ang pag crack ng isang sanga. Parang may nakaupo dito na nakasandal ang likod sa katawan ng puno..

Tiningnan ko pa ito ng mabuti ng mapagtantong si dev pala ito. Napangiti nalang ako dahil sa kanya. Natutulog sya sa itaas ng puno.. Di ko talaga maabot ang trip ng babaeng ito. Teka.. Parang mahuhulog na siya..

Shiitt.. Ayan na mahuhulog na talaga siya..

*bllaaggg

Hai. Buti naman at nasalo ko siya ng maayos. Graveh din tong babaeng to tulog pa din kahit na nalaglag na siya. Di ba to nakaramdam?

Pinagmamasdan ko lang siyang matulog sa mga bisig ko. Umupo na ako ulit sa lilim ng puno habang nasa mga bisig ko si dev na tulog.

Di ko talaga mapigil ang sarili kong di siya tingnan. Isang anghel na natutulog. Makinis na kutis, mapupulang labi na natural at parang kay sarap halikan.. Haist, magtino ka est.. Pero sadyang nakakatempt ang mga labi niya.. Oh no.. Est.. Get a grip of yourself. Pinilig ko nalang ang ulo ko.

"Hhmm.." mahinang ungol ni dev at unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata. At agad na nanglalaki ang mga ito..

"What..are you doing here??" gulat na tanong nito sakin.

"Can you just say thank you for me?" bored na sagot ko sa kanya. "And why would i?" nanghahamong saad nito.

"Cause i catched you from falling to the tree." nakangiting banggit ko dito.

"Hah.. Like i told you to do it.. Teka nga ba't englis ka ng englis? Nakakahawa na huh. Bad impluence ka!!" paangil niya sakin.

"Ako pa ang bad impluence dito? Mag thank you ka nalang!"

"Ayoko nga.. Di naman kita sinabihan na saluhin mu ako eh."

"Di nga pero gagawin ko parin yun basta sa kin ka malalaglag eh!" kinindatan ko siya pagkasabi ko non.

"Hah.. Akala mo madadala mo ako sa mga pakulo mo? Never.. Mr. Bipolar.."

"Mr bipolar?? Di kaya.. Sa gwapo kong to??"

"Anung konek? Hah.. Di kalang bipolar conceited pa.. Hahaha.."

"Oy.. Totoo naman eh, ang gwapo ko kaya..!"

"Hahaha.. Oo na estsungit, gwapo kana.."

"Oy.. Di ako masungit hah.."

"Anung hindi? Oo kaya!"

"Hindi!"

"Oo"

"Hindi"

"Oo"

"Hindi.. Isa pang oo dyan hahalikan kita!" napahinto naman siya at tumikom ang bibig. "I mean it dev!"

Napatayo siya at napa atras.. "Oo kaya..behhhlllaattt!!" sigaw nito sakin at kumaripas ng takbo. Tumakbo din ako at sinundan siya.

"Humanda ka kapag naabutan kita.. Gagawin ko talaga yun!!" sigaw ko pa sa kanya.. "Behhhllaatt est sungit..kung kaya mu kong maabutan!" sigaw niya pa sakin at pinabilis pa ang pagtakbo niya papuntang dormhouse..

Natataw lang kaming dalawa habang tumatakbo...

Sana di na matapos ang mga ganitong pangyayari...

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon