T16

23.4K 633 8
                                    


Nakaupo kami pa bilog sa isang malaking mesa dito sa caf. Exclusive daw tong pwesto namin para sa mga sc students. Nagpakilala naman ang mga council at yung prinsesang malandi.

Naiirita ako pagnakikita ko syang ganyan kumilos parang di prinsesa eh. Yung dalawang pokerface ayan di maipinta ang mga mukha sa pinanggagawa ng haliparot.

Sino namang di maiirita kapag sya lang yung nag kwekwento at talagang pinagmamalaki nya pa na isang royal blood sya. Tapos maya maya lumilingkis kay est di kaya kay grey. Masyadong nakakadiri.

Tahimik lang nga kami dito sya lang yung dadak ng dadak.

Tumayo ako bigla dahilan upang mahinto sa kaka dakdak si hali. Hali nalang itatawag ko short for haliparot.

"Di ka pa tapos oh," biglang sabi ni sky sakin. Lahat na nga sila nakatingin sakin eh.

"Busog na ako. At mukhang pinapatawag ako ni tanda." pagdadahilan ko sa kanila.

"Me too." sabay na sabi nina grey at est at tumayo na din sila.

Lumakad na ako palayo at nakasunod naman yung dalawa. Habang si hali ayun parang kiti kiti kasi iniwan ng dalawa at nag ta tantrums bakit daw kasi kami pinatawag. Actually di naman talaga excuse lang yun noh. Naiirita kasi akong pakinggan ang mga kwento ni hali.

Dire diretso lang ako sa paglakad. Di ko nga napansin kung saan lumiko yung dalawa. Nawala nalang kasi sila sa likod ko.

Nakarating ako dito sa maliit na gubat sa gilid ng academy. Medyo nakatago kasi ang lugar na to.

May nakita akong maliit na lake. Umupo ako sa isang bato sa malapit at pinagmasdan ito.

Hmmm.. Anu kaya kung gawin ko tong isang maliit na paraiso. Wala naman sigurong makakita sakin diba. Namis ko rin kasi ang paggamit sa ibang ability ko. Nagpalingon lingon pa ako para masigurado na walang tao. Medyo malayo din kasi ito sa academy.

Gumawa muna ako ng nature barrier para maprotektahan ko itong gagawin ko. Nilagay ko yung kanang kamay ko sa tubig ng lake. Umiilaw ang lake at nagkabuhay ang mga water lilies at mga bulaklak sa paligid nito nagkaroon din ng mga maliliit at colorfull na mga isda. Iniwagayway ko naman pagkatapos ang aking mga kamay nagkaroon dito ng mahinang hangin at liwanag. Umiikot ikot ako habang sini-sway sway ko ang aking mga kamay sa paligid. Nabuhay at gumanda ang mga halaman sa paligid. Namumulaklak pa yung mga bulaklak. Naging matingkad ang mga kulay dito. Nagsilabasan pa nga ang mga sprites sa paligid at pumunta sila sa direction ko. Pinapanood nila akong may ngiti sa kanilang labi at galak. Gumawa ako ng isang puno na gold sa gitnang bahagi ng lake. Syempre nakapatong ito sa pabilog na lupa. Yung footsteps papuntang puno ay mga batong naka parisukat at may mga maliliit na damo. Nag gli-glitter pa nga ang puno. Pumunta ako dun at umupo sa lilim nito pinalibutan din ako ng mga sprites at ginawan ng koronang bulaklak.

"Salamat" nakangiting saad ko sa kanila habang nilalagay nila ang koronang bulaklak sa ulo ko.

"Maraming salamat din sayo, at gumawa ka ng ganitong kagandang paraiso." sabi nung isang sprite sakin. Sya kasi ang pinaka kakaiba sa lahat at sya siguro ang reyna nila.

"Ahhmmm.. Ok lang po yun, atsaka pwedi dito nalang kayo manirahan para may bantay naman ito. Hehehe.. Kung gusto nyo lang, di ako mamimilit." pagkarinig nila ng sinabi ko parang nag twi.twinkle ang mga mata nila. At naglilipad lipad sa tuwa.

"Kung yan ang hiling mu binibini. Nagagalak kami at natutuwa kaya natatanggapin namin itong paraiso. Aalagaan namin ito para sa iyo. At nga pala ako si el ang pinuno ng mga sprites dito."

"Kinagagalak kitang makilala el, salamat at tinanggap nyo ang alok ko. Tawagin mu nalng akong dev."

"Maraming salamat ulit dev. At unang pagkakataon naming may makausap na isang taong kagaya muh." medyo lumungkot naman ang pagmumukha nila ng sabihin nila ito.

"Bakit naman po?"

"Kasi pili lang ang nakakaintindi at nakikipag usap samin. Mga diwata at ang guardians lang ang nakakausap namin. Kaya tuwang tuwa kami dahil may isang kagaya mu ang nakakaintindi at nakakausap namin."

"Sumubok kami noon na makipag usap sa kagaya mu pero di nya kami maintindihan." dagdag pa nito.

"Nakakalungkot naman.." tugon ko dito.

"Kaya ngayon, sa ayaw at sa gusto mu ituturing kana naming aming dyosa, dyosa dev." yumuko pa sila sa akin.

"Oh no.. Ok lang kahit ituring nyo akong kaibigan. At saka di ako dyosa no." na pa pout kong sabi sa kanila. Pero umiling at ngumiti lang sila sakin. Dyosa at kaibigan yan ang ituturing nila sakin.

Ilang oras din akong tumambay doon at nakipag kulitan at nag kwekwento sa kanila. Makukulit at masayahin sila.  Ilang sandali pa nagpa alaman na ako sa kanilang lahat para bumalik sa academy.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon