Dev's POV
Napabalikwas ako ng bangon, masyado kasing masakit ang tatak ko sa balikat. Tiningnan ko muna ang wall clock sa silid.
Hmm.. 7:00 am na pala, wala kaming pasok ngayon. Saturday eh, tumayo na ako at pumunta ng bathroom.
Ginawa ko na morning rituals ko ng di pinapansin ang salamin. Kumuha na ako ng isang shorts na blue at isang t.shirt na itim na may nakaprint na badass sa harap.
Kinuha ko na ang suklay at magsusuklay na sana ng buhok ko ng may mapansin ako. Dali dali akong humarap sa salamin at nalaglag lang yung suklay sa kamay ko.
"Aaahhhhhhhhh...'" malakas na sigaw ko sa gulat.
"Iha/dev anung nangyari?" sabay na sambit ni tita at sky na humahangos papasok sa loob ng kwarto ko.
"Yu-yung bu-buhok a-at ma-mata k-ko" putol putol na saad ko dahil sa gulat pa din.
"Whoaa.." nakatulala lang yung dalawa paglingon ko sa kanila at napatulala na din ako sa nakita ko kay sky.
"Sky" mahinang bulong ko at napangiti na sya at napanod.
"Ang cool ng hair ko diba dev, naging blue na yung lahat. Napanod nalang ako sa kanya. Whoa, sa umagang ito madami na akong nakikitang surprisa.
"Ang cool dev, ikaw may white-like silver long straight hair at ako naman blue. Yung mga mata mu lang dev naging jet-black di na light-brown. Pero astig parin". Dagdag nya pa.
"Siguro ito na ang oras para bumalik tayo sa ikalawang mundo ang magical realm." napatingin kami ni sky kay tita zoe ng sabihin nya yun ng nakangiti.
"Kailangan nyong pumasok sa academy doon para matutunan ang lahat na bagay bagay sa inyong mga kapangyarihan. At kailangan ko na kayong turuan sa mga basic defense at offense na mga atake para di kayo mahihirapan doon, tandaan nyo masyadong delikado doon. Lakas, tapang at determinasyon ang pangunahing kailangan nyo sa magic realm. So hindi na tayo mag.aaksaya ng panahon. Pagkatapos nyong kumain pumunta kayo sa basement at hihintayin ko kayong dalawa doon." mahabang paliwanag samin ni tita kaya nagnod nalang kami ni sky at bumaba na at kumain. Kahit medyo naaasiwa ako sa anyo namin di ko nalang ito pinansin.
"Excited na ako para mamaya."
"Sana macontrol ko yung kapangyarihan ko ng maayos."
"Wag kang mag alala sky makokontrol mu yun." nakangiti kong baling sa kanya. Na nakatulala ngayon sa harap ko.
"Pa-paanong? Uh hindi baka himahinasyon ko lang ito."
"Totoo to sky. Di mu himahinasyon yun."
"At oo sky, nakakapag basa ako ng utak. Ang cool diba!"
"Waaahhh.. Dev ang daya ba't ako hindi?" mula sa tulalang mukha eh naging hyper na ito.
Kumibit balikat lang ako sa kanya at ngumiti.
"Oy, wag kang mahiya sakin sky. Di ko na babasahin yang iniisip muh." napahinga naman sya ng maluwag at hinampas ako ng mahina at tumawa nalng kami.
Pagkatapos naming kumain. Pumunta na kami ni sky sa basement. Naabutan namin si tita na gumagawa ng force field katulad ng ginawa ni dark.
Tinuruan kami muna ni tita paano gumawa ng force field. Yung unang try medyo palpak kasi nababasag sya agad. Hanggang maka limang try na ako na perfect ko ito gamit ang dark power ko..si sky naman naka pitong try at naperfect din. Inuulit nya lang ang paggawa nito.
Anu kaya kung gamitin ko din yung iba? Pero panu ko magagamit yun? Di ko alam.. Hmmm..
" isipin mu nalang kung anung gusto mung kapangyarihan ang gagamitin bata.yun lang yun."
Eh?...napatigil ako sa pag.iisip ng marinig ko si itim sa ulo ko.
"Hoy itim, pwedi naman palang magkausap gamit ang utak ba't pinapahirapan mu pa ako?" inis kong sambit sa kanya sa utak ko at ang walang hiya tumawa lang.
Sinunod ko naman ang payo nya at nagawa ko ito yung apoy ang ginamit ko. Napahinto nga sina tita at sky sa kanilang ginagawa ng makitang kulay pula na ang apoy ko.
Isinunod ko naman ang tubig, at ayun nakanga nga na ang dalawa. Huminto ako at inexplain nalang ang lahat ng nangyari sakin. Paminsan minsan nga sumasali pa tong si itim sa utak ko. Nangako naman sina tita at sky na walang makakaalam ng tunay kong kapangyarihan. Yun kasi ang sabi ni itim para walang may magtatangkang kunin ako at isali sa kung anumang kasamaan.
BINABASA MO ANG
Tamer of the Guardians (complete)
FantasíaI was once a normal girl living in a normal world but not until I became a not so normal being they call me "dev" and this is my story.