3rd person's POV
Medyo nanghihina na si dev pero tuloy parin siya sa paglaban.
Nasa loob na siya ng malawak na bulwagan ng palasyo.
Isang nakakatakot at malakas na tawa ang nagpalingon sa kanya.
Isang babaeng naka red na gown at may korona sa ulo at dalawang lalaki ang nakita niya sa itaas ng balkonahe.
"Maligayang pagdating sa aming palasyo tamer of the guardians." bati ng babae na syang reyna ng darkus.
"Est!!" sigaw ni dev sa isang lalaki sa gilid ng reyna.
"Hahahaha.. Hindi na siya ang Est na kilala mo babae. Hindi! Hahahaha.."
"Ibalik mo ang dating Est!"
"Hahaha.. Ayoko! Yuri.. Patayin ang babaeng yan." sigaw ng reyna na agad namang sinunod ni yuri.
Agad na sumugod si yuri gamit ang kanyang lightning power pero nasangga lang ito ni dev. Gumawa sila ng kanilang espada.
Sumugod na din si dev kay yuri. Hinataw niya ito pero nasangga ito ni yuri. Tumalon siya pataas at pabagsak na tinutok niya ang talim kay yuri naiwasan lang ito ng huli.
*chinnggg..
*shhhiinngg..
*bogghhss
*chinggg..
Gamit ang bilis at lakas sinugod na ni dev si yuri at naputol nito ang ulo ni yuri.
"Hindiiii...!!" sigaw ng reyna at agad na sumugod kay dev. Kahit hirap na hirap na si dev at nanghihina na ay kinakaya nya parin.
Tinira siya ng isang black flame ng reyna pero nakaiwas si dev. Tumira siya pabalik pero nassangga ito ng reyna. Tumira si dev ng black and red flame papunta sa reyna kaya nadaplisan ang reyna sa braso.
"Aarrgghhh.. Gabriel patayin mu ang babaeng yan!" sigaw ng reyna kay est kaya tumango lang si est.
Nagulat naman si dev sa mga kinikilos ni est. Bago pa siya matamaan ng espada ni est ay nakailag na siya.
"Est gumising ka.. Est!" sigaw ni dev kay est pero di siya nito pinakikinggan.
Ilag at pagsangga lang ang nagagawa niya dahil di niya kayang saktan ang taong mahalaga sa kanya.
"Aahhh..." nasugatan siya sa gilid niya. Napaluhod na si dev dahil sa sakit, panghina ng katawan at na uubusan na din siya ng enerhiya.
"E-est..!!" mahinang sambit ni dev ng magkaharap na sila. Nakatutok na kay dev ang talim ng espada nito.
"Patayin mo na siya anak.. Patayin mo na yang babaeng yan." pag.uudyok ng reyna sa anak niyang si gabriel est.
Tiningnan lang ni est ang mga mata ni dev habang nakatutok pa din ang espada dito.
"Est.." bulong ni dev at siyang pagbalik ng diwa ni est.
"Hinnnndddddiiiii!!" kasabay ng pagsigaw ng reyna ang pagbitaw niya ng isang black sword papuntang direction ni Est at dev.
Gamit ang natitirang lakas ni dev ay mabilis siyang kumilos. Pinagbaliktad niya ang pwesto nila ni est. Tinapon niya din papunta sa reyna ang kanyang light sword. At kasabay ng pagtarak ng black sword sa puso ni dev ay siya ding pagtarak ng light sword sa puso ng reyna.
Agad na sinalo ni est ang natumbang katawan ni dev..
"Dev.. So-sorry, di kita naprotektahan. Dev please wag mo akong iwan. Dev mahal na mahal kita. Please.. Hold on.." maluha luhang sambit ni est habang hinahaplos ng isang kamay niya ang buhok nito at hinawakan niya ng mahigpit ang isa.
"Ma-mahal n-na m-mahal d-din k-ki-ta e-est.." putol putol na sambit ni dev.
"Please hold on.. Please.." basang basa na sa luha ang mukha ni est.
"K-kiss.... M-me..." gamit ang natitirang lakas na sambit ni dev. Hinalikan naman ito ni est.
Umiiyak na humalik si est sa maputlang bibig ni dev.
"Hhhiiinnndddiii..." sigaw ni est habang lumuluha. Yakap yakap na niya ang walang buhay na katawan ni dev.
Bigla namang lumitaw ang guardian of dark realm sa harap ng umiiyak na est.
Lumitaw din ang mga sc, sina headmaster griffin, prof greg, tandang grecil, ang hari't reyna at ang ibang mga estudyante sa academy...
Noong nanghihina si dev ay siya namang paghina ng barrier kaya nakawala sila. At agad na sumugod sa darkus. Pero mga patay na katawan lang ang naabutan nila at isang sitwasyong di kanais nais.
"No.. Dev!!" lumuluhang sigaw ni sky ng makitang yakap yakap ng lumuluhang si est ang katawan ni dev. Umiiyak na nga ang lahat.
Lumitaw naman sa paligid nina dev at est ang mga guardians ng light, fire, earth, water, at air.
"Bata, kukunin na namin ang katawan niya." sambit ni dark kay est. Para namang walang narinig si est.
Hinawakan ng guardian of light ang balikat ni est kaya napa angat si est ng mukha. Napatango naman si light.
Kaya kinuha na ni fire ang katawan ni dev.
"Maghintay ka lang bata. Magiging okay din ang lahat." sambit ni light kay est.
"Bata.. Gusto kong pamunu.an mo ng matiwasay ang darkus. Bibigyan ka namin ng rason." sambit naman ni dark sa tulalang si est.
Nagbend si dark at may binulong ito kay est.
Parang di naman makapaniwala si est sa binulong ni dark. Napangiti nalang ang mga guardians at napatango naman si dark.
Isang huling sulyap ang ginawad nila kay dev. At naglaho na ang anim na guardians kasama ang katawan ni dev. Pinuntahan naman ng mga sc si est at inalo.
BINABASA MO ANG
Tamer of the Guardians (complete)
FantasyI was once a normal girl living in a normal world but not until I became a not so normal being they call me "dev" and this is my story.