T13

24.8K 618 3
                                    


"Okay ..sc dapat nyo ngayong mapalabas ang inyong mga spirit dragons. Galingan nyo dahil nandito ngayon ang council at si headmaster, panunuorin kayo. So goodluck." narinig kong sabi ni sir matt samin. Fielding kasi namin at nandito kami ngayon sa field. Nakalimutan kong sabihin na si sir matt ang humahawak samin at sya halos ang tumuturo samin.

Tiningnan ko si tanda sa balkonahe ng academy na malapit dito sa field. Nakaupo sya doon at may apat syang kasamang nakaupo. Dalawang babae at dalawang lalaki me bakanteng upuan pa nga sa tabi niya. Sila siguro ang council pero kulang sila ng isa.

"Oy tanda..pwedi bang mag back.out?"

Nag.uusap kami ni tanda gamit ang isip habang tumitingin ako sa ginagawa ng mga kasama ko para di halata.

"Hahaha.. Di pwedi yan dev."

"Haist ba't ba kasi kelangan pa to?"

"Goodluck dev, ikaw ng susunod. Hahaha..."

Pahamak na tanda to tinawanan pa ako.

"Dev" tawag ni sir sakin. Tumango na ako at pumunta sa gitna. Habang naglalakad ako kitang kita ko na marami palang nanonood samin. Nakita ko rin ang mga spirit dragons nila. Magaganda at lahat ng dragon nila nakasunod yung kulay sa mga buhok nila maliban lang kay raine na kulay skyblue ang dragon at kay grey na kulay pula naman. Ang dragon ng mga sc ay may armor na nagpapakita ito na malalakas talaga sila.

Pinikit ko na ang aking mga mata at nagconcentrate ng makarating ako sa gitna. Tinawag ko muna si itim kasi di ko alam ang gagawin.

"Itim.. Itim.. Yuhooo.."

"Anu yun bata?"

"Itim turuan mu nga ako panu magpalabas ng spirit dragon ko."

"Ahh.. Yun ba? Teka...panu nga ba?"

"Itim naman eh, alam kong alam mu. Dali na.."

"Hahaha.. Oo na, nakakatuwa ka talaga bata. Sige sundin mu lang ang sasabihin ko. "

I, the tamer of the six powerfull guardians. Call you, my spirit dragon to rise from my body and show your true form. In the name of hikari and kurai, the yinyang of the powerfull guardians of realm. Rise from me, in my name, tamer of the guardians. Eau vox de fleux my spirit dragon!!

Matapos kong sabihin yun, naramdaman ko nalang na binabalot ako ng matinding liwanag at parang nanghihina na ang katawan ko. Naramdaman ko din na parang lumulutang ako sa ere.

**********************

Grey's POV

Natapos na kami sa pag susumon ng aming mga dragon pwera na lang kay dev sya kasi ang huli. Tinawag na sya ni sir matt at naglakad papuntang gitna.

Pumikit sya ng mga mata nya. Ilang minuto na syang nakapikit pero wala pang nangyayari nakatingin na nga ang lahat sa kanya eh.

Ilang minuto pa parang may sinasabi sya na di namin marinig at yung kaninang aurang tahimik ngayon nagiging malakas na malakas. Napatayo nga ang mga council at si papa. Na pa atras naman kami ng maramdaman may enerhiyang malakas na bumabalot sa kanya.

"Eau vox de fleux my spirit dragon!" narinig naming sigaw nya at lalong lumalakas ang enerhiya.

"Isagawa ang barrier sa paligid nya!!" malakas na sigaw ni papa at agad na gumawa si sir matt ng barrier limang layer pa nga ang naggawa nya.

Lumulutang na sa ere si dev at nakapikit pa din tas binabalot sya ng matinding liwanag. Kitang kita namin ang paglabas ng isang maganda at lumiliwanag na dragon sa likod nya pumapalibot ito sa katawan nya hanggang makalabas ng tuluyan. Bigla namang dumilim at nawala ang malakas na aura kasabay nun ang pagbalik sa dati.

Laking gulat namin ng makitang wasak na ang lahat na barrier. Nakatayo at kaharap ni dev ang isang malaking dragon na kulay ginto na merong black at silver na lining sa kanyang likod at mga pakpak. Meron ding half moon at araw na magkasama sa kanyang noo na pinalilibutan ng apat na maliliit na bituin na iba't ibang kulay. Mas malaki ang dragon nya kesa samin.

Lumapit kami kay dev at parang matutumba na sya. Kaya dali dali akong tumakbo bago pa sya matumba sa lupa. Sinalo ko sya agad at binuhat.

"Siguro naubos yung stamina nya. Dalhin mu nalang sya sa clinic." sabi ni sir tumango naman kami at naglakad. Napahinto ako sa paglakad at lumingon sa dragon nyang nakamasid samin. Parang itinango nya ang ulo nito at ilang segundo naging maliit na sya para syang baby dragon. Tiningnan ko naman ang dragon ko sa gilid at lumiit din ito.

"Whoaa.. Ang galing, lumiliit sila. Ang kyut..." masayang sabi ni sky habang nilalaro nya ang dragon nya. Naglakad na kami papuntang clinic.

Buhat buhat ko ngayon si dev ng naka bridal style. Habang yung dragon ko lumipad papuntang ulo ko at natulog. Haist, ang bigat nya hah.. Yung kay dev naman lumilipad lipad sa gilid ko.

Pagkarating namin sa clinic agad kong binaba si dev sa kama. Pumasok naman si sir max, sya yung pinakamagaling na healer dito. Habang ene- examine nya si dev ay napakunot noo sya.

"Bakit po sir max?" tanong ko sakanya.

"Hmmm... Di ko mapasok ng mabuti ang katawan nya para ma examine ng maayos. Me enerhiyang bumabalot sa kanya." napatingin kami kay dev ng sabihin ito ni sir max.

Napalingon kami ng bumukas ang pinto ng clinic at pumasok si papa at ang apat na council. Yung mga council nalalapit lang yung edad nila samin. Ang babata diba, ganun talaga yun eh. Sila kasi ang malalakas, yung lakas nila sunod sa hari't reyna ng magical realm. Sunod naman sina papa at ang mga staff dito. Sunod ay kaming mga sc. Ang pinakamalakas na pantay lang sa hari't reyna ay ang mga elders, tatlo lang sila at di namin alam kung nasaan sila ngayon. Pero ngayon, parang me iba ng mas malakas pa.

"Headmaster,-" naputol ang sasabihin ni sir max ng itaas ni papa ang kanyang isang kamay na parang pinapatigil nya si sir.

"Alam ko na max., ako nga rin nung una nagulat ako. Puno ng misteryo ang batang ito." seryosong saad ni papa.

"Sc, kailangan nyong bantayan ng maiigi si dev. Yan ay isang mission para sa inyo. At sya nga pala, simula bukas makakasama nyo na ang council at babalik na din dito ang prinsesa." dagdag pa ni papa. Napatango nalang kami at lumabas na sya kasama si sir max.

Naiwan naman ang apat na council dito.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon