T2

35.2K 832 6
                                    


Sana may magbasa nito. Again sorry sa mga typos and grammar. Thanks po..

Gusto ko pong e dedicate ang chapter nato kay alegny.

Trip ko lang ngayon mag dedic eh. Thanks sa nagbabasa at magbabasa palang.

sky on the side..

******************
Sky's POV

Helo people, i'm sky the ever beautiful and one and only friend ni dev. 16 yrs old and currently 3rd yr high. Klassmate kami ni dev kahit 15 palang sya.

Ang ganda talaga ni dev, nakakatibo lang mga pre. 5'5 ang height, maputi, makinis, may natural kissable redlips, pilik-matang malalantik, light-brown na mga mata, long straight black hair at balingkitang katawan. Oh diba pang ms. Universe lang ang peg ni dev.

Swerti ako kay dev kasi naging kaibigan ko sya. Sya kasi ang naging sandalan at protector ko.
Pinagtatanggol nya ako sa mga bumubully sakin, kaya sya ang hero ko.

Naglalakad na kami papuntang upuan namin dito sa klassroom. At guess what lahat ng mga mata samin nakatingin or would I say kay dev pala, hanggang sa maka upo kami ganun padin. Mabuti lang nga at wala pa ang bitch at mga alipores nya dito, kung hindi siguradong si dev na naman ang kawawa. Hai.. Nakatanaw lang si dev sa bintana, malapit kasi yung upuan nya sa bintana favorite spot nya yun eh at magkatabi kami.

"Oww...look who's here, it's the famous freak in town and her weird bestfriend. Bagay nga silang dalawa, the weird and the "freak" ".
Talking bout the demon. Well, she's here. Janine the queen bitch of the campus. At talagang tumawa pa sila. Mabuti lang nga at di ito pinapansin ni dev eh.

"Hey freak...susunugin mu na ba kami katulad ng pagsunog mu sa pamilya muh?" sigaw pa ng bitch at yung mga kaklase naman namin tumatawA at inaasar pa si dev.

Nakita kong kinuyom ni dev yung mga kamao nya sa gilid nya. Oh noes, baka umapoy nato mamaya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at mabuti nalang kumalma na sya. Duh.. Di ko alam gagawin ko if sumabog na sa galit si dev.

"Oy freak,. Mamamatay tao ka, pamilya mu sinunog muh!!"

"Freak!!, wag mu kaming sunugin hah.. Kasi di kami pamilya mu eh!"

Yan yung mga sigaw ng mga kaklase namin kay dev. Nakayuko lang si dev pero ramdam na ramdam ko ang galit at poot nya. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya. Nararamdaman ko na din ang pag.iinit ng mga kamay nya. Shhiitt lang.. Mainit na talaga. Nagpapanic na ako sa loob loob ko.

"Dev.. Plz calm down, dev.. Pls.." mahinang bulong ko sa kanya pero mukhang walang epekto dahil sa patuloy parin nilang inaasar si dev.

"Quuuueeeeiiitttt"

Napatahimik na din ang klase dahil sa sigaw ng guro naming pumasok sa silid. Nakahinga na din ako ng maluwAg dahil kumalma na si dev.

"Ouch!" di ko napigilang sambit ng mahina dahil pulang pula na ng palad ko. Parang magkaka 2nd degree burn ako nito.

"Sorry sky, napaso kapa tuloy. Pero salamat sa pagpigil sakin." sincere na saad ni dev sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya at nagnod. Ngumiti din sya sakin.

----------------------

Natapos na din ang klase kaya naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay.

******************
Dev's POV

Habang naglalakad kami ni sky pauwi pansin ko yung mga mata nyang naglulumikot sa daan na parang me hinahanap na pamilihan.

"Shit.. Asan na kaya yung bookstore na yun?"

Nagulat ako at napahinto dahil narinig ko yung boses ni sky sa loob ng ulo ko. Hindi, baka imagination ko lang yun. Tama imagination ko lang yun

"Anung nangyari dev? Bat ka huminto?" nagtatakang tanong ni sky sakin.

"Ugh.. Wala..wala"
Nagnod lang sya at nagpatuloy kaming maglakad.

"Aish.. San na kasi yun?"

"Bukas nalang siguro ako bibili ng libro."

"Naku naman baka nadaanan na kasi namin yung bookstore. Ang tanga tanga mu talaga sky!"

Shit naman.. Nababaliw na siguro ako. Kanina ko pa kasi naririnig yung boses ni sky. At sigurado akong di ko iyun himanihasyon.

Nakarating na kami sa bahay nila sky. Dali dali naman akong pumunta sa silid ko at pumasok agad sa cr at naghilamos ng mukha.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Wala namang nagbago sa mukha ko. Lumabas na ako at kumuha ng damit pamalit. Hinubad ko ang pang itaas na uniform at tumalikod sa salamin. Kitang kita ko sa likod ng balikat ko ang isang tatak. Espadang me nakapulupot na dragon sa paligid nito pumapalibot ang anim na tila maliliit na bituin. Nakita ko din yung isang bituin naging kulay itim nasa ibaba ito ng espada.

*tok tok tok

"Dev.. Baba na daw kakain na tayo ng diner!"

"Andyan na!" balik sigaw ko kay sky. Agad ko ng sinuot ang damit at bumaba na din.

Naabutan ko sina tita zoe at sky sa harap ng hapag mukhang hinihintay na nila ako. Umupo na ako sa tabi ni sky.

"Waahh.. Gutom na talaga ako!"
Ito na namang boses ni sky.

"Sana magustuhan nila ang niluto ko!"
Eh? Napahinto ako sa pagkuha ng kanin ng marinig ko ang boses ni tita sa ulo ko. Napatingin silang dalawa sakin ng pagtataka.

"Ahm.. Hehe,. " awkward kong tawa at nagpatuloy na sa pagkuha ng pagkain. Di ko nalang pinansin ang mga boses sa ulo ko.

Pagtapos naming kumain pina akyat na kami ni tita. Sya nalang daw ang magliligpit ng pinagkainan namin.

Humiga na ako sa kama at natulog. Di ko na alam kong anung nangyayari sakin.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon