SPOT 36: ROUND TABLES

672 25 18
                                    

MACTHARA.

INAKAY AKO ni Gole para umalis ngunit hinarang siya ni Sarge at parang batang nagmamaktol. Hinawakan niya sa braso ang pinsan, "Dito ka na lang, Kuya! Kararating lang natin at aalis ka agad? Epal naman itong si Em El. Nariyan naman ang utol niya. Kaya na nilang umuwi. Magpaiwan ka na lang, Thirdy!"

"Macthara, sigurado ka bang ayos ka lang?" singit ni Zede. "Dumito muna kayo. Hindi pa kayo nakakatatlong baso pero uuwi na kayo? Shot and run? Ano ba kasing problema?"

"Maraming problema." Makahulugang sagot ni Yendi at bawat salitang pinapakawalan niya'y may diin. Sinusubukan lang niyang kontrolin ang sarili ngunit alam kong punong-puno na siya. Minataan niya si Zede, "Kaya kailangan na naming umalis. Hindi ba, Macky?"

"Ano?"

"Anong ano? Tara na!"

Dinekwat niya ang palapulsuhan ko at akmang kakaladkarin pero iniharang ni Alondra ang kamay sa daraanan namin. Napatigil kami. "Oh, my. Wait, wait, wait. Guys, hello! The party isn't over. Are you not enjoying?"

"Siyempre, nag-eenjoy. Enjoy na enjoy! Si Thirdy naman kasi!" si Sarge na kusot-kusot ang mukha sa inis. Hinawakan siya sa balikat ni Aljude.

"Stop forcing them, little ant. It's their choice, and they chose to leave. So respect it." Lumalabas ang ugat ng braso niya habang hinihigit ito. Gusto kong matawa sa tawag niya kay Sarge pero napigilan ko iyon.

"Eh, 'yon naman pala. Then, what's the problem? It saddens me na ang aga niyong umalis," sabi ni Alondra. Lumungkot ang mata niya at tumingala kay Gole. "I was supposed to call you and your friends, but this inexplicable thing happened. I just wanna invite you upstairs. Sadly, hindi na mangyayari 'yon."

Tinuro ni Alondra ang second floor kung saan mas maaliwalas ang atmospera. Imbes na pader o barandilya'y pinapalibutan ito ng salamin. May mahabang kutson at hindi ko na matanaw kung anong nasa dulo. Pero kita rin sa loob na kakaunti ang mga tao. May isang grupong nagkakaraoke pero hindi naman sila marinig mula rito.

Nagsalita si Gole. "Babawi kami next time. We're really sorry. It's just that... This time isn't the right time. I need to send Macthara home."

Ikalawang pagkakataon ay akma na niyang aakayin ngunit muling humarang si Alondra. Kumikintab ang mata nitong tila may isang bumbilyang lumuwa sa ulo niya. "Wait. Why don't we just invite her upstairs? Isn't that a good idea? She can rest there, actually. Well, as you might not ask, there're a lot of vacant couches. And don't you worry, we're not that loud. Gole can look after you, while you sit at the far end and rest."

Wala naman akong karamdaman at may punto rin si Alondra. Narinig ko ang pagsang-ayon ni Zede sa pahayag nito at naki-gaya na rin ang Sarge. Ngunit may iisang tao lang ang may masamang reaksyon doon. Naki-singit sa usapan si Yendi at napaka-seryoso ng mukha niya.

"Teka lang, ha." Huminga siya nang malalim na tila may inihandang limang pahina ng argumento. Lumingon siya kay Gole. "Bakit ba ikaw ang pinagdedesisyon, utot?"

Nanlaki ang mata ng mga nakarinig niyon. Ang iba'y nainis sa aking kaibigan ngunit isa ako roon sa mga taong natuwa sa pagka-pranka niya. Umawang ang labi ni Gole at sinusubukang awatin ang sarili sapagkat narito ako. At hindi ko siya hahayaang pagsalitaan ng masama si Allende.

"Bakit kailangan mo pang i-hatid si Macky, ha? Eh, may kotse naman ako. Kaya naming umuwi magdalawa," aniya at puno ng determinasyon. "Huwag ka nang mangialam. Huwag ka nang sumama!"

Bumusangot ang labi ni Gole pero hindi siya nagpatalo at nakipagsabatan kay Yendi. "But I want to make sure she's safe and okay. Wala kang magagawa, bamboo. Ako ang maghahatid sa kanya. And not to mention, I brought my car, too."

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon