SPOT 19: KABA

831 31 13
                                    

Kindly suggest a Mystery movie here...

DUEZ.

NOONG sundan namin ni Alfonso si Lomar sa may bahaging pasilyo ay nawala pa siya saglit sa aming paningin ngunit nang sumilip kami sa may bandang kaliwa ay natanaw rin namin sa wakas ang kulay puting leather jacket niya kaya alam naming siya nga iyon. Sa likod ba naman niya ay mahahalata mong si Lomar nga ang taong iyon sapagkat siya lang ang may kakaibang buhok sa amin. Medyo matulis kasi iyong sa kaniya.

Nagtaka pa ako sa kung sino ang kasama niya sapagkat kararating lang namin dito at may nakilala na agad siyang isang babae at lalaki. Hindi ko masyadong maaninag iyong mga mukha ng dalawa niyang kausap ngunit natitiyak kong matatangkad ang mga ito. Pero ang mas kataka-taka ay kung bakit panay ang tawa ni Lomar gayong hindi pa niya masyadong kilala ang mga ito puwera na lang kung malapit sa kaniya ang tao.

What is he doing? Why is he laughing so hard like an idiot?

Biglang humarap sa amin si Lomar at kumaway pa para tawagin kami ni Alfonso. Akala ko ay tapos na silang mag-usap ng mga kasama niya ngunit nang makalapit kami ay sobrang laki na lang ang pagtataka nito. Nilibot pa niya ang paningin at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya. Napakamot pa siya sa ulo at napabuntung-hininga. Baka ang hinahanap niya ay ang dalawa. Hinila kasi ng babae iyong lalaki bigla kaya buong akala ko ay umalis lang talaga sila.

"Saan ba nagpunta si idol? Nakakainis naman kasi! Makikita mo na sana siya, eh kaso napakamalas lang talaga ng panahon!" nasapo pa ni Lomar ang noo at bigla akong hinarap na animong may ginawa akong masama sa kaniya. "Kakainis! Nakakainis ka, iyan tuloy! Umalis nang dahil sa 'yo, kasalanan mo kasi! Errrrr... reunion na sana eh! Magkakasama na dapat tayong magtotropa pero hindi sumasang-ayon sa 'yo ang tadhana! Tsk, tsk! Ang malas-malas talaga!"

"What are you saying? Sino bang tinutukoy mo?" nalilitong tanong ko at parang tangang natigilan siya. Ilang segundo pa bago siya nagsalita at inakay na kami ni Alfonso.

"Naku, naku! W-Wala 'yon, Duez! Nabangga niya ako kaya isinusumbong ko siya sa inyo pero n-natakot yata. Oo, oo! Nakatakot 'yon panigurado! Hehehehehe!"

"Afraid? Of us?"

"Oo nga, t-takot na 'yon! Sinabi ko kasing pagmamay-ari ko itong eskuwelahan kaya natawa ako sa mga m-mukha nila. Ha ha ha ha ha ha!"


"Magpapalusot ka na nga lang, iyon pang kuhang-kuha ko." komento ni Fonso na inirapan siya ngunit hindi naging pangkaraniwan ang reaksyon ni Lomar sapagkat tumahimik na lamang siya. Hindi ito ang kadalasang tugon niya at tiyak dedepensahan pa niya ang sarili kapag nagkataon.

"Tara na, atat na 'kong magsagot ng test paper."
aniyang seryoso na talaga siya at tila kakaiba ang kaniyang ikinikilos.

***

MADALI naming natunton ang Director's Office sa Building Three kung saan namamalagi si Director Guam na siyang magtuturo sa amin ng rota papunta sa kuwartong page-eksaman namin. Ito ang unang taong pinahahanap ni Chief sapagkat malaki raw ang maitutulong ng taong ito sa aming tatlo. Ngunit bago man makatapak sa elevator papaakyat ng ika-apat na palapag ay dinumog kami ng kababaihan na rektang hindi pinalampas ni Alfonso.

"I'm really sorry, girls, but we need privacy. Hey, don't get me wrong! We're not pushing all of you away, but please give us some silence 'coz we're here for an examination. That's it, and not for flirtations." kalmado ngunit kontrolado ang inis na pakikiusap niya sa mga babae. Pumasok kami nina Lomar sa elevator saka pinagmasdan ang mga reaksyon nila.

"Oh, that's so sad, but we understand!"

"English 'yon, 'te! Basta bigyan na lang natin sila ng privacy."

"Sige na nga, we're not gonna follow you already if you say so, baby!"


Sa huling pagpasok ni Alfonso ay tuluyan nang sumara ang pinto. Unti-unting naglaho man sa aming paningin ang kalungkutan sa mga mukha nila ay nanatili naman ang pigil na kasiyahan ni Lomar sa loob-loob. Tila nautot pa ang tawa niya nang pakawalan niya ito.

"Bwahahahaha! Bilib na talaga 'ko sa iyo, bods, pero kunti lang ah! Ang garbo ng pag-Ingles mo, nakakaaliw! Napalayas mo ang ganoong karaming babae, eh ako nga'y hindi na sila matiis. Ikaw kasi, ang arte-arte mo! Gusto lang naman nilang pagmasdan ang mga mukha natin, pinagbawalan niyo pa. Ang kapoy niyo naman!"
sigaw niya sa loob ng kulob na elevator na nagsimula nang gumalaw paitaas. Kami lang na tatlo ang narito sapagkat masyadong nahiya ang mga unang sumakay at inalok nila ang espasyo para sa amin sa oras na makilala ang ipo-ipong ito na anak ng Third Investor. Hindi pa kasi nila ako masyadong kilala kaya hanggang titig at tanong na lang muna sila.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon