MACTHARA.
MASYADONG maraming naganap kagabi at kahit pa lumubog na ang buwan ay wala pa rin akong lakas para bumangon. Naka-ilang beses nang katok si Allende para kami'y humigop ng hang over soup pero nagbingi-bingihan ako.
Matapos naming umalis ay wala pa rin akong natatanggap na balita. Ni ang oras ay hindi ko alam. Basta't mataas na ang sikat ng araw ngunit narito pa rin akong nakadapa sa kama habang nakatalukbong ng kumot. Ang bigat ng katawan ko. Mabuti na lang at hindi na masyadong masakit ang ulo ko.
Nagising ako kaninang madaling araw dahil sa parang pinupukpok ng martilyo ang aking ulo. Bumaba ako at uminom ng Advil. Tumambay ako sa salas nang ilang minuto bago tuluyang umakyat ng kuwarto. Dinalaw ako ng antok kaya heto't hindi pa rin nilulubayan.
"Hoy, Macky! Bumango ka na riyan. Tanghali na, punyemas!" napabalikwas ako sa kami dahil sa mala-gong na ingay ni Yendi.
Sa pagkakatanda ko'y naka-kandado ang pinto. Siniguro kong walang makakapasok dahil ayaw ko ng kausap sa araw na ito. Masama kong tiningnan si Yendi, na hawak ang duplicate key. Lumapit siya sa bukanan ng balkonahe saka hinawi ang kurtina. Napapikit ako sa sinag ng araw at nadinig ang mga sasakyang nagpapaharurot sa ibaba.
Umupo ako ng kama at padabog na tumayo. "Wala akong sinabing pumasok ka," reklamo ko.
"Wala ka ngang sinabi pero bahay ko ito." Hindi ko na lang siya pinansin dahil totoo naman ang kanyang sinabi. Bigla lumihis ang tingin niya sa pinto at isinenyas ito. "Nariyan na ang utol mo. Bahala kayong mag-usap dito."
"Waking up late is not so you," preskong sambit ng pamilyar na boses. Kasabay ng pagtingin ko sa pinto ay siya namang pag-alis ni Yendi sa kuwarto. Pumasok si Malvon saka kumportableng naupo sa sopang katapat lang kama ko. Sinundan ko siya ng tingin.
"What are you doing here?" takhang tanong ko at umirap siya.
"I should be asking that, sorella." Kumuha si Malvie ng libro sa side table at pasimpleng binuklat ito. Sumeryoso ako't hindi na natutuwa sa pabigla-bigla niyang pagsulpot. Pati ang asal niya'y nagbago.
"Spill it. After this, get out and leave the house," banta ko at nagtungo sa banyo.
"Who's that bulky-looking man sa baba? He's waiting at the gate." Nadama ko ang pagkayamot sa tono ng kanyang pananalita. Sinilip ko siya mula sa pinto at sinuri kung nagbibiro ba siya.
Bumalik ako sa aking ginagawa saka pinihit ang gripo. Isa lang naman ang lalaking naka-tambay sa gate ng bahay ni Yendi. Yumuko ako para maghilamos at inabot ang tuwalya sa sabitan. Nagpunas ako ng mukha't matagal bago siya sinagot, "Baka si Kuya Dolfo ang nakita mo. He's our guard. Why? Didn't he let you park your blue car?"
"Duh. I already know him," sagot niya at kahit hindi ko nakikita'y baka umiikot na ang mga mata niya. Nagsipilyo ako habang nakikinig sa mga hinaing niya. "I am pertaining to the man who's so bihis na bihis."
"Kuya Dolfo is bihis na bihis, too. He's always wearing his attire like the guards in your villa."
Rinig ko ang singhal niya at ang pagbagsak ng libro sa tukador. "Sorella, does your guard have a sports car, too? No, 'di ba? But, listen. The man at the gate has!"
BINABASA MO ANG
SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)
Romancethe Spot Saga: Season 1 A night she couldn't erase, a party that led to her tragedy, and a lie that fooled her for years. Macthara Sartre refused dependence from the family that envisioned her to be the 'princess' of doom, a doll they can control. H...